POV HAILEY
TULAD ng sabi sa akin ni Rayah noon, ang first year sa CRAM ay parang isang two to three month long history class. Karamihan ay background study tungkol sa history ng magic.
"Hailey, may inaaway na naman si Ruth sa rooftop. Pupuntahan mo ba?" tanong sa akin ng classmate ko.
Sa nakalipas ng ilang taon, ako lang ang naglalakas ng loob na bumangga kay Ruth. Siguro dahil wala naman akong pakialam kahit ma-suspend pa ako.
"Shade, huwag ka na makialam. Masasaktan ka lang din," sabi ni Cathy na biglang pinigilan ang braso ko.
"Isumbong na lang natin sa guidance conselor at sa staff ng school. Last year na natin dito sa university. Baka mamaya ay hindi ka pa makagraduate dahil sa kanya. Gusto namin na sabay sabay tayo grumaduate," dagdag naman ni Coleen.
Kung dati siguro ay hindi ko sila papakinggan, pero iba na ngayon. Medyo kumalma na ang galit ko sa mundo dahil sa choker na ibinigay ni Mason at dahil na din sa potion na nagmula kay Professor Kent.
"Fine, dito na lang ako. Baka magasgas pa ang high heeled shoes ko na lalapat lang sa mukha ni Ruth."
Buti na lang at hindi ako marunong ng kahit anong magic kahit nasa wizard school ako. Kung nagkataon ay sisirain ko ang precious rebonded hair ni Ruth.
Lumipas ang araw at naging busy ako sa pag-aaral. Tinutok ko ang isip ko sa aming lessons para hindi ko maisip na aking nalalapit na pagsabog. Pauwi na sana ako at isasara ko pa lang ang pintuan ng locker ko nang biglang lumitaw si Mason sa harapan ko.
"Ay kike ka!" sigaw ko nang biglang siyang nag materialize sa aming locker room area.
"You know that I am not," nakangisi na sabi niya.
Lumapit ako sa kanya at mabilis ko siyang niyakap. As expected, mabango pa din si Mason. The same muscular chest na na tila kaya akong protektahan sa kahit anong pagsubok.
"Bakit ka nandito? Huwag mong sasabihin na sasabog na ako?"
"Kent is waiting for you in the parking lot for your monthly dose of anti dark magic potion."
"Tsk! Akala ko naman nandito ka para sa akin. Mabuti pa si Professor Kent, binibisita ata ako every other week. Sana siya na lang jowa ko."
"Not funny," sagot niya sabay irap sa akin.
Tuwing dalawang linggo ay dumadalaw sa akin dito sa university si Professor Kent. Kahit si Coleen at si Cathy nga ay tila na starstruck nang makita ang aking Potion Creation professor. Baka mamaya ay himatayin sila kapag nakita nila si Mason.
He is not exactly forgettable as he definitely stands out in the crowd.
"Bakit ka nga nandito? Bakit mo pa ko pinuntahan? Baka umasa ang puso ko na mahal mo na ko. Ngayong nakita na kita, baka hindi na kita pauwiin," naka-pout kong sabi sa kanya.
Ilang buwan na din kami hindi nagkikita ni Mason. Araw araw naman siyang tumatawag at nagvi-video call, pero iba pa rin na nandito siya.
"I don't have plans on leaving you. In fact, I will be staying in your house for the rest of your semester."
"Sa bahay ka namin matutulog?"
"Yep. I have also applied here as a part time Guidance Counselor this coming semester so I will be seeing you more often. Isn't that exciting?"
"No, it is not exciting. There is something you are not telling me. Bakit ka nandito at bakit mo ko binabantayan?" tanong ko kay Mason sabay hablot sa braso niya.
"Let us say that the existence of the Ultima Incantatrix is not so secret anymore and I am here to ensure that you will be safe."
"Mason? May nagbabanta ba sa buhay ko?"
"Wala pa sa ngayon."
