“Are you sure with that?” tanong ko kay Von.
Marami rami rin kaming napa-usapan. Marami rin akong nalaman. Kaya pala walang alam si Grace ganun na rin si Kiefer dahil nilihim naming yung nagging relationship namin dahil na rin sa mga bata pa kami at dahil na rin sa mga magulang namin.
We were young and in love. Nalaman kong nalaman ni mama ang tungkol sa amin kaya pinaghiwalay kaming dalawa. Since then, naputol na ang communication namin. Yung pagkawala ng ala-ala ko, its still a mystery. Isang lang naman ang may nakaka-alam ng lahat eh. Si mama.
“Yes. Its time para harapin ko siya. At Ella…” he paused as he reached for my hand na nakapatong sa table. “Pag nagkataon, marahil pwede na sigurong maging tayo.. ulit.”
Feeling ko namumula na yung mukha ko dahil sa sinabi niya. binawi ko agad ang kamay ko na ikinagulat niya.
“Di pa ba kayo tapos diyan?” napalingon ako. Si Kiefer pala kasama si Grace.
Tumayo na ako at lumapit sa kanila. Narinig ko ang tunong ng inusog na upuan and I figured out na tumayo rin si Von.
“Katatapos lang namin.” Sabi ko tapos tumingin kay Von.
“So okay na kayo?” tanong ni Grace habang nakangiting mapang asar.
“Aray naman Ella! Napakasadista mo talaga!” reklamo niya. Hinampas ko lang naman kasi siya kasi kung ano ano lang yung nasa-isip niya.
“Mag bestfriend talaga kayo.” Kumento ni Kiefer. “Sadista rin tong babaeng to eh.”
“Hoy ibon ah!” sigaw ni Grace.
“Hoy! Di nga ibon ang pangalan ko eh! Pinagbigyan lang kita kanina! Wag kang umabuso ha!” sigaw rin ni Kiefer.
“Sus! Galing lang kayo sa date niyo tapos mag-aaway pa kayo?” singit ni Von.
Tumingin lang ng masama ang dalawa sa kanya.
“Sabi ko nga, joke lang.” sabi ni Von then he chuckled.
“Ah, Grace, may klase ka mamayang hapon di ba? Di ka ba papasok?” tanong ko.
Umiling siya. “Absent nalang ako ngayon. Tinatamad ako eh.” Sagot niya.
“Lazy brat.” Ewan ko kung bulong yun ni Kiefer o sinadya niyang lakasan para marinig namin.”
“Narinig ko yun!” si Grace.
“Tara na nga El! Nangangati ako dito eh, ang daming langgam!” sabi ni Von sabay hila sa akin papalabas.
Gusto ko sanang magpumiglas kaso may binulong siya. Napangiti lang ako sa sinabi niya at di nalang kumibo.
--------------------------------------------------------------------------------
Wow ha! Iwan ba naman ako kasama tong ibon na to! Tss.
“Hoy sadistang tulog mantika! Pumasok ka!” sabi nung ibong katabi ko.
“Ayoko.”sagot ko.
“Tamad.” Sabi niya.
“Tss. Ewan ko sa iyo! Aalis na ako.” Sabi ko. Balak ko kasing sundan yung dalawa, baka gumawa ng milagro eh.
“Oi oi oi!” hinawakan niya yung braso ko. “San ka pupunta?”
“Susundan ko yung dalawa. Wala akong tiwala dun sa bestfriend mo!” sagot ko sabay alis nung kamay niya sa braso ko.
“Tss. Hayaan mo na yung mga yun! At sa ayaw o gusto mo, papasok ka.” Sabi niya.
Hinead to foot ko siya. Di pa rin niya binibitawan yung braso ko.
“A-YO-KO” sabi ko sabay apak sa paa niya at kumaripas ng takbo.
-------------------------------------------------------------------------------
POTEK! May lahing kabayo yata yung babaeng yun! Sadista talaga!
Inapakan lang naman ng Grace na yun yung paa ko. Grabe, parang di babae. At worse, matapos ko siyang ilibre eh tinakbuhan lang ako. Grabe talagang babaeng yun! now I do believe that looks can be deceiving. Mukha siyang mahinhin, but hanggang dun lang pala yun, kasi napaka gaslaw niyang gumalaw!
Pinili kong sundan siya. Hindi pwedeng di yun pumasok. Matatangal yun sa team kung hindi aabot sa limit yung QPA nun, baka masipa siya sa team, and to think bago lang siya, kailangan niyang i-prove yung sarili niya.
Lumabas ako at sinundan siya. Nakita kong napahinto siya sa kintatayuan niya.
“Hui!” tawag ko sa kanya. Di pa rin niya ako nilingon kaya nilapitan ko siya.
“Hoy Grace ano ba? Tinatawag kita ah!” sabi ko.
Wala pa ring response. Nakatingin lang siya dun sa kotseng kaaalis lang at yung mukha niya parang di maipinta na ewan.
“Hello?” sabi ko sabay wagay way ng kamay ko sa mukha niya.
“Potek! Kainis ka naman eh! Kita mo ng inis na ako dito!” reklamo niya.
Bad mood yata. Ang gulo talaga ng babaeng to!
“Anon a naman ba ang problema mo ha? At nasan na yung dalawa?” tanong ko.
“Eh kasi naman eh.” Napakamot siya sa ulo. Halatang inis na inis. “Muntik ko na silang maabutan kaso may biglang siraulong driver na muntik na akong masagasaan!”
Nagulat ako sa sinabi niya. Agad kong kinuha ang mga braso niya at chineck kung may galos ba o ano man.
“May masakit ba sa iyo? Ano? Tara dalhin kita sa ospital!” patuloytuloy kong sabi.
“OA mo naman! Sabi ko muntik lang! Walang modo naman kasi yung driver nay un! Gwapo sana! Panget naman ang ugali.” Grace.
At may oras pa rin pala siya para magwapuhan sa gagong muntikan na siyang sagasaan? Baliw tong babaeng to.
“BAliw ka rin! Nakita mo ba yung plate number? Pwede natin yung ireklamo.” Sabi ko.
Umiling lang siya. “Basta alam ko gwapo yung driver. Yun lang!”
Napa facepalm lang ako. Baliw talaga tong babaeng to eh!
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
HOHOHOHO!!!! may UD for today!! its a miracle! de joke lang. Inspired lang ulit eh, nakita ko ex crush ko! hahaha
Anyway, lumabas na yung new character. Saang part sa story?? Hmm, HULAAN niyo!! Kaya niyo bang hulaan kung sino??
Comment and vote :)

BINABASA MO ANG
Love Game
Novela JuvenilWhat if you have to choose between your DREAMS and LOVE? Would you choose to get both knowing that you can't give your best? Or would you rather choose one, knowing you'll lose the other? Life is a tough game. A game that everyone plays. But unlike...