Sumpa. Feeling ko isinumpa ako. Tae! Bakit sa dami daming tao sa school eh siya pa yung nakapulot ng organizer ko! Hindi nga bitch tulad nung sa panaginip ko yung nakapulot nun, pero si ibon naman! Isang heartless na ibon!
“I hate you! Fine I’m your slave! Basta wag mo ng paki-alamanan yung accounts ko! Tae ka talaga ibon ka!” naiinis kong sabi.
Humarap naman siya sa akin ng nakangiti.
Shet! Gusto ko siyang sakalin pramis!
“So it’s a deal? Whole sem kitang slave.” Sabi niya sabay lahad ng kamay niya para makipagshake hands.
“Hell no! ibig sabihin whole sem rin ikaw yung maghahandle ng accounts ko?! Di pwede yun!” reklamo ko.
“Eh di, everytime na matuwa ako sa iyo eh ibabalik ko yung passwords ng accounts mo. Pero isa isa lang.” sabi niya habang naka hawak sa baba niya, yung parang nagiisip ba.
“Wow ha. Kailangan mo talagang matuwa sa akin? Ano ako clown?” inis na inis na talaga ako sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/2400277-288-k751443.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Game
Teen FictionWhat if you have to choose between your DREAMS and LOVE? Would you choose to get both knowing that you can't give your best? Or would you rather choose one, knowing you'll lose the other? Life is a tough game. A game that everyone plays. But unlike...