Chapter 63: She's legal

3.3K 24 13
                                    

Its Tuesday, which means bukas na yung birthday ko. Pero pag naaalala kong wala ang family and friends ko with me to celebrate my day, nalulungkot lang ako.

Okay lang naman eh kasi nandito naman sina Hannah pati na rin si Henry. Sila nalang yung kasama kong magcelebrate. Nandito rin naman sina Ella, Janine at women’s team at yun na ring sa men’s team, pati na rin si Thomas. Magpapakain nalang siguro ako ng pizza. Pwede na yun!

“Hannah!” tawag ko kay Hannah. Hinahanap ko kasi yung phone ko. Kagabi ko pa yun nahanap kaso wala talaga.

“Hannah!!” tawag ko ulit. Kanina pa tahimik yung unit.

Nagring naman bigla yung telephone. “Hello?”

“Grace. Magagabihan ako ng uwi mamaya ha. Yun lang. Bye.” Boses ni Hannah. Agad naman niyang binaba yung telepono. NO choice ako kung hindi haluhugin ang buong kwarto para mahanap lang yung phone ko.

“Shet! Malelate ako nito eh.” Napakamot ako sa ulo. “Mamaya na nga lang.”

Since may klase pa ako ngayong umaga, nagmadali akong pumunta sa school. Buti na nga alng at hindi pa ako late. As usual, naglelecturelang yung prof. Mabilis tumakbo yung oras. Feeling ko busy lahat ng tao eh lalo na yung mga kaibigan ko. Ni hindi ko nga sila nahagilap sa campus.

Natapos ang klase ko. Naisipan ko munang tumambay sa library. Mag eemote lang ako. I’m turning 18 tomorrow, pero wala sina mama at papa, ganun na rin yung pasaway kong kuya. Na mimiss ko na sila. Ganun na rin naman ang mga kaibigan ko eh. Miss na miss ko na rin sila.

“Aww!” i mumbled. May bumato kasi sa akin ng paper airplane eh. Pinulot ko naman yung papel tapos tumingin tingin sa paligid para malaman kung sino ang humagis sa akin nun.

Ng wala naman akong makitang possibleng maghagis nun, binalik ko nalang ang tuon ko sa paper airplane. Napansin kong parang may sulat sa papel kaya binuklat ko yun.

GYM. ASAP’ Yun ang nakasulat sa papel.

Tumingin tingin ulit ako sa palagid bago ako tumayo at nagpunta sa gym. I was on my way then ng biglang lumapit sa akin si Danica, captain ng women’s team.

“Grace can I ask you a favor?” tanong niya.

“Sure.” Sabii ko. “Ano yun?”

“Kasi may pinakiusap kasi sa akin si coach eh, yun nga lang kailangan ko ng kasama. Pwede mo ba akong samahan muna?” tanong niya.

“Ah, sige. San ba?” Ako.

She pulled my hand. “Tara!”

Naglalakad lang kami. Hindi ko talaga alam kung saan kami papunta nitong si Danica. Feeling ko pinagloloko lang naman niya ako eh. Palibot libot lang kami sa may chapel.

“Ano ba kasi ang gagawin natin dito?” tanong ko.

“Ah, may kakausapin lang.” Sagot niya. “Teka, maiwan muna kita. I’ll be right back.”

Tumango nalang ako. Walang tao yung chapel kung hindi ako nalang. Umalis si Danica eh. Umupo nalang muna ako while I busied myself humming. Nagulat nalang ako ng bigla may isang batang lalaki ang lumapit. Nakaputi siya tapos may hawak na pulang rosas.

Kung maysakit lang talaga ako sa puso, kanina pa ako inatake. Akala ko multo eh. Matatakutin pa naman ako.

“Ate oh.” Sabi niya sabay abot nung bulaklak.

“Para sa akin to?” tanong ko sabay kuha ng bulalak. Tumango naman siya. Ang cute!

“Thank you ha.” Sabi ko.

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon