CHAPTER 25 - FOUNTAIN

1.2K 119 8
                                    

POV HAILEY


FIRST day ng class lessons ko ngayon sa CRAM at ang una namin na subject ay tungkol sa history ng magic. Binigyan na ako ng idea ni Mason tungkol dito. Kahit si Rayah at si Xyder ay tinuruan na kami ng basic background tungkol sa history ng magic.

"Hey, you are Hailey Shade, right? From Team ELF?" tanong ng lalaking katabi ko.

Ngumiti lang ako at tumango sa kanya. Sigurado ako na ito si Xalcaeus Ferrero, ang super hot and friendly guy na nabangga ko kahapon.

"I am from Team FER. We are not creative. We end up using FER as our team name," nahihiya na sabi niya sa akin.

Tulad namin, lima daw ang members ng Team FER. Ang tatlong Ferrero brothers at ang dalawa pa niyang pinsan. Sa Italy daw sila nag-originate, pero nasa New York daw ang pamilya niya.

"What's your expertise, Hailey? I am still not good at Earth Magic. Xadrian is the man when it comes to Earth Battle Magic."

"Ha? Ah, eh wala pa din ako masyado alam. May slight magic immunity powers ako."

"Magic Nullification? That is rare. Only Arcane Lords have such rare magic."

"Uhmm. Slight lang naman ang alam ko, hindi Arcane Lords-level," sagot ko sabay kamot ng ulo.

Nasabi na sa akin ni Rayah ang mga level ng witches at wizards dito sa CRAM.

Ords ang tawag sa mga ordinary na tao na walang magic. Mages ang tawag sa mga baguhan na students tulad ko. Kung may ibubuga ka na, puwede ka na tawagin na Wizard o Witch.

Primes ang tawag sa mga magagaling na wizards tulad ng mga professors at ang Provost. Ang pinaka highest level ay ang Arcane Lord, ang pinaka makapangyarihan na wizard or witch na nabubuhay sa ngayon.

Naputol ang usapan namin ni Xalcaeus nang pumasok ang isang lalaki na naka gray suit. Nagpakilala siya na si Professor Carmichael Macapagal, ang aming history of magic professor. Napangiti kami ni Maiko nang magpakilala siya na isang pinoy.

At least, hindi kami masyado kakabahan dahil kababayan namin ang aming guro.

"Our current Arcane Lord is Riku Nakamura. He is the most powerful wizard in our time. He handles all of the Provosts of all wizard schools. He is in charge with all high ranking wizards and with the Magic Bureau," sabi ni Professor Carmichael sabay flash ng hologram ng isang Japanese na lalaki.

Inaasahan ko na isang lolo wizard na may mahabang balbas ang Arcane Lord, pero bata pa ito. Mukha siyang isang hot Korean actor. Hindi nalalayo ang edad kay Mason.

Arcane Lord na kamukha ni Hyun Bin? Ay winner!

"Our Provost Hagel Bohr was the previous Arcane Lord for twenty years. Riku became the new Arcane Lord a few years ago."

"Professor Carmichael, how to become an Arcane Lord? Is it like a duel or something? Do I just request for a combat with the A-Lord himself?" nakangiti na tanong ni Xalcaeus.

"Good question, Xalc. To answer that, let us go to the Aquamarine Fountain. Sigurado ako na wala pa sa inyo ang nakakapunta dito dahil nasa akin lang ang susi nito," sabi sa amin ni Professor Carmichael at ipinakita ang isang light blue na crystal.

Bumaba kami sa ground floor at pumunta sa likuran na bahagi ng school kung saan kami nagkita kahapon ni Mason. Lumakad kami sa sementadong port at nagulat ang lahat ng ipinasok ni Professor Carmichael ang hawak niyang blue crystal sa isang slot ng lamp post.

Sa bandang gitna ng lawa ay lumabas ang isang fountain na may kumikinang na bluish water.

"Mages, this is the Cradle of Magic. Here in CRAM, we call this the Aquamarine Fountain. All of the wizard schools and the wizard headquarters have this kind of fountain. This summons the power of the Four Medallions of Raviael."

"Sino po si Raviael?" tanong ni Maiko habang nakataas ng kamay.

"According to legends, Raviael was a Guardian during the time of Creation."

"Kailangan pa po ba na buksan ang fountain ng inyong crystal key o lumilitaw ito ng kusa kung may panibagong deserving na Arcane Lord?" tanong ulit ni Maiko.

"These fountains all over the world will appear at the same time. This will detect the most powerful existing wizard. When I say powerful wizard, someone who masters all types of magic. It will advise us who will be the next Arcane Lord. Sorry to disappoint you, Zalcaeus, walang duel na magaganap. The fountain will appoint the next Arcane Lord."

Mula sa fountain, lumabas ang mga hologram ng mga dating mga Arcane Lord. Nagsimula ito sa mukha ng isang babae. Siguro ay ito si Celina Renard, ang founder ng CRAM school.

"Arcane Lord is feared and respected, but remember, the existence of Arcane Lord is to govern us. Imagine him as your president, as your CRAM representatives. He is here to lead us."

Kung ganito ka-pogi ang Arcane Lord, sino ba naman ang matatakot sa kanya?

Ang Boyfriend Kong Black SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon