POV REI
HAILEY Shade Diaz. I never thought that Mason would care for someone outside our family. A few years ago, Sage and I asked for Mason's help to look after Hailey. He is the only person capable of taking care of a dark witch as the effects of black magic means nothing to him.
We did not know that Mason would develop an unusual attachment to her. A bond that made him willing to sacrifice his life for her.
"Butter Croissant, Blueberry Muffins, Apple Turnover, Dark Chocolate Chip Cookies. I have it all here."
Nahinto ang usapan namin ni Mason nang pumasok si Sage sa classroom na may dalang maraming dalang baked goods.
"Bakit ang tagal mo? Kailangan na natin umalis agad. Huwag mo sabