Chapter 26: It's a small world after all

4.2K 33 20
                                    

Ang bilis lumipas ng panahon. things went smoothly. Okay na ang lahat kina Ella at Von, at napag-alaman ko na nililigawan ni Von si tita Olivia. Don’t get me wrong, ginagawa niya yun para good shot kay tita, para maligawan na niya si Ella. Si Ella naman eh pakipot pa, alam ko naman na type niya si Von eh, nahihiya lang umamin. And besides may past sila, kaya impossibleng di niya maramdaman yung naramdaman niya dati para kay Von.

And as of me and ibon, well, wala pa ring pinagbago. Everytime lang na nagkikita kami eh inaasar pa rin niya ako, siyempre, babawi naman ako kaya ang ending eh nag-aaway lang kami. Pero nasasanay na rin naman ako eh.

“Hoy pumunta ka sa practice namin bukas! Kailangan ko ng cheerer!” sabi ni ibon pagkatapos ng history class namin.

Friday ngayon at bukas may practice sina ibon. Papalapit na rin naman kasi yung game ng UAAP eh. At ilang sabado na rin ako pinapasama ni ibon sa mga practices niya. ewan ko ba, pinagtritripan yata ako eh, cheerer niya daw ako. Shet siya!

“Ewan ko sa’yo! Naku! More or less two months nalang talaga ibon! Di mo na ako ma-uutus utusan!” inis kong sabi. He just chuckled.

“Kaya nga lulubos lubusin ko eh.” Sabi niya. “Basta sa Saturday, same place same time.”

Actually, di naman ako nagchee-cheer everytime may practice siya eh. No need, marami kasi siyang fan girls na nagchee-cheer na para sa kanya, kaya ang nangyayari, eh water girl at taga punas ako ng pawis niya, as in YUCK! Marami na nga ang nagtataka kung bakit ganun daw ako ka sweet sa kanya.

And speaking of, maraming death glares akong natatanggap mula sa mga fangirls niya everytime mag-isa lang ako or every after practice. Naaalala ko nga ulit yung nangyari sa akin nun eh, pero I shrugged it off lang, at least death glares lang yung natatanggap ko.

“Gagawin mo lang akong tagapunas ng pawis mo eh! Yuck ka talaga!”sabi ko.

“Sus! Para namang di ka pinapawisan? Arte mo talaga!” sagot niya.

And as of his teammates, alam nila yung status namin ni ibon. They all know about the deal, pero they do not know what’s the risk,I mean, yung tungkol sa blogs ko.

“Eh pawis mo yun eh! Kaya ikaw dapat magpunas! Kadiri ka talaga!” ako.

Speaking of teammates pala, eh yung si Nico Salva eh ang gwapo talaga! Walang joke! Pero di yun yung issue ko eh, kasi minsa na-fee-feel ko na ang creepy niya, ewan ko ba, di ko maintindihan, may something kasi sa way niya ng pagsasalita, I mean, everytime kausap ko siya, I feel like something’s behind every word he’ll say, especially sa ngiti niya. It’s creeping me out! Pansin ko lang eh pinatutulakan niya talaga ako kay Kiefer, well, lahat naman sila sa team, pinagtutulakan ako sa ibon na yun, pati na nga rin si coach Norman eh.

“Slave shall obey the orders of the master.” Sagot niya.

I mimicked him tapos umalis nalang ako.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang bilis ng takbo ng panahon. Nabawasan na yung panahon na slave ko si Grace kaya siyempre linulubos-lubos ko na yun. Nasanay na rin kasi ako sa presence niya eh kahit away bati away bati kami. NApagkakamalan nga na girlfriend ko siya eh, pero everytime na may mag-aakalang kami, eh napapaisip ako.

Have I fallen in love with her?

Paulit-ulit kong tinatanong yan sa sarili ko. Oo aaminin ko, Masaya akong kasama siya, hindi ko alam kung bakit, pero natutuwa akong kasama ko siya. I feel so complete whenever I’m with her, at marami ang nakapansin nun.

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon