“Grace.” Narinig kong sabi ng isang babae. Parang yamot na yung pagkasabi iya nun eh.
Grace? Yung maarte?
Actually, nandito kami ngayon sa isang pizza house malapit sa campus. Pinatawag kasi kami ni coach eh, may sasabihin daw siya sa amin. Kanina pa nga nag-iingay yung mga kasama ko. Libre kasi ni coach eh kaya yan! Grabe kung kumain tapos ang daldal pa parang mga babae!
Since malalakas ang boses ng kasama ko, yung nasa paligid naming eh parang di rin magkarinigan so ang nangyari, nag-uusap din sila na malalakas yung boses. So yun nga, kanina ko pa naririnig tong mga babae sa kabilang table. May divider naman kaya di namin sila kita, pero nagkakarinigan pa rin. At dahil nga malakas din yung mga boses nila, naririnig ko talaga sila. Actually, kanina pa.
“Tss. Oo na! Para tumahimik ka na diyan!” narinig kong sabi ni Grace.
Kanina ko pa nga napansin na parang ka boses nga ni Grace yung nagsasalita, kaso di ko pa sure, not until I heard her friend call her name.
“Coach! I swear, we’ll miss you talaga!” sabi ni Toni, teammate ko. Tapos ayun nag ingay na naman sila. T____T
Dahil sa ingay ng mga kasama ko, di ko tuloy narinig yung sinabi ni Grace.
“Eh, ayoko. Gusto ko maglaro ka rin. Mas may future ka sa team eh.” Sabi nung friend niya.
Ano kaya pinaguusapan ng dalawa?
“Oi Kief! Kanina ka pa tahimik diyan ah? Anong meron?” sabi ni Justin, isa ko pang teammate. Tapos ayun lahat sila nakatingin sa akin.
“Wala. Maingay lang talaga kayo, ayokong dagdagan ang ingay.” Sabi ko.
“Sus! If I know, you're thinking about that cute girl na nakabangga mo kanina noh?” pangaasar ni Von.
Tama, siya nga. Maysamanghuhula din tong si Von -____-
“Ewan ko sa inyo. Wag niyo nga akong kulitin!” asar naman tong mga to eh. Yan tuloy di ko na narinig yung pinag-uusapan nila Grace. T____T
“So guys, this Saturday, we’ll practice okay?” sabi ni coach.
“Yes coach!” we all said in unison.
“Ella, mauna na ako ah, may paper pa kasi akong gagawin para sa history class ko eh.” Rinig kong sinabi ni Grace.
“Ah? Anong paper yan? Grabe unang araw pa lang eh may paper work na kayo?” sabi nung friend niya.
“Eh ewan ko ba dun! Basta una na ako ha. Sige bye!”
“Bye! O bukas ah! Wag kag tatakas!” pahabol nung friend niya.
Ano bang meron bukas?
“Kiefer. Are you listening to me?” rinig ko boses ni coach.
“Huh?” I mumbled.
“You’re spacing out.” He commented.
“Naku coach! In love yan! kaya ganyan." singit ni Von.
“So who’s the lucky girl?” tanong ni Nico na katabi ko.
“Tss.” Inayos ko upo ko then I focused my attention to coach. “What were you saying coach?”
“Anyway, as I was saying, we are looking up to you Kiefer.” he said. "We need the Phenom."
“And whatever is that bothering you, please, set it aside.” He added.
“Yes coach.” I said.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Love Game
Teen FictionWhat if you have to choose between your DREAMS and LOVE? Would you choose to get both knowing that you can't give your best? Or would you rather choose one, knowing you'll lose the other? Life is a tough game. A game that everyone plays. But unlike...