Chapter 32: Bubbly

4K 25 6
                                    

Next week eh break namin. Maraming activities sa school, tapos sabay sabay rin yung exams. Masyado na akong busy dahil sabay sabay na yung school works at yung paprapractice para sa nalalapit na UAAP.

Hindi lang yun yung pinoproblema ko, kasi dagdag sa iniisip ko si Grace. Nagkikita lang kami every history class namin. Dahil pareho kaming busy eh di na kami masyado nakakapag-usap. Well, minsan tintext ko siya, inuutusan ko ng kung ano ano para lang makita ko siya o di naman kaya makatext siya. Ganun yung set up namin these past few days. Another thing, worried din ako sa babaeng yun, kasi nga diet daw siya, kaya di yun nagdidinner. Sa dami ba naman ng ginagawa niya, kailangan niyang kumain nun, kahit konti lang. hindi lang naman kasi studies at basketball yung inaatupag niya eh, may trabaho rin siya dun sa isang car company, although light job lang yung sa kanya, eh dagdag pa rin yun sa mga iniisip niya, kaya dun ako worried, baka mapabayaan niya ang sarili niya.

“Tama na yang pagwo-worry mo sa girlfriend mo!” pang-aasar ni Von.

Hawak-hawak ko kasi ang phone ko. Kanina ko pa tinatawagan si Grace, pero wala pa ring sumasagot ng tawag ko.

Katatapos lang ng practice namin, pero nasa gym pa rin kami ni Von at nag-iimpake ng gamit.

“Di ko siya girlfriend. She’s a slave.” Sagot ko.

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon