The game ended 83-78 ang score at panalo kami. I can see the happiness of my team. Masaya rin naman ako, but not that much. Nag-aalala pa rin ako kay Grace.
“Kief, nagmamadali ka na naman ah?” tanong ni Kris.
“May sakit kasi si Grace eh. Pupuntahan ko lang.” I explained as I wore my t-shirt. Katatapos ko lang mag freshen up kaya inayos ko na agad yung mga gamit ko para mapuntahan si Grace.
“Naks! Iba ka na talaga Kief!” kumento ni Ryan. “In love na in love na talaga!”
“Tss. Para naman kayong hindi nagkaganito.” Sabi ko. “Sige guys mauna na ako. Bye!”
I rushed to Grace’s condo. Pero bago yun, dumaan muna ako sa isang pharmacy, at bumili na rin ako ng soup. Buti na nga lang at hindi traffic kaya mabilis kong narating yung condo niya.
Nagdoorbell na ako. Not that long, someone opened the door.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.
“I should ask you the same thing.” Sagot niya.
“Hoy Thomas bilis! Ikaw na!” narinig kong sigaw ni Grace.
I looked at the guy in front of me. He sighed and made a way. Pumasok na ako and spotted Grace sitting on the floor with a blanket around her and in front of her is a chess board with chess pieces.
“Kief.” Grace mumbled.
“Di ba sabi ko wag kang mag-gagalaw?” sabi ko. “At naglalaro ka pa ng chess.”
She said as she tried to stand, “Eh kasi..”
“Grace!” napasigaw kaming dalawa ni Thomas. Buti nalang at nasalo ko siya agad. She lost her balance at natapakan pa niya yung chess board kaya muntikan na siyang matumba.
“Ang kulit mo kasi.” I commented.
Tinulungan ko siyang umupo sa may sofa. Inalalayan rin siya ni Thomas.
“Hindi ako disabled. Grabe kayo.” Sabi niya.
Pinitik ko yung noo niya. Mahina lang naman. “Ang kulit mo kasi.”
“Kief!” suway ni Thomas. “Kita mo na ngang may sakit si Grace, sinasaktan mo pa!”
“Thom, matigas ang ulo ng babaeng to.” Sabi ko sa kanya. “Kita mo nga oh, may lagnat na nga, NAKIKIPAGLARO PA SA’YO ng chess” Inemphasize ko talaga yung huling sinabi ko.
“Hindi ako inaantok eh!” singit ni Grace. “At isa pa okay na ako oh.”
“Pasaway ka talaga.” Sabi ko.
“Grace, tama si Kief, magpahinga ka na.” Sabi ni Thomas habang nililigpit yung chess pieces.
“Tss! Umuwi na nga kayong dalawa!” inis niyang sabi. “Ang gulo niyo!”
“Pasaway ka kasi.” I looked at her fiercely. She bit her lips and looked down.
“Grace, kanina pa kita natatalo.” Singit ni Thomas. “May deal tayo Grace, pag matalo kita, magpapahinga ka na.”
“Eh last game nalang please.” she turned to Thomas with her puppy dog eyes.
“Spoiled brat.” I mumbled tapos tumingin kay Thomas. “Wag kang mag-pauto sa tingin niyang yan.”
“Tss. Kainis ka naman Kief eh!” reklamo ni Grace. “Oo na! Panalo na kayo! Magpapahinga na ako!”
“Yun naman pala eh!” kumento ni Thomas. “Wag kang mag aalala, babantayan kita.”
BINABASA MO ANG
Love Game
Teen FictionWhat if you have to choose between your DREAMS and LOVE? Would you choose to get both knowing that you can't give your best? Or would you rather choose one, knowing you'll lose the other? Life is a tough game. A game that everyone plays. But unlike...