CHAPTER 61 - JAPAN

1.1K 103 4
                                    

POV HAILEY


KAHIT maraming pera ang foster father ko na si Don Crisostomo ay hindi ko pa nagagawa na pumunta ng ibang bansa. First time ko pupunta na Japan at mas lalong first time ko sumakay ng eroplano. Maagap pa lang ay nasa airport na kami ni Mason papunta sa Tokyo.

"Mason, are you sure pupuntahan natin ang Arcane Lord? Hindi ba dati ay ayaw mo sa kanya?" tanong ko habang nasa loob kami ng Business Class section ng plane.

Saglit lang kami nag-usap noon ng Arcane Lord sa laboratory room. Nagpakilala lang siya sa akin at inanyayahan ako sa Japan na mag-aral. Surprisingly, magaan ang pakiramdam ko sa kanya.

Hindi ko alam kung dahil mabait talaga siya o dahil pareho kaming dark magic user, parehong kalaban.

"We need all the help that we can get. These are desperate times, Hailey. I don't personally like the Arcane Lord, but he may be able to help us."

"Desperate times? Will I sound desperate if I will ask you to marry me?"

"Why are you asking me that? Natatakot ka ba na mamatay ng hindi nararanasan ang magkaroon ng asawa?"

"Natatakot ako mamatay na virgin!" mahinang sagot ko sa kanya sabay tingin sa bintana ng eroplano.

"Let us prioritize your upcoming explosion first. Let us talk about your virginity afterwards."

"I think we should prioritize my virginity more than anything else! Boyfriend kita, dapat iyon ang inuuna mo. Unless si Professor Kent talaga ang priority mo at panakip butas mo lang pala ako---."

Biglang lumapit sa akin si Mason at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Sobrang lapit na parang gahibla na lang ang pagitan ng mga labi namin.

"What if si Kent nga ang type ko? What would you do, Hailey Shade Diaz?"

I held my breath as I listened to his seductive voice. This is the first time I heard Mason like this. I am torn if I will push him away or if I will cup his face and own his lips.

Gusto ko sagutin ang tanong ni Mason, pero ang mata ko ay naka-focus sa kanyang mga labi na napakalapit sa akin.

Sana mag-preno bigla ang eroplano para may instant kiss ako!

"Hailey, I am not kissing you yet. Why is your heart pounding so fast?"

"Narinig mo puso ko?"

"I can even see it, most of it actually," nakangiti na sabi ni Mason sabay nguso sa dibdib ko.

Biglang itong umayos ng upo at nang napansin ko ang dibdib ko ay masyadong na palang mababa ang damit ko. Medyo kita ng ang malaking bahagi ng cleavage ko. Siguro bumaba ito dahil sa suot kong backpack kanina bago kami sumakay ng eroplano.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Type mo ba si Professor Kent? May hidden relationship ba kayo?" tanong ko kay Mason sabay pisil sa kamay niya.

This time, I tried to touch his hand in a seductive fashion. My fingers slowly run on his arms to his shoulders as if tempting him to be with me.

"Don't tease me, Hailey. There will be no kiss for you today."

"How about tomorrow?"

"Stop it, Hailey. Hindi mo naman siguro gustong ma-first blood sa loob ng airplane toilet, 'di ba?" galit na tanong niya sa akin.

"H-ha?"

"Ang sabi ko, matulog ka muna. Huwag mo ko pikunin," sabi ni Mason na naglagay ng kanyang eyemask.

Bakit ka galit? Siguro may affair talaga kayo ni Professor Kent. Tsk!

Sinubukan ko umidlip at nang magising ako ay nasa Tokyo International Airport na kami. Wala na din si Rayah at Professor Kent dahil sa ibang part sila ng Japan pupunta.

"Saan ba talaga tayo pupunta? Sa Japan Wizard school?" tanong ko kay Mason habang nakasakay kami sa isang airport taxi.

"Shinjiro Nakamura School of Magic or SHINASM for short. It is one of three biggest wizard schools in the world. Their Provost is Yulia Kushnir. The Arcane Lord headquarters is also located in this school."

"Sino si Shinjiro Nakamura? Tatay ni Arcane Lord?"

"His great grandfather."

"Bakit sa CRAM nag-aral si Riku Nakamura?"

"I am not sure. Maybe because the former Arcane Lord was staying in CRAM."

Ilang oras din ang nilakbay namin ni Mason at napapansin ko na palapit kami ng palapit sa Mount Fuji. Kapansin pansin din ang makapal na punong kahoy sa kaliwa at kanan ng daan.

"Malapit na ba tayo? Bakit parang nasa gubat tayo?"

"Our destination is Aokigahara Forest. Have you heard of it?"

"Ito ba 'yong suicide forest sa paanan ng Mt. Fuji? Iyong maraming pumupunta para magsuicide?"

"It is also called Sea of Trees as the forest is too dense and you can easily get lost. Don't worry, I can easily find you. You just have to be careful as other supernatural beings are lurking in the area."

"Supernatural beings na tulad ng ano?"

"Creatures like flesh-eating demons," nakangisi niyang sagot sa akin.

Inirapan ko lang siya dahil tinatakot niya ako. Alam naman niyang wala akong kahit anong alam na defensive martial arts hindi tulad nila Rayah at Xyder na bihasa na sa kanilang offensive and defensive skills.

"We are here. Just hold my hand and you will be fine," sabi ni Mason na hinila ako pababa ng taxi.

"We are here? Eh mukhang nasa gitna tayo ng kawalan ah?"

Mabilis akong humawak sa kamay ni Mason dahil baka mawala pa ako dito sa gubat. Kahit ang isang kamay ko ay nakahawak sa braso niya. Kahit mataas pa ang araw ay tila may kakaiba sa lugar na ito. Parang ang daming mga mata na nakatingin sa amin.

"Mason, sigurado ka ba na sa Shinjiro Nakamura School of Magic tayo pupunta? Baka naman may balak ka patayin ako dito---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang gumalaw ang sanga ng isang puno. Para itong mga vines na may sariling buhay at pumaikot sa dalawa kong binti.

"Mason!"

"Hailey!"

Umalingawngaw ang sigaw namin pareho sa buong kagubatan bago ako tuluyan na hilahin ng mga mahiwagang sanga palayo kay Mason.

Ang Boyfriend Kong Black SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon