Chapter 65: Dancing in the moonlight

3.3K 27 7
                                    

Kagabi ko pa tinatawagan si Grace, pero hindi niya sinasagot yung phone niya. Pinuntahan ko rin siya sa condo niya kaso wala rin siya. Hindi ko naman siya pwedeng mapuntahan sa school niya dahil may pasok rin ako. Pakiramdam ko may kinalamin dito si Kiefer. Ang daya nga eh! Porke’t nasa iisang University sila, at iisang building, ibig sabihin lang nun palagi silang magkakasama. Nakakinis lang.

Nakapark lang ang kotse ko harap ng building ng condo ni Grace. Ilang oras na rin akong naghihintay dito, pero wala pa rin si Grace.

I sighed as I took the necklace I bought for her. Star na diamond studded yung pendant. Nung pumunta kasi kami one time sa mall napansin kong tingin siya ng tingin sa kwintas na to kaya binili ko nalang.

Ilang sandali lang napansin ko ang kotse ni Ravena. Unang lumabas ng kotse si Kiefer tapos inalayayan palabas si Grace. May dala siyang mga bulalak and hindi na ako nagtaka kung kanino nanggaling. Malamang galing yun kay Kiefer.

Ilang sandali lang din umalis na si Kiefer. Agad akong lumabas ng kotse ko at tinawag si Grace.

“Thom!” sabi niya nung makalapit na ako sa kanya.

“I’ve been trying to contact you, pero hindi mo naman sinasagot yung tawag ko.” Sabi ko.

She bit her lower lip. “Sorry kasi..”

“But it’s not important though.” I snapped. “Pagod ka na ba?”

“Medyo.” Sagot niya.

I sighed in defeat. Hindi ko man lang siya makakasama ngayong birthday niya.

“But if you want, we can spend the few hours before this day would end.” Sabi niya. I looked at her and she was smiling.

Nabuhayan ako ng loob. She never fails to amaze me.

“Teka, iiwan ko lang muna to.” Sabi niya sabay tingin sa mga bitbit niya. “Okay lang ba?”

“Sige take your time.” I said.

Nagmadali siyang pumasok. Ilang sandali lang eh bumalik ulit siya. Naka hoody siya ngayon. Buti na nga lang eh kasi napakalamig ng paligid.

“Tara! Saan ba tayo ngayon?” tanong niya. Kanina pa talaga siya nakangiti. Halatang masayang masaya siya ngayon.

I smiled. Buti nalang hindi ko pinatanggal yung pinagawa ko. At buti nalang, makakasama ko rin siya sa araw na ito.

Nagdrive ako papunta sa isang abandoned building na pagmamay-ari ng tita ko. As I’ve said, mayplinano akong surprise dinner para sa amin ni Grace pero dahil nga di ko siya macontact, naisip kong ipacancel nalang, pero hindi ko naman pinatanggal yung mga ilaw.

Tinext ko si Axel. Akala niya na hindi matutuloy yung pinakiusap ko sa kanya, kaya nagreklamo nga eh kasi nagmamadali daw siya para lang mahanda ulit yun.

“Akala ko kasi hindi talaga tayo magkakasama ngayon eh kaya pinaligpit ko nalang yung food.” I explained. “Sorry ah.”

“Psh. Okay lang yun ano ka ba!” sabi niya na nakangiti pa rin. “Ang dami ko na nga ring nakain eh.”

Umupo kami sa sofa sa rooftop ng building. Nakaharap kami sa buwan. She looked so fascinated, but I’m more fascinated of her beauty.

“Grace.” I called. “Happy birthday.”

She smiled. “Thank you Thom.”

“May ibibigay pala ako sa iyo.” I said tapos kinuha ko yung kwintas sa bulsa ko at ipinakita sa kanya.

“Binili mo to para sa akin?” tanong niya.

I nodded and smiled. “Don’t you like it?”

“No. no no no. I like it. Really.” Sabi niya. “Eh kaso ang mahal niyan. Kaya nga di ko binili eh.”

“Expensive or not, it doesn’t matter.” I said tapos tumayo at pumunta sa likuran niya. “As long as I can make the person important to me happy, then I’ll be happier.”

Sinuot ko sa kanya yung kwintas tapos lumipat sa harap niya. She stood up with a half smile on her face.

“Thom, ayokong gumagastos ka ng sobra.” Sabi niya.

I placed my pointer finger to her lips to shut her. “Hindi naman ako gumagastos para sa wala eh. Para sa iyo naman to.”

“Pero kasi..” she trailed off.

“Grace I want to spoil you.” Sabi ko.

“But I’m not your girlfriend para I spoil mo ako.” Sabi niya.

I was taken aback sa sinabi niya, but I managed to compose myself back. “Eh kung sasagutin mo ako eh di magiging girlfriend na kita.”

“Thom.” She muttered.

“But as I’ve said, I’ll wait. Alam kong hindi ka pa handa ngayon Grace.” I snapped.

I know I was being too fast. Napakastraight forward ko when it comes to her. I just cant afford to lose her.

She smiled. “Thank you.”

“Pwede ka bang maisayaw?” tanong ko sa kanya sabay lahad ng kamay ko.

She chuckled and reached for my hand. “Wala naman music eh.”

I took my phone and started to play a song. We danced under the shade of the moonlight. Ilang sandali lang nagsimula na yung fireworks. Yun yung pinahanda ko kay Axel.

I looked at Grace as she was looking at the sparkling lights ng fireworks. She’s so damn beautiful. Hindi na ako nagtataka kung bakit nagustuhan din siya ni Kiefer. Hindi lang dahil maganda siya, maganda rin yung puso. She’s just too perfect – too perfect that I just want her for myself.

 -----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang lame ng UD. Yun lang Kbye

Comment Vote Fan

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon