Chapter 81: Love sick

3.2K 24 10
                                    

Life goes on ika nga nila. Kung ano man ang mga nangyari nung nakaraang araw, dapat ko na yung kalimutan. Tutal okay na rin naman kami ni Grace eh. That’s the only thing that matters.

“Boys. Do your best in this game. Remember, this is already for the championship.” Sabi ni coach.

Nasa side court kami ngayon and we’re just waiting for the referee’s whistle. I just made a few hoops earlier.  This is our first game with UST for the finals kaya nga kinakabahan na ako eh.

“Yes coach!” me and my teammates said in unison.

Ang ingay na ng buong court. I have expected it sa simula pa lang na ganito ka wild yung crowd, finals nga kasi eh. Kahit may pasok pa yung iba, they chose to see our game instead.

I looked around trying to find my princess, kaso wala siya. Hindi ko rin siya nacontact kanina, medyo busy eh. Nagprepare kasi kami ng buong team eh. We have to win this game. 

I heaved out a heavy sigh. Naalala ko tuloy yung sinabi niya nung last game namin. Sabi niya kasi na hindi daw siya pupunta ngayon, para daw may dahilan akong ipanalo tong first game at sa second game nalang daw siya pupunta. But somehow I’m hoping na nandito lang siya sa tabi tabi, nagtatago para di ko makita. At least yun, alam kong nanunood lang siya sa akin.

“Oh? Ba’t parang lutang ka? Di pwedeng ganyan ka ngayon bro.” Sabi ni Ryan sabay tapik sa akin.

I looked at him and sighed. “Nakita mo ba si Grace?”

Umiling siya. “Di ko siya napansin ngayon.”

“Tss.” I mumbled.                                   

“Eh tawagan mo kaya? Kaysa sa mukha kang ewan diyan?” he suggested.

Oo nga no?

“The best ka talaga bro!” sabi ko sabay tayo.

“Kief! Saan ka pupunta?” tanong nung isang assistant coach.

“Coach I need to make a call. Sandali lang po.” Sabi ko. “Nasa locker room yung phone ko eh.”

“Eh wag ka ng pumunta dun.” Sabi niya sabay abot nung cellphone niya. “Gamitin mo nalang yan.”

I smiled. “Salamat po coach.”

Lamayo muna ako ng konti saka ko dinial yung number ni Grace. Buti na nga lang at memorize ko yun. After a few moments, may sumagot nung tawag, pero nagulat ako. Hindi yun boses ni Grace.

“Hello? Sino ba to?” tanong niya.

I looked at the screen. Tama naman yung number eh.

“Ah hello? Grace? Ahm, si Grace ba to?” tanong ko.

Potek! Hindi nga boses ni Grace eh, nagtatanong pa! Bobo mo Kief!

“Ay malamang.” Sabi nung nasa kabilang linya. Medyo croaky yung boses niya tapos parang sinisipon pa. Ewan, parang boses ng matandang lalaki. “Si Grace to. Sino ka?”

“Seryoso?! Ikaw ba talaga to Grace?” tanong ko. Baka kasi pinagtritripan ako eh.

“Ay anak ng siopao! Si Grace nga sabi to eh! Sino ka ba?” naiinis niyang tanong.

“Si Kiefer to.” Sabi ko. “Anong nangyari sa boses mo?”

“Eh may lagnat ako eh tapos dagdag pa tong sipon.” Sabi niya. “Ba’t ka napatawag?”

Bigla akong nag-alala sa sinabi niya. May sakit yung prinsesa ko, at wala ako sa tabi niya.

“Grace? Okay ka lang ba diyan? Gusto mo puntahan kita ngayon?” i asked hysterically.

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon