CHAPTER 7 - DISNEY

1.6K 143 17
                                    

POV HAILEY


UMIKOT ang paligid at sa isang kisap mata, wala na ko sa loob ng fiber glass room. Nasa malawak akong soccer field at mukhang nasa loob na rin kami ng compound ng mala-Disney na castle. May ilang mga estudyante ang naglalakad sa 'di kalayuan.

Kung tama ako, ang castle na ito ay isang paaralan. Iba ibang nationality ang mga tao dito na parang isang international school.

Umupo kami sa isang bench sa ilalim ng malaking puno. Ipinaliwanag sa akin ng lalake na katabi ko na ang super great grand lola ko na si Celina Renard ang founder ng school.

Ang anak niya na si Gresilda ang pinaka super duper evil witch of all time.

Apparently, malayong apo pala ko ni Gresilda, kung sino man siya. Ang totoong tatay ko daw ay isang Demon Warlock. Ako daw ang nasa prophecy na pwedeng maghasik ng lagim sa world of magic na tinatawag nilang Ultima Incantatrix.

"Ok fine! So super villain ako? Eh ano powers ko?" tanong ko habang nakikinig sa mala-fantasy ng story ng lalaking katabi ko.

"We don't know yet, but we are expecting that you will surpass the power of Gresilda."

"Teka, baka naman kamag-anak ko lang ang mangkukulam na 'yan pero wala akong powers. Assuming naman agad kayo na ako ang nasa prophecy. Napaka judgmental niyo naman sa akin."

"Your dark magic already resurfaced. Ilang araw ka ng nilalagnat?"

"Two days na ako inaapoy ng lagnat, pero parang 'di naman sobrang sama ng pakiramdam ko."

"That is your dark magic talking. You don't need to worry, you will be taken care of. The Provost will look after you and we can help you control your darkness."

"Darkness? Ang dami ko naman pwedeng maging papel sa isang story, kontra bida pa---"

Naputol ang sasabihin ko nang may tatlong babae na lumapit sa amin. Lahat sila ay may blonde hair at mukhang mga real-life Barbie dolls.

"Hi Professor Mason!" bati ng mga blonde chicks.

Tumango at ngumiti lang ang lalaki sa tabi ko. The blonde chicks look satisfied dahil pinansin sila ng lalaking naka all-black suit, pero tinignan nila ako mula ulo hanggang paa na parang disgusted sila dahil kasama ko ang tinatawag nilang Sir Mason.

"Mason pala ang name mo. Buti naman at may pangalan ka."

"I am an instructor here in the academy. I specifically teach Dark Magic and its effects to witches and humans."

"Professor of Dark Arts? Sa nabasa kong libro, kapag professor ng Dark Arts, kontra-bida. Bagay tayo, pogi."

"Of course, we are perfect. I am your master and you are my pet," sabi niya sabay tapik sa ulo ko na parang aso.

"Dahil pogi ka, pagbibigyan kita."

"You have to remember that I am a teacher here and you are a student. I am sorry to break it to you. Bawal ang teacher student relationship."

"Bawal? Bakit naman? Bet pa naman kitang boyfriend. Akala ko pa naman magkakaroon ako ng boyfriend na Black Smoke."

Humalakhak lang si Mason at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ko papasok sa loob ng castle. Kahit mukhang ilang taon ang tanda niya sa akin, hindi maitatanggi na makisig at magandang lalaki si Mason.

Meron siyang may super powerful arms na masarap magpayakap. Ang ganda din ng mata niya na parang matutunaw ka sa kilig sa bawat tingin niya.

Not to mention his killer smile.

I guess this is the first day of my miserable life with my black smoke teacher.

Ang Boyfriend Kong Black SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon