CHAPTER 32 - YELLOWSTONE

1.2K 124 11
                                    

POV HAILEY


EXCITING ang history lessons namin kay Professor Carmichael Macapagal. Pinag-aralan namin ang history ng CRAM at ng history ng magic. Nagpapakita pa siya ng mga holograms ng mga lugar at ng mga pangyayari na related sa history ng magic.

Nagsisimula pa lang kami nang magpaalam sa amin si Professor Carmichael. Mukhang cancelled ang class namin ngayon at binigyan niya na lang kami ng assignments.

Pinuntahan ko agad si Mason na marahil ay nasa classroom pa ni Professor Umbra. Kakatok pa lang sana ako sa pinto nang marinig ko na tila sumisigaw si Mason.

"She is the Ultima Incantatrix, Margery! She is not a demon warlock!"

"Calm down, Mason."

"You expect me to calm down after telling me that Hailey will also explode just like her father? No fucking way!"

"It was in the prophecy, Mason. She is destined to destroy the world because she will explode. Nuclear-level explosion. The Provost, he is working on ways on how to contain her damage."

"Contain her damage? We should be working on ways to save her!"

"Mason, nang mawalan ako ng memorya, hindi nawala sa akin ang kaalaman ko tungkol sa kalamidad na dala ng Ultima Incantatrix. Haiden deliberately implanted this on my memory. For years, I was researching on ways how to stop her from devastating our world. Tulad ng mga demon warlock, walang paraan para pigilan sila."

"That's bullshit! There is always a way!"

"We are open for suggestions, Mason. Believe me, I will also do my best to protect her."

Hindi ko alam kung saan ako magugulat. Dahil sa revelation ni Professor Umbra na sasabog ako tulad ng tatay ko o dahil galit na galit si Mason. Ngayon ko lang ata siya narinig na sumigaw ng ganito.

"What kind of damage are we talking about?"

"Bigger than Hiroshima. Similar to Yellowstone Supervolcano possible eruption. More than half of the United States continent. That is our predicted damage of her explosion."

Damage of my explosion? Para pala akong nuclear bomb. Isang dormant volcano na hinihintay sumabog.

Gusto ko pa sana makinig ng pinag-uusapan nila nang tumunog ang Flippies ko. May emergency announcement na pumunta daw muna sa dormitory rooms. Nagmadali ako tumakbo papunta sa elevator, pero bago pa sumara ang pinto ay bigla itong pinigilan ni Mason.

"Emergency meeting na naman? Baka may magical monster na naman sa CRAM?" nakangiti ko na tanong kay Mason habang nasa loob kami ng elevator.

"Hanggang saan ang narinig mo? We did not feel your presence."

"I am not sure kung ano pa ang pinag-uusapan niyo pero narinig ko naman ang highlights. My so-called explosion."

"We will deal with this, Hailey. I gave you my word. When I said that I will protect you, I mean every fucking word."

Tinignan ko lang si Mason at nakatingin lang ito sa pinto ng elevator. Walang kahit anong expression sa mukha niya pero napansin ko na medyo nanginginig ang kanyang kamao na parang may gusto siyang suntukin.

"Mason, kung mamamatay ako, may hihilingin sana ako sa'yo," sabi ko sabay hawak sa braso niya.

"The answer is no."

"Hoy, wala pa nga ko sinasabi tapos NO agad ang sagot mo."

"I know what you are going to ask me. Again, the answer is NO. You are just a kid, Hailey."

"Pero boyfriend kita! At hindi na ako bata! Isang taon na lang ay graduate na ko ng college!"

"If you survived this after your graduation, I will think about it."

"Kahit maghubad ako sa harapan mo? Teka, how did you know na tungkol doon ang request ko?"

"Your hand is getting hotter. It is either your fever is getting higher or you are thinking about making love to me before exploding."

"Tsk! Boyfriend tapos hanggang kiss lang sa cheeks?"

Hindi ako sinagot ni Mason at humalakhak na parang nasisiraan ng bait. Inirapan ko lang siya bago lumabas ng elevator.

Ang Boyfriend Kong Black SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon