POV REI
MAHIGIT na limampung taon na ang nakakaraan simula nang maibalik namin si Cassus muli sa The Void.
My twins Jared Mason Elizalde and Julia Maddison Elizalde already passed away due to old age. It was a painful event and yet, we wholeheartedly accepted this as they have lived their lives to the fullest.
Sage and I traversed to different worlds to ensure that the Immundus are completely sealed in their prison.
Limampung taon ang lumipas sa mundo ng mga tao, pero parang ilang taon pa lang ang lumipas sa mundo namin ni Sage.
Fifty years sa mundo ng tao ay parang five years lang sa amin ni Sage. Tama nga si Albert Einstein sa kanyang Special Theory of Relativity. Time is relative.
Mason Elizalde, our third offspring remained in his black smoke form. Mason is the embodiment of evil when Sage was still the demon king.
Pumapatay siya noon dahil sa selos at sa poot sa kapatid niyang si Jared. Nang nabuhay kami muli ni Sage, naglaho lahat ng galit sa puso ni Mason.
Siguro naman ay nabasa mo na Ang Boyfriend Kong Demon King kaya ka nandito noh?
Minsan sa isang taon, nagkakaroon ng physical body si Mason. Nakakasama namin siya sa mundo ng mga tao. Hindi namin maipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng katawan si Mason.
I guess his one of a kind existence is one of the greatest mysteries on earth.
Itinuturing na lang namin itong biyaya at nakakasama namin siya kahit sa maikling panahon. Nang mamatay si Jared, biglang naging tao muli si Mason.
He can still transform into a Black Smoke and he can easily do teleportation, but he already has a physical body.
Amazing noh?
Hindi namin alam kung paano ito nangyari, pero may pakiramdam kami ni Sage na may nakatakdang misyon si Mason sa mundo ng mga tao...
---
"Mom? Dad? What are you doing here?"
Napatigil ako sa paglamon ko ng muffins nang marinig ko ang boses ni Mason. Hindi pa rin ako makapaniwala na may katawan na siya. Ka mukhang kamukha niya si Jared, pero mas mature ng bahagya dahil lumipas na ang ilang taon niya dito sa mundo ng mga tao.
Gulat ang nasa mata ni Mason nang makita niya kami ni Sage sa loob malaking hall ng Celina Renard Academy of Magic.
Ang Celina Renard Academy of Magic or CRAM ay isang school para sa mga witches and wizards na located sa Denmark. It was built by Celina Renard, ang original keeper ng blue medallion. Her daughter Merilda Renard married the Werewolf Direct Heir Tyrell Eriksson.
Kung nabasa mo na ang Teach Me How To Werewolf, marahil ay kilala mo na sila.
Hindi namin alam ni Sage noon na may ganitong klaseng paaralan para sa mga wizards at witches. Na-discover lang namin ang existence ng secret magic academy na ito nang maging Guardians kami ni Sage.
"Mason, first day ngayon ng klase sa CRAM. Balita namin ng daddy mo may extravagant dinner daw para sa mga new students every opening day."
"At sinong naniniwala na parents ko kayo? Mukha pa akong matanda sa inyo."
Umupo si Mason sa isang bakanteng upuan habang nakatingin sa amin ni Sage. Nakataas ang kilay niya dahil siguro sa dami ng pagkain sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Black Smoke
Fantasy[Completed - Book 4] My name is Hailey Shade Diaz. Ang dati kong tahimik at normal na buhay ay biglang nagbago nang maging number one most wanted killer ako sa mundo ng salamangka. Sa isang iglap, isa na akong famous villain ng mga witches and wizar...