"Wala pa sa ngayon? Ibig sabihin meron na sa susunod?"
"Come on, let us have some dinner first. We have a lot of matters to discuss."
Hinila ni Mason ang kamay ko at kulang na lang ay kaladkarin niya ako papunta sa parking lot. Nandoon si Professor Kent na nakasandal sa kanyang kotse at kasama niya si Rayah.
"Smoothies for you, my dear," sabi ni Rayah sabay bigay sa akin ng isang Strawberry Smoothie.
"Wow, long time no see, Empress Rayah. Saan ang lakad niyo?"
"Correction, lakad natin. Go on, drink your smoothie. I have already mixed your magical potion in there. We do not want any unplanned explosions."
"Lakad natin?"
"We are going to Japan!"
"Bakit tayo lang? Nasaan si Thade? Si Xyder at si Maiko?"
"Queen X is busy with his new boylet, Xanthus Ferrero. Thade is in France. He recently opened a branch of a restaurant there."
"Meron na pag-aari na restaurant si Thade?"
"Yeah, he studied Culinary Arts in the UK with Pasty Arts Diploma. Mukhang bata lang si Thade, pero nakatapos na siya ng ilang mga short courses sa mga international cooking school. Talent is really in our blood. Do you agree sweetheart?" tanong ni Rayah na biglang hinagkan ang labi ni Professor Kent.
Tinignan ko lang si Mason para humingi ng paliwanag pero niyaya niya ako na sumakay sa kanyang itim na kotse.
Pumasok ako sa loob ng kotse ni Mason. Si Professor Kent naman ay kasama si Rayah. Mula dito ay natatanaw namin ni Mason ang passionate kissing scene nila loob ng kotse.
"Mukhang nagkabalikan na sila Rayah at Professor Kent. Tukaan mode na sila. Sana all," sabi ko kay Mason sabay harap sa kanya na nakapout ang lips.
"Kiss is not going to happen, Hailey. We will just end up in bed."
"So? Malaki na ako ah?"
Tinignan lang ako ni Mason at tinaasan ng kilay. I guess walang kiss or more than kiss na magaganap sa aming dalawa.
"Hindi ko alam kung mas prefer ko na hiwalay si Professor Kent at Rayah or mag-on sila. Naiingget ako sa lampungan nila. Bakit nga pala tayo pupunta sa Japan?" change topic ko sa kanya.
"The Arcane Lord summoned us. Since it is your semester break, we came here to pick you up."
"Mason, bakit niya tayo papuntahin doon? And please give me an explanation. Ano ba talaga ang nangyayari?"
"The Arcane Lord thinks that you might be in danger. He wants you to drop out of college until he sorted this out."
"Teka, hindi ba ang Arcane Lord ang may balak na masama sa akin? Paano kung pasabugin agad ako ni Captain Ri look-alike?"
"He already caught the culprit of the three murders. He wants to speak with us both. Si Rayah at si Kent ay sasama lang sa atin para mamasyal sa Japan. Ang hindi palang niya alam ay kung sino ang kumidnap sa isang witch sa US."
"Nasabi nga ni Professor Kent na may isang missing girl sa school of wizards sa US, si Soriah Lincoln, pero wala naman daw natagpuan na dead body. Teka, sino ang pumatay sa tatlong estudyante?"
"The Arcane Lord will tell you everything."
Napatingin lang ako kay Mason. Hindi maganda ang kutob ko sa sasabihin ng Arcane Lord. Sa pagkakaalam ko ay may nabasa si Thade na mga records na connected ang Arcane Lord sa paggamit ng Blackahlia flower.
He may be the killer afterall. And he may want to use my power for himself.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Black Smoke
Fantasía[Completed - Book 4] My name is Hailey Shade Diaz. Ang dati kong tahimik at normal na buhay ay biglang nagbago nang maging number one most wanted killer ako sa mundo ng salamangka. Sa isang iglap, isa na akong famous villain ng mga witches and wizar...