Akala ko being legal means being free to do all things that adults do, pero mali ako. Grabe ha, mas lalo yata akong bantay sarado ngayon eh. Ang weird nga. Una, si Henry. Sabi niya na wag daw ako maglalalapit sa mga lalaki dun sa office. Nakita niya kasi ako once na kausap si Lance, yung gwapong trainee na nakita ko dati. Friends na kasi kami eh. Grabe lang talaga. Tapos si Thomas din, pinagalitan ako kasi nalaman niyang nagpunta ako sa isang bar the other day. Is he serious? Ni hindi nga ako naka inom eh! Sinundo ko lang dun si Ella kasi nga naglasing! May problema yata sila ni Von. Tapos si Kiefer naman, napaka ugh ewan! High blood lang yata talaga siya kay Joseph eh. Palagi niya kasing sinusungitan. Ang labo.
“Oh may date ka?” tanong ni Hannah.
At isa pa tong si Hannah. Porke’t aalis lang eh date agad. Ang labo ng mga taong to ngayon.
“Gagala lang.” Sagot ko habang sinusuot yung sapatos ko.
“Sinong kasama mo?”tanong niya habang nakatuon pa rin yung tingin niya sa mga papeles na hawak niya.
Mama ikaw ba yan?
“Si Kiefer.” Sagot ko.
Nilapag niya yung mga papel niya tapos tinggal yung glasses niya at hinarap ako. “So date nga?”
“Gala nga lang eh!” sabi ko.
Umiling siya. “Gala pa ba yan? Kayo lang dalawa? Eh di date yan!”
“Gagi! Hindi nga sabi eh!”sabi ko. Eh hindi naman kasi to date eh. Gala nga lang! Gala!!
“Bahala ka nga!” sabi niya tapos balik sa trabaho niya. “Basta umuwi ka ng maaga.”
Nagtext na si Kiefer na papunta na raw siya kaya nagmadali akong mag ayos. Actually, hindi naman talaga ako nagbihis masyado. Simple t-shirt at shorts lang. Gala nga lang kasi eh. Pero nung makita ko si Kiefer, nahiya naman ako sa suot ko. Eh medyo formal yung suot niya eh, while on the other hand, para akong julalay niya na naka shirt lang.
Nakarating rin kami sa mall. Ewan ko ba kung bakit hindi nalang dun sa mall malapit sa condo ko kami gumala. Nanuod kami ng movie. Medyo naiiyak nga ako kasi ang ganda talaga nung plot nung story. Film enthusiast kaya ako kaya naaapreciate ko yung kahit maliit na aspect ng isang film. Napansin ko naman na parang aligaga pero nakangiti si Kiefer habang nanunuod kami. Tingin kasi siya ng tingin sa phone niya eh. Feeling ko nga hindi niya naintindihan yung story ng pinapanuod namin.
“Alam mo, kanina ko pa talaga napapansin yang ngiti mong yan eh! Happy ka yata masyado?” I commented.
“Masama bang maging happy?” Kiefer.
Umiling ako. I was about to say something ng may tatlo weird guys, I suppose, na may box yung ulo na parang Domo. I was taken aback ng bigla nalang silang sumayaw na parang macho dancers. Ang creepy! Hinarap ko naman yung katabi ko kaso biglang nawala?
“Shet! San na yung ibon na yun?” i mumbled.
Binalik ko yung tingin ko sa tatlo. Iba naman yun dance moves nila ngayon, but still, they’re weird. Ano ba ang trip ng mga to? At terno pa talaga na naka blue, and they look so familiar.
“Ah excuse me promo boys ba kayo ng sabon or what?” tanong ko. “Di kasi ako yung namimili eh kaya sorry. Padaan nalang po.”
Tumigil sa pagsayaw yung tatlo tapos tumalikod. Yung shirt nila may naka sulat na letters. Naka form sila ng ‘YOU’
Napataas yung kilay ko. Ang weird ng trip ng mga lalaking to. Tapos biglang umalingawngaw yung boses ni Justin Bieber. Pinapatugtog yung ‘Boyfriend’
Baka naman may magpopropose? Napagkamalan pa yata ako. -___-‘
Just then I realized na marami rin palang nakablue sa paligid. Narealize ko lang yun ng isa isa na silang lumapit sa akin. Unlike those three weird guys, wala silang box sa ulo. Pero hindi naman sila familiar sa akin. Kaya mas lalo tuloy naging strong yung thought ko na napagkamalan ako.
Nahihilo ako sa mga taong to. Pinapalibutan nila ako habang sumasayaw sila na parang ewan. Natapos din yung kanta ni Bieber then yung mga taong kannina ay nakapalibot s akin made a way. Yung tatlong weirdo eh bigla nalang nawala. Nagulat nalang ako ng mga bola ng basketball na gumulong papalapit sa akin. Kinuha ko yung bola. May napansin akong nakasulat. Bigla namang nagkantahan yung mga nakapalibot sa akin ng ‘Back at one’. Binaling ko ulit ang attention ko sa bola at nakasulat. ‘Maarte ka.’
My jawdropped. Wow ha! Masasabunutan ko talaga kung sino man ang may pakana nito. At tinawag pa talaga akong maarte! Pero hindi. Napagkamalan lang yata talaga ako.
I bit my lower lip at kinausap yung babae na kumakanta na medyo malapit sa akin. “Ate ate! Baka nagkakamali po kayo. Hindi po yata ako yung dapat nandito.”
Instead na sagutin niya ako ng mga salita, isang ngiti yung binigay niya sa akin. Ang weird talaga. Isang bola na naman yung gumulong. Pinulot ko ulit yun. Patuloy pa rin sa pagkanta yung mga naka blue. Binasa ko naman yung nakasulat sa bola. ‘Lampa at tulog mantika pa.’
Nanlaki ang mata ko. Nakakinsulto na ah!
May gumulong ulit na dalawang bola. ‘Pero kahit ganun ka...’
My heart skipped a beat. I bit my lower lip as I took the last ball. ‘mahal kita.’
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mehehehe! Oh ayan! UD! hahaha puputulin ko muna diyan! Magiisip pa ako ng ibang gimik. Pero ang tanong,
Si Kiefer nga kaya ang may paka niyan o marahil iba pala?
ABANGAN! :))
Comment vote fan
BINABASA MO ANG
Love Game
Dla nastolatkówWhat if you have to choose between your DREAMS and LOVE? Would you choose to get both knowing that you can't give your best? Or would you rather choose one, knowing you'll lose the other? Life is a tough game. A game that everyone plays. But unlike...