Chapter 57: Breakfast together

3.6K 22 13
                                    

Nagising ako mula sa isang napakagandang panaginip. Panaginip na sana’y magkatotoo. Kinausap raw ako ni Grace habang tulog ako. Hindi lang clear sa akin yung mga sinabi niya, pero ang alam ko, she kissed me.












I fluttered my eyes habang nag-inat inat. Tiningnan ko ang kabilang side ng  kama – wala akong katabi. Wala si Thirdy. Hinarap ko ang kabilang kama, ang kama ko. Wala rin si Grace.











Sa kwarto namin ni Thirdy pinatulog si Grace. Inaayos pa kasi yung guest room eh, tapos di rin siya pwede dun sa kwarto din Dani kasi nag-overnight sa bahay yung mga kaibigan niya dahil may project daw.













Agad akong tumayo at agad akong nag ayos. I went out my room to check kung saan si Grace.












“Mom? Si Grace?” tanong ko kay mom who was in the kitchen. Ako naman eh nasa sala kaya medyo pasigaw kong tanong yun.















Wala akong sagot na natanggap kay mom kaya pumunta nalang ako sa kitchen.

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon