CHAPTER 83 - BREACH

1K 101 5
                                    

POV HAILEY


SA video na nasa screen namin ay kausap ni Provost Hagel si Marichu Razon. Naputol ang usapan nila dahil may lumapit na isang citadel guard kay Provost Hagel. Malamang ay sinabihin siya nito tungkol sa pagdating namin ni Mason sa Citadel of the Sky.

"In this video here, the Provost welcomed you and sent you to Cube Room after speaking with Maiko. This is when the alarms start blaring."

Nag fast forward uli ng video si Riku kung saan papasok kami ni Mason at ni Provost Hagel sa Cube Room. Kasabay nito ay ang pagbibigay ng isang citadel guard ng isang Flippies na mukhang glass tablet kay Marichu Razon. Sa loob lamang ng maikling sandali ay binasag ni Marichu ang tablet sa gitna. Kinuha niya ang isang matulis na basag na salamin at biglang sinaksak sa leeg niya.

"Oh shit! Did she just kill herself?" tanong ko kay Mason.

Bumagsak ang katawan ni Marichu sa sahig at pagkatapos ng panginginig ng katawan ay mukha na itong walang buhay.

"Is that even allowed? Giving tablet Flippies to prisoners?" tanong ni Mason kay Riku.

"I don't think so, but Provost Hagel Bohr is a powerful figure here in the Citadel of the Sky. His grandfather was one of the founders. Citadel guards trust him and he can easily ask a simple favor like this."

Hinawakan ni Mason ang balikat ng Arcane Lord. Kahit hindi nito sabihin, masakit sa kanya ang pagkamatay ni Marichu na nasaksihan namin sa screen.

"A prisoner's death will not activate the emergency alarms unless the Citadel of the Sky detects some anomaly. Dark Magic anomaly to be exact," paliwanag ni Riku.

"What do you think happened?" tanong ni Mason sa kanya.

"I think Ahabaddon is now residing inside the body of Provost Hagel. He is a powerful demon and Provost Hagel is a powerful wizard, a suitable vessel. With Marichu's death, he was able to absorb the dark magic in her."

"Arcane Lord, sa pagkakaalam ko, the Razenstein Coven can obtain power by killing dark witches. The Citadel of the Sky probably detected this wicked magic when Marichu Razon killed herself and her power was absorbed by the Provost. Pero akala ko ba nullified lahat ng magic dito sa Citadel of the Sky? Paano po magagamit ng Provost ang Dark Magic ni Marichu?"

Umiling lang ang Arcane Lord sa amin. Kahit siya ay hindi niya alam kung paano nagkaroon ng kapangyarihan si Provost Hagel Bohr dito sa Citadel of the Sky.

"It seems that you were wrong, Riku. Provost Hagel knows exactly about the emergency alarm. He knows that you will be here. He needs you to be here."

"I don't understand, Mason."

"Does the Blood of the Founders ring a bell?"

Gulat ang nasa mata ng Arcane Lord sa sinabi ni Mason. Ngayon ko lang narinig ang sinabi niyang Blood of the Founders dahil wala ito sa history lesson namin.

"In case there is a life-threatening disaster in the Citadel of Sky that requires drastic action, an Arcane Lord or a former Arcane Lord can activate the emergency use of magic by using the blood of the founders. Provost Hagel Bohr is blood related to the original founder, Lark Bohr and he was a former Arcane Lord. All he needs is the Nakamura blood and the blood of the descendant of Maverick Lincoln."

"Mason, do you remember Soriah Lincoln? The missing witch from the United States? She is a descendant of Maverick Lincoln. Do you think she was abducted because of this?" tanong ng Arcane Lord kay Mason at tumango lang ito.

"At ikaw Riku, ikaw lang ang nag-iisang tagapagmana ni Shinjiro Nakamura. The only way to obtain your blood is to lure you to a place where you are powerless. Provost Hagel Bohr was possessed by Ahabaddon because he allowed him too."

"That is ridiculous, Mason! Provost Hagel will not do such a thing!"

Naputol ang usapan nila Mason at ni Riku Nakamura nang biglang magkaroon ng malakas na lindol sa loob ng Citadel of the Sky. Napahawak ako kay Mason dahil sa napakalakas na pagyanig. Napatingin kami sa screen at kitang kita namin na isa isang pinalalabas ni Provost Hagel ang mga dark wizard and witches prisoners.

Several citadel guards stopped him, but they were powerless in front of the Provost, a former Arcane Lord.

He tried to kill several dark witches by taking their hearts out of their chests and eating their beating hearts.

"That's bloody gross," nandidiri na sabi ni Riku Nakamura.

"The more heart he eats, the more powerful he gets. Any plans?"

Provost Hagel probably asked Marichu Razon to kill herself to trigger the Emergency Alarm of the Citadel. The Provost needs Riku Nakamura for this plan. Kailangan niya ang dugo nito para magawa ang emergency use of magic sa loob ng Citadel of the Sky.

"We don't have magic here, but we can try to use the back exit. There are several air boats on standby that we can use," sabi ni Riku at itinuro ang likuran na bahagi ng Citadel of the Sky.

Nagmabilis kaming lumabas ng control room, pero hindi namin inaasahan na may makakasalubong kaming dalawang dark wizards. Sigurado ako na wala din silang kapangyarihan sa ngayon dahil nasa loob pa rin kami ng Citadel of the Sky, pero kapansin pansin na malaki ang kanilang mga katawan.

"Mason, they are the Beelzubub Brothers. Dark wizards from Russia who can raise zombie using necromancy," sabi ng Arcane Lord habang inaalalayan ko siyang maglakad.

"Leave them to me. Hailey, dalhin mo si Riku sa likuran ng Citadel. Susunod ako sa inyo."

"Pero, Mason---"

"Just do it, Hailey. The Arcane Lord is injured. He needs to get out of here so his wounds can heal. I promise to follow you afterwards. Wala ka bang tiwala sa boyfriend mo?"

Tumango lang ako kay Mason at inalalayan ang Arcane Lord palabas ng Citadel. Ilang air Jet Ski ang nandoon na maari namin magamit paalis ng Citadel.

"Come on, my little dark witch. Let us get out of here. Mason will definitely follow us," sabi ni Riku nang maisakay ko siya sa isang Jet Ski.

"I am sorry, Sir Arcane Lord. Hindi ko po maiiwan si Mason dito. Susunod na lang po ako kapag alam ko na ligtas na siya."

"I will ask for help. I will be back, Hailey."

Nang makita ko na malayo na ang Arcane Lord sa Citadel of the Sky ay nagmamadali akong bumalik kay Mason. Pagbalik ko ay nakahandusay na sa sahig ang dalawang lalaki na sinasabi na Beelzubub Brothers, pero si Mason ay nagtamo din sugat sa mukha marahil dahil sa ilang suntok na natanggap niya.

"Mason, the Arcane Lord is safe. We can go now."

Tumakbo kami ni Mason palabas ng Citadel of the Sky. Kapansin pansin na din ang mga bumabagsak na tipak ng bato mula sa ceiling as if magco-collapse ang buong building.

Bago namin marating ang exit door ng Citadel of the Sky ay napahinto kami ni Mason nang makita namin si Provost Hagel Bohr at si Maiko. Pula ang kanilang mga nanlilisik na mata.

Sigurado kami na ang demon na si Ahabaddon ang kaharap namin at ang asawa nito na si Jezebel.

Ang Boyfriend Kong Black SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon