Isang napakalaking katangahan ang ginawa ko. Tinaboy ko si Grace, kaya ngayon, kasama niya si Thomas. Hindi ko alam ang meron sa kanilang dalawa, well actually, kay Thomas lang. Alam kong there’s no something concerned kay Grace si Thomas, pero alam kong si Thomas, eh meron and that’s what I need to find out.
Pagtaboy ko nun kay Grace eh umalis naman siya. Alam kong inis siya sa ginawa ko, feeling ko maiiyak na nga yun eh. Gustuhin ko mang sabihin sa kanya na ‘dito ka lang,’ eh hindi pwede dahil naitaboy ko na siya.
Mula sa kina-uupuan ko eh sinusulyap-sulyapan ko si Grace. Paminsan minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sa banda ko, ako naman eh agad agad na umiiwas. Ganun yung set up naming ng ilang minuto rin nang biglang dumating si Thomas at tinabihan si Grace.
Kung kanina eh pasulyap-sulyap lang ako, eh nung tinabihan na siya ni Torres, di na ako mapakali. Gusto kong tumayo mula sa kina-uupuan ko at puntahan silang dalawa at hilahin si Grace papalayo kay Thomas. Aaminin ko, nagseselos ako.
Lalaki ako, at alam ko mismo ang tingin ng lalaking may gusto sa isang babae, at ganun ang nakikita ko sa tingin ni Thomas kay Grace. Alam kong gusto niya si Grace.
I just can’t figure out kung paano sila nagkakilala. I’ve known Thomas for years already, at ang alam ko eh wala siyang sineryosong babae – at ayokong isali niya si Grace sa mga listahan niyang yun.
I’ve heard na may nagustuhan si Thomas way back when he was young, at dahil lalaki din siya eh kailangan niya ring makihalo-bilo sa mga babae paminsan-minsan. He tried dating random girls. Yung iba eh nagging girlfriends niya, pero ang alam ko hindi siya seryoso sa mga yun.
At ayokong masali si Grace sa mga babaeng yun. She deserves to be loved. She doesn’t deserve someone who tries to love her but is still loving someone from his past. For short, hindi pwedeng maging sila ni Thomas.
Pero sa katangahan ko, sa pride ko, sa lintek na feelings ko, naitaboy ko si Grace, at ngayon, kasama niya si Thomas. I’m nervous of what’s going to happen.
“Bakit mo pa kasi tinaboy? Eh nagmadali kaya yung pumunta ditto.” Sabi ni Von habang inaayos yung gamit niya sa bag.
Nasa locker room kami. Iilan nalang kaming players ang nasa loob. Natapos yung game at panalo ang team namin, kahit nagkalat lang ako sa court. Buti na nga lang at nandun sina Nico para saluhin yung laro eh.
Naihilamos ko yung kamay ko. “Yun nga eh! Nakakainis!”
“So anong plano mo?” tanong ni Von. “Wag ka ngang pakipot pa diyan! Lalaki ka Kief! Ikaw dapat yung sumuyo.”
“I’m sure galit yun sa akin.” Sabi ko at tumayo.
“Eh di suyuin mo nga.” Sagot niya.
“Paano?” tanong ko sa kanya habang inabot yung bag ko sa locker.
“May idea ako.” Sabi niya tapos ngumiti na parang ewan.
---------------------------------------------------------------------------------------
Paano ko ba mahahanap ang isang taong di ko naman alam ang pangalan, lalo na ang hitsura? At ang clue lang eh nakita siya sa isang swimming center dun sa may amin – yung hometown ko.
“Baliw yung Thomas nay un.” Bulong ko sa sarili habang papalayo ng café.
Naiwan si Thomas dun. Nauna na akong umalis dahil dadaan pa ako sa office dahil may ipapagawa si Henry.
Pinuntahan ko si Henry at binigay na sa akin yung ipinapagawa niya. Ipapa-encode lang daw niya. Nag stay ako sa office for two hours. Malapit ng mag alas-otso ng gabi nun nung matapos ko yung pag-eencode.
Inofferan ako ni Henry na siya nalnag daw yung maghahatid sa akin, eh kaso baka mga 10 pm pa siya matapos, kaya naman sanabi ko sa kanya na magtataxi nalang ako.
Nang marating ko yung condo eh nagulat ako sa nadatnan ko.
“Ibon?” ako.
Yes. Si ibon nga, nasa sala at nanunuod ng tv.
“Hey!” bati niya sabay ngiti.
Naalala ko naman yung ginawa niya sa akin kanina. Inis ako sa kanya. Bipolar yata tong ibon nato eh, kanina, napakasungit, ngayon naman kung umasta eh parang walang nangyari.
“Anong ginagawa mo ditto?” masungit kong tanong.
“Nagdala ako ng cake at ice cream.” Sagot niya. “At peace-offering na rin.
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Feeling ko nangyari na to eh.
“You can’t bribe me with that.” Masungit ko pa rin sabi. “Nasaan si Hannah?”
“Ah, umalis eh, sinabi niya rin pala na baka bukas na siya uuwi.” Sagot ni ibon.
There was a long silence between us pagkatapos nun. Yung sounds lang mula sa tv yung rinig ko. Si ibon eh nakatitig lang sa akin, as if he wants to say something.
“So why are you here?” tanong ko.
I heared him sigh. He looked at me intently. Dahan dahan siyang lumapit sa akin, at ng malapit na siya, he held my right hand ang placed it near his chest.
“Alam mo ba ang sinasabi nito?” tanong niya.
I was stunned with his gesture. Hindi ko alam kung saan patungo ang usapang ito.
“I’m sorry.” Sabi niya tapos tumungo.
I feel like my heart was crushed a million times. Oo palagi kaming nag-aaway ng ibon na ito, pero this is the first time na naramdaman kong nasasaktan din siya sa nangyayari.
“I’m sorry if I acted that way kanina.” Sabi niya. “I’m sorry.”
Parang magnet na hinila ang kaliwang kamay ko ng mukha niya. Hinawakan ko ang mukha niya at iniangat. Kitang kita ang sincerity sa mga mata niya.
“Drama mo!” sabi ko. “Okay na yun.”
“So I’m forgiven?’ tanong niya na parang bata. Hawak pa rin niya yung kamay ko, yung kaliwang kamay ko naman eh nakahawak pa rin sa mukha niya.
Tumango ako at ngumiti. Inalis ko na yung kamay ko sa mukha niya, ganun na rin yung kamay kong hawak niya. “Asan yung ice cream?”
Ngumiti naman siya. “Nasa ref.”
-----------------------------------------------------------------------------------------
Putulin ko muna dito! Mehehehe may UD ulit mamaya, I'll work on it. Hihihi
Reactions? Suggestions?
COmment Vote Fan :)
BINABASA MO ANG
Love Game
Teen FictionWhat if you have to choose between your DREAMS and LOVE? Would you choose to get both knowing that you can't give your best? Or would you rather choose one, knowing you'll lose the other? Life is a tough game. A game that everyone plays. But unlike...