CHAPTER 1 - VILLAIN

2.9K 189 37
                                    

POV HAILEY


SIMULA nang dumating ang misteryosong marka sa palad ko, para na akong naging ibang tao. Hindi ako superhero, tingin ko ay isa akong villain sa mga oras na ito.

Mabilis akong magalit at walang pasensya. Naghahamon din ako ng away sa school na hindi ko naman ginagawa noon.

In other words, naging masama akong tao na galit sa mundo. Isang warfreak.

May direct control pa naman ako sa katawan ko, pero pagsapit ng dilim, para akong isang alipin ng kamay ko. Para itong may sariling isip na kino-kontrol ang buong katawan ko.

Lumipas ang ilang araw at bigla kong naramdaman ang urge na pumatay ng tao. Even my emotions are now under the dominance of this maleficent force. Kung may consolation man sa kakaibang killing thirst na nararamdaman ko, masamang tao lang ang gusto kong mawala sa mundong ibabaw.

Gamit ang aking black hooded-jacket at ang aking motorcycle, pumupunta ako sa mga delikadong lugar. Sa mga lugar kung saan laganap ang prostitusyon, bentahan ng droga at ilegal na pagbebenta ng laman loob ng tao sa black market.

Kung paano ko nalaman ang mga lugar na ito, ang kamay ko lang ang makakasagot.

Hindi ko na nga namalayan na parang nag-enjoy na ako sa pagpatay sa masasamang tao. Para akong isang silent witness sa mga atrocious murders. Alam ko na ang kamay ko ang dahilan nito. May sarili itong buhay at ginagamit akong instrumento sa kanyang killing spree.

At isa lang ang end result ng aking mga late night quests, more dead bodies.

Ang tanging weapon ko ay ang otherworldly pitch dark smoke. Lumakas lalo ang loob ko nang mapag-alaman ko na ang black smoke ay hindi lang isang weapon, nagsisilbi din itong protection. Kapag may nagtangka sa buhay ko, nag-aanyo itong defense shield.

I am like an invincible executioner. In other words, I cannot be killed.

Lumipas ang panahon at tila nakilala ang isang vigilante sa gabi na pumapatay ng masamang tao. Sa umaga, isa akong ordinaryong estudyante. Sa gabi, isa akong destroyer ng mga bad guys.

Cool pakinggan, pero alam ko na binago ako ng misteryosong black smoke. Alam ko na hindi na ako ang nagde-desisyon para sa sarili ko.

I am just an instrument of death.

A big part of me wants to stop this butchery, but I just can't deactivate this impulse. I know I am now being controlled by this bizarre evil force.

"Shade, uuwi na kami. Dadaan ka na naman ba sa library?" tanong ni Catherine sa akin pagkatapos ng class ko.

"Library na naman? Siguro doon ang meeting place niyo ng secret jowa mo noh?" dagdag na tanong ni Coleen.

Napaka hirap ng college life para sa akin pero salamat na lang sa mga friends ko na si Catherine at si Coleen, nakukulayan nila ang aking madilim na buhay. Wala silang alam na ang kaibigan nila ay may kakayahan na pumatay ng maraming tao sa loob lamang ng isang minuto.

"Ibabalik ko lang ang mga hiniram ko na libro. See you tomorrow, girls," nakangiti ko na sagot sa kanila.

Sa likod ng library, nandoon ang isang man-made lake. Madalas ako dito tumatambay hanggang dumating ang gabi. Dito kasi sa lugar na ito, parang nababawasan ang urge ko. Parang kumakalma ang gutom ko na pumatay ng tao.

Mukhang medyo powerless ang evil hand ko sa lugar na ito.

Napansin ko na alas-otso na ng gabi at wala ng tao dito sa university. Ilang minuto na lang ay magsasara na ang school gates. Kinuha ko ang mga gamit ko nagsimulang maglakad papunta sa parking lot, pero hindi ko inaasahan na may makakasalubong akong isang lalaki.

May tao pa sa university ng ganitong oras?

Habang papalapit kami sa isa't isa, pinag-aralan ko ang lalaking tila ngayon ko lang nakita. Sigurado ako na hindi siya estudyante dito dahil naka all-black suit siya na parang pupunta sa isang regal ball.

He has shiny black hair with a weird hint of midnight blue. Nevertheless, this man is striking as fuck.

He has the kind of face that you will never forget in your entire existence. A pair of dangerous dark eyes which can melt you in seconds. His lovely lips and fair complexion made him look like a gorgeous devil.

Teka, ano ba itong iniisip ko? Mukhang na-love at first sight ako sa lalaking kasalubong ko.

Isang metro na lang ang pagitan namin ng lalaki nang biglang kong naramdaman ang kakaibang init sa kamay ko. Pamilyar na ako sa ganitong pakiramdam. Alam ko sa mga oras na 'yon na gustong patayin ng kamay ko ang lalaking ito.

Shit, sayang naman! Magiging victim ko lang si pogi!

Ang Boyfriend Kong Black SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon