PROLOGUE

3.6K 218 54
                                    


I am Hailey Shade Diaz and I am a murderer.

Don't get me wrong, hindi ako psychopath killer na walang remorse.

Let me tell you how it started...



Isang gabi, habang pauwi ako mula sa university ay may humarang sa akin na dalawang lalaki. Mukha silang kontra-bida sa pelikula kaya alam ko na agad na masama ang pakay nila sa akin.

"Miss, holdap 'to. Labas mo wallet at phone mo kung ayaw mo masaktan!"

"Mga Kuya Holdaper, baka naman pwedeng next time na lang? Nagmamadali kasi ako. Birthday ko ngayon at bibili pa ako ng cake!"

"Birthday mo pala! Happy birthday, Miss!"

"Thanks, kuya! Ang sweet mo naman! Una na po ako ah?"

"Anong thanks? Wala kaming pakialam kung birthday mo or binyag mo! Ilabas mo na ang wallet mo!"

Nang makita ko ang mga patalim na dala nila, hindi na ako lumaban at ibinigay ko na agad ang wallet ko at cellphone ko. Mas importante ang buhay ko kaysa sa mga bagay na pwede ko naman palitan.

"Eto na, mga kuya. Chill lang kayo! Nandiyan ang baon ko hanggang next week. Ako na lang mag-aadjust. Nakakahiya naman sa inyo!"

"May sinasabi ka?"

"Wala po. Salamat po sa magandang birthday gift!"

Nang maibigay ko ang wallet at phone ko, buong akala ko ay aalis na ang mga holdappers, pero pwersa-han nila akong hinila sa isang isolated na daan. Madilim at walang tao dito. Duda ko na may makakapansin sa amin.

"Bitawan niyo ko, mga holdappers!"

"Miss, tingin mo bibitawan ka namin?"

"Siyempre hinde! Saan niyo ba ko dadalhin?"

"Tingin mo sasabihin namin kung saan ka namin dadalhin?"

"May point ka kuya, pero gusto ko sumigaw eh! Ano bang pakialam mo!"

This time, lumaban ako dahil alam ko na may balak silang masama sa akin. Sinubukan ko silang sipain at suntukin. Mas mabuti na ang mamatay kaysa pagsamantalahan ng dalawang nilalang na ito. Sinubukan ko rin sumigaw, pero tinakpan ng isang lalaki ang bibig ko gamit ang kanyang magaspang na palad.

Sinimulan nilang punitin ang damit ko at wala akong lakas para pigilan sila sa karumaldumal na plano nila sa akin. Biglang tumulo ang luha ko dahil alam ko na ang kasasapitan ko.

"Miss, dahil birthday mo ngayon, may regalo kaming handog sa'yo."

Nagsimula akong magdasal nang makita ko na tinatanggal ng lalaki ang kanyang sinturon. Wala akong laban kung pagsasamantalahan nila ako dito. Ang hindi ko inaasahan ay ang biglang pag liwanag ng palad ko.

Yes, nag-glow ang hand ko na parang isa akong bida sa anime na may hidden superpowers!

Hinihintay ko na mag-transform ako sa isang sparkling superhero, pero walang ganun. Isang black and white pentagram-like tattoo ang lumitaw sa palad ko. Parang Yin ang Yang ang peg.

Kasabay nito ang pagdating ng isang itim na usok. Kahit ang dalawang lalaki ay napansin ang kakaibang usok na ngayon ay umiikot sa amin.

"Pare, prinsesa ata ng mga maligno ang kasama natin!" sigaw ng isang lalaki habang nakatingin sa usok.

"Hindi siya maligno, mukhang anak 'yan ng diablo!"

"Excuse me? Kayo ang may balak na masama sa akin tapos ako ang maligno? Ako ang anak ng diablo? Duh! Ano kayo, pa-victim?"

Hindi ko inaasahan na biglang papalibot ang usok sa leeg ng dalawang lalaki at nag-anyo itong itim na lubid na gawa sa usok. Nakaka-amaze dahil para itong may sariling buhay. Nagulat ako nang biglang sinakal ng usok ang dalawang lalaki.

Akala ko ay tapos na ang pagkagulat ko, pero nabigla ako nang gumalaw ng kusa ang kamay ko at hinawakan ko sa braso ang dalawang lalaki. Sa loob ng maikling sandali, may magical light na naman na lumabas sa palad ko.

Kasabay nito ay ang pag-convulse ng katawan ng mga lalaki na parang mga kinuryente sa electric chair. Pareho silang bumagsak sa daan at alam ko sa mga oras na iyon na wala na silang buhay.

"Capital OMG! Isa na ba akong murderer? Bakit may super powers ako? Ayoko ng ganito! Wala pa akong costume!"

Tinignan ko ang dalawang lalaki sa nakahandusay sa daan. Alam ko sa sarili ko na ako ang pumatay sa kanila courtesy of my evil hand.

Nagmamadali akong umuwi dahil gusto ko takasan ang mala-bangungot na pangyayaring ito, pero ang mysterious killing power ko ay hindi tumigil dito.

Nagising na lang ako na isang na akong murderer...

Ang Boyfriend Kong Black SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon