Chapter 1: Opportunity

11.1K 65 3
                                        

They said that opportunity knocks only once. Never let it go. Never miss the chance. And since the opportunity knocked on my door, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa – I immediately grabbed it.

            Grace Villa, 17. The girl with an unfortunate past. Hindi man ako sikat, pero I know someday, people will look up to me. I have big dreams, and who cares anyway? Libre lang mangarap. But one thing I’m sure of, I am capable in achieving all my dreams. At naniniwala ako na lahat ng pina-pangarap ko is already within my reach.

A few months ago, kinu-kulit na ako ng pinsan kong si Henry, to pass the requirements for a training. Their company is offering such training kasi, at kung sino man ang matanggap, he or she can choose any schools within Metro Manila para dun mag-aral, and the company will shoulder all the expenses. Tapos pag-graduate, sa company nila dapat mag-trabaho.

            Kung iisiping mabuti, its already a win-win situation. But the thing is, mala-layo ako sa family at friends ko. Pero the offer’s really tempting. Secured na ang future ko pag-nagka-taon. And definitely, pwede na akong mag-move on – totally. So I tried my luck and passed the requirements, and luckily, I got in.

Pero somehow nalungkot din ako. Kasi nga maiiwan ko yung friends ko. Madali lang naman travel from Manila to the province, pero baka wala na akong time para magawa pa yun.

I remembered the conversation I had with my friends, sa isang pizza house. My friends are really weird. In one moment, they’d ask me not to go, tapos bigla nalang mag-babago ang isip at pipilitin akong umalis.

“Gagi! Tanggapin mo na! Sayang yun!” sabi ni Anne sabay hagis sa akin yung tissueng nilukot niya. Buti di umabot sa akin. Tapos yun, may kinalikot sa phone niya.

“Akala ko ba ayaw niyo akong umalis?” tanong ko. “Ano ba talaga?”

“Sus! Naniwala ka naman kay Anne?!” biro ni Jan. “Sinabi lang niya yun dahil mang-lilibre ka.”

I looked at Anne and gave her a glare. “Ah ganun.”

“Hoy hindi ah!” Anne snapped. “Sabi mo nga kasi diba, maganda naman yung offer? Kaya I guess okay lang na umalis ka.”

“Oo nga naman Grace. Ayaw mo nun, mas madali mo ng makita si Daniel Padilla at James Reid?” sabi ni Kieth habang hawak yung phone niya. Katext nanaman siguro si JB, yung manliligaw niya.

Napangisi ako. Oo tama! Makikita ko na rin sina Daniel and James sa personal!

“At si Kiefer Ravena.” Singit ni Hersh na busy rin sa phone niya.  Siguro katext din yung unggoy – I mean, yung ka-landian niyang basketball player sa school.

Oo nga. Si Kiefer din pala. Napangiti ulit ako.

“Tss. Kahit feeling ko, you guys are pushing me away, sige okay lang.” I said then smiled. “Tama kayo, nandun yung dream guys ko. Wala dito.”

“Ehem!” Hersh faked a cough.

 Hindi ko nalang siya pinansin. I know what that meant. I just don’t want to talk about that now.

“Ang mean mo! Ipagpapalit mo lang kami sa mga lalaki? Tss.” singit naman ni Jan at nagpout pa.

“Ang gulo niyo rin talaga eh no?” I mumbled. “Oh well, nandito na to. I’ll just take it. Minsan lang ang mga ganitong chances.”

“Knowing you Grace, di naman yung offer yung gusto mo. Yung makita lang sina James at Daniel yung gusto mo eh.” Sabi ni Jan tapos tumingin rin sa phone niya.

Kumunot ang noo ko. “Teka nga! Ano ba yan?! Last na nga nating bonding to tapos sa phones niyo lang kayo naka-focus?!”

Tumingin si Hersh si akin, “Sus! Inggit ka lang. Wala kang ka textmate eh. Suplada kasi”

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon