Chapter 18: Kiefer + Ish= KiSh

4.4K 28 2
                                    

Bwiset! Kung minamalas nga naman. Nandito rin pala sa gym si ibon. And worse,assistant siya ngayon ng assistant coach. How ironic. Anyway, pinapahirapan talaga niya ako. For pete’s sake! 10 rounds sa court! Baliw ba siya? Ni hindi nga ako pinapatakbo ng ganito kalayo sa p.e class ko! Bwiset lang! kaya nga ayokong sumali sa team eh! Tss. Pagmakita ko pa tong ibon na to next practice, magqui-quit na talaga ako! Kainis!







“Oi! Ang bagal mo naman! Wag ka ngang papetiks petiks! Bilisan mo!” bark ni ibon.











No choice, sabi ni coach eh follow mr. Ravena daw. Tss. Sa dami dami nilang pwedeng tumulong kay coach, eh ito pang si ibon. Kainis lang.








Di porket okay kami kahapon, eh okay pa rin kami ngayon. Lalo pa ngayon at pinapahirapan talaga niya ako. Ang sarap niyang sakalin!






“Bilisan mo pa!” sabi niya.








“Tae kang ibon ka! Jog nga eh! Hindi marathon! Bwiset!” sigaw ko naman. Wala na akong paki sa mga tao sa paligid. Naiinis na talaga ako sa ibon na to eh. Ikatlong ikot ko pa lang, hingal na hingal na ako. Hindi naman kasi ako sanay sa takbuhan eh. This is so not my thing. Buti sana kung shopping to eh. Kahit buong araw pa akong maglakad or tumakbo para sa isang shop na may sale, eh wala akong paki, basta shopping kung paguusapan. Pero hello? Basketball to. Sweaty thing. Yuck! Okay, lumabas na yung pagka-arte ko. Who cares anyway? I’ll play basketball, pero please naman, huwag lang akong pahirapan. T___T









Binagalan ko na ang takbo ko. Pagod na talaga ako eh. At isa pa, gusto ko na talagang bugbugin tong ibon na kanina pa putak ng putak!






Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon