Chapter 45: Official girlfriend

3.6K 18 12
                                    

She’s back. She’s back again. I wonder kung ano na naman ang nasa isip ng babaeng yun. She’s been annoying me for almost half of my life. Kababata ko siya at pinsan siya ni Jeron at Jeric. Actually, hindi sila blood-related. Ampon lang siya ng parents niya, but she acts like she’s a real Teng, at dahil dun inis din sina Jeric at Jeron, ganun na rin ang mga kapatid nila sa babaeng to.

Since we were young, she keeps on clinging on to me. Hindi siya nahihiya na i-voice out na gusto niya ako. I must admit, she’s pretty and smart, pero I just don’t like her, lalo na yung ugali niya.

And now she’s back – into my life. Hindi ko alam kung ano na namang gulo ang gagawin ng babaeng to sa buhay ko, I just hoped wala na – I just hoped na nagbago na siya.

Naikwento sa akin nina Jeron na dun siya nag-aaral sa States for three years now. Pero nagulat nalang ako nung malaman ko kahapon na dumating na siya. Actually, pabalik balik lang siya every Christmas, pero swerte ako dahil kami naman ng pamilya ko yung nag-a-out of the country o di kaya eh nasa probinsya, kaya there was no chance for us to meet. But this time she’s back. She’s back for good. At natatakot ako sa pwede niyang gawin. Kaya nga I have to end all her illusions about US. Ipapakilala ko si Grace bilang girlfriend ko, para sa ganun, di na niya ako kukulitin.

Gaya ng teammates ko at mga kaibigan ko, alam niya ang tungkol sa childhood love ko – yung tungkol kay Grace. Dahil dun kampante siyang ivoice out yung nararamdaman niya para sa akin, dahil alam niyang kung magkaka-girlfriend ako, hindi yun seryoso. But this time, iba na. Dahil yung babaeng matagal ko ng hinanap eh nakita ko na ulit. And this time, she can never get in to my life every again, dahil wala na siyang mapang-hahawakan, dahil this time, seryoso ako – kay Grace.

“So? Pumayag ba si Grace?” tanong ni Jeron. Nandito sila ngayon ni Jeric sa bahay.

Nasa entertainment room kami, sina Axel, yung kuya ko at Jeric eh naglalaro ng X-box habang kami ni Jeron eh masinsinang nag-uusap.

“Oo.” Sagot ko. “Pero parang mali yata na idamay ko pa siya sa gulong to.”

“Ano ka ba? Sa simula pa lang damay na siya!” sabi ni Jeron.

“Pero natatakot ako sa pwedeng gawin ng pinsan mo.” I said honestly.

“Hindi ko pinsan yun pwede ba!” sagot niya. “At isa pa, hindi naman siguro siya ganun kasama para may gawin siya kay Grace. Wala naman siyang ginawa dun sa mga nagging ex mo dib a?”

Umiling ako. “Wala nga. Pero pag once malaman niyang si Grace at yung batang babaeng tinutukoy ko dati ay iisa, hindi natin alam ang pwede niyang magawa.”

“Don’t worry bro. I’ll spy on her.” Sabi ni Jeron.

“Thanks bro!” and we did our handshake.

Somehow I felt relieved sa sinabi ni Jeron. But everytime maaalala ko yung usapan naming ni Grace, bumabalik yung worries ko.

“Will you be my girl?” tanong ko sa kanya. “Please, just for a month. Wait hindi, everytime she’s around. Yun lang.”

“Eh kasi…” she blew her bangs. “Sige na nga. Basta ba walang physical contact ha!”

Napangiti ako dahil pumayag siya sa hiling ko sa kanya. Pero ngayon ko lang din naisip na pwedeng hindi maganda ang mangyayari between us three – ako, si Grace at NIYA.

I just hope mali yung naiisip ko.

-----------------------------------------------------------------------------------------

Ilang araw din yung lumipas after nung pumayag ako sa hiling ni Thomas. Official na, girlfriend niya ako sa harap nung babaeng yun, yun lang.

“You what?!” ang lakas ng boses ni Ella.

“Shh.” Saway nung librarian. “This is a library, you shouldn’t be shouting.”

“Sorry ma’am.” Sabi niya and smiled sheepishly. Umalis naman yung librarian pagkatapos nun.

“Aray!” reklamo ko, hinampas kasi niya yung kamay ko eh. hininaan ko yung boses ko, baka mapagalitan kami ulit eh. Nasa library kami nag-aaral. Kinwento ko sa kanya yung tungkol kay Thomas.

“Baliw ka rin talaga no?! anon a naman ba yang pinasukan mo?” tanong niya. This time hininaan niya yung boses niya.

“Eh kasi naman eh may utang ako sa kanya. At isa pa, naaawa ako eh.” Sagot ko.

“Naku Grace! Yang pagka-maaawain mo ah! At isa pa, bakit di mo nalang bayaran? Sabihin mo nalang sa parents mo yung totoo!” sabi niya.

“Eh hindi na pwede. Okay lang naman eh, nakapag-usap na kami at ok ay lang naman yung offer niyang yun. At napag-usapan namin na no physical contact, kaya safe ako.” Sabi ko sabay harap sa librong binabasa ko.

“Baliw ka talaga! Alam nab a to ni Kiefer?” tanong niya.

Binaba ko muna ulit yung libro tapos tiningnan siya. “Hindi. At bakit kailangan pa niyang malaman? Eh di ko na naman siya master ah.”

“Eh kasi diba okay na kayo sa isa’t isa? Which means friends na kayo.” Sagot niya.

“Eh anong konek?” tanong ko.

“At least alam niya. Basta yun! Sabihin mo sa kanya. Para naman kung may gawin yung Torres eh may Kiefer na uupak sa kanya diba?” nagpause siya. “I-count mo na rin si Von.”

“Baliw! Wala naman yung gagawin sa akin eh. At isa pa, pag nandun lang yung girl daw kami magpre-pretend.” Sabi ko.

“Anggulo naman niyan!” kumneto niya. “Basta Grace ah, pag ikaw mapasok sa magulong buhay ng Torres nay an, babatukan talaga kita.”

-------------------------------------------------------------------------------------------------

 Mehehehehe!! Quotang quota na ah!

Anyway,ABANGAN!!

>sino kaya yang bagong character?? 

>ano kaya ang role niya sa buhay ni Thomas at Grace?

Comment. Vote. Fan.

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon