Chapter 10: Von's Love story

5K 31 11
                                    

Kagagaling ko lang sa office. Ang daming pinagagawa, buti nga at sa bahay lang pinagagawa eh. Nasa condo na ako ngayon. Inaayos ko yung gamit para sa try-outs mamaya. Wala si Hannah eh may lakad yata.

Di ko namalayan na alas kwatro na pala. Dali-dali akong pumunta sa school dahil baka ma late ako, tiyak lagot ako kay Ella. Sadista pa naman yun.

Nang marating ko ang gym, nagstretching na yung iba. Sila Ella at Janine nagstre-stretching na rin. Agad kong nilapag yung bag ko tapos nagpunta rin sa kanila para sumabay sa stretching.

“Oh! Late ka na naman!” Ella.         

                            

“Better late than never dear.” Sabi ko sabay gaya sa stretching nila.

Ilang minutes pa eh nagwhistle na yung coach nila. Si coach Epok. So yun, nag form kami ng circle tapos pina-count ng 1-2. Since napagitna si Janine sa amin ni Ella, siya lang yung di naming ka-grupo. 18 nalang kami ngayon. Ang weird nga eh kasi medyo mas marami yung nandun sa orientation.  So since even number eh madali lang yung pagkahati. Dapat sana lima lang eh kaso ewan, tinamad na yata yung coaches, dalawa kasi sila. Kaya lahat kami pinalaro nalang. Ang sikip kaya ng court!

Si Louise yung sa jump ball. Matangkad eh, first year lang nga yan. Anyway yun takbuhan kami para agawin yung bola. Anggulo na nga eh kasi ang dami naming sa court ang hirap tuloy idistinguish kung sino ang kateam at yung kalaban. Kaharap ko ngayon yung may hawak ng bola. Babaeng babae kung maglaro halata sa pagkahawak ng bola.

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon