Chapter 73: Change

3.3K 32 10
                                    

The game ended. Panalo ang Ateneo over FEU, which means, pasok sa finals ang Ateneo at makakalaban nito ang UST. I’m so happy for the team, lalo na kay Kiefer na nagbigay mostly ng points for the team.




Bumalik ako sa upuan ko katabi ni Thirdy. Kanina pa kasi ako nakatayo at kumukuha ng pictures eh. I can see how proud Kief’s parents are, ganun na rin naman ang mga kapatid niya sa kanya. Kahit nga rin ako, proud ako sa kanya.





“Saan ka galing ate Grace?” tanong ni Dani.




“Dun lang sa tabi tabi kumukuha ng pictures.” Sagot ko.




“Grace, sumama ka sa amin ah, magdidinner kami.” Sabi ni tita Mozzy, medyo pasigaw yung pagkasabi niya, ang ingay kasi eh tapos nasa kabilang side pa siya. Sila ni tito Bong yung magkatabi eh tapos si Thirdy, then si Dani, tapos ako.







I smiled. “Sige po tita.”





I looked at the side court kung saan nandun ang team. Kitang kita yung saya nila. I’m really happy for them, lalo na kina Nico at yung iba pa na graduating na, at siyempre, masaya rin ako para kay Kief.





“Grace.” Nagulat ako sa tumawag sa akin. I looked at the person who called, si Thomas pala.




Binalik ko ang tuon ko sa mga Ravena. They were all looking at Thomas. Tiningnan ko si Thom, nakangiti siya sa kanila.





“Good evening tito, tita, Dani, Thirdy.” Bati niya sa kanila, still smiling.




“It’s nice to see you here Thom.” Sabi ni tita Mozzy.





“Ahm, pwede ko po ba munang hiramin si Grace?” sabi niya.





Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon