Pagod. yan ang nararamdaman ko ngayon. Di lang kasi dahil sa practice game naming kanina, kundi dahil na rin sa hindi ako nakapag lunch at breakfast. Pagkatapos na pagkatapos ng practice namin eh umuwi na ako. Inaya pa nga ako ng mga ka teammates ko na manuod muna ng try-outs ng girls eh kaso pagod na talaga ako at isa pa, gutom na ako. Sabi ko na lang babalik ako pero sa tingin ko, di na lang. Sakit na ng katawan ko tapos kailangan ko pang gawin yung paper sa history class namin, baka magalit na naman si miss arte.
“Oh Kuya meryenda mo.” Kapatid kong si Dani. Kakapasok lang niya sa kwarto naming ni Thirdy na may dalang tray na may sandwich at juice.
“Thanks sis!” sabi ko sabay gulo ng buhok niya. Kinuha ko agad yung sandwich sabay subo.
“Kuya naman eh!” Dani.
“Oi! Wag kang maingay baka magising si Thirdy. Pagod yan.” Suway k okay Dani. Pano eh tulog na tulog si Thirdy pagkarating ko sa bahay. Pagod yata yan sa game nila. Proud nga ako diyan eh kasi susunod pa yata sa yapak ko!
“Kuya ano yan?” tanong ni Dani sabay turo ng sini-search ko sa net.
“Ah wala, may assignment lang kami, kailangan ko na tong gawin eh.”
Umupo naman si Dani sa tabi ko. Actually nasa kama lang ako nagse-search gamit laptop ko.
“Wag kang magulo diyan Dani! May ginagawa ako eh!” pano ba naman kasi eh talon ng talon sa kama. Kulit talaga ng kapatid kong to!
![](https://img.wattpad.com/cover/2400277-288-k751443.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Game
Teen FictionWhat if you have to choose between your DREAMS and LOVE? Would you choose to get both knowing that you can't give your best? Or would you rather choose one, knowing you'll lose the other? Life is a tough game. A game that everyone plays. But unlike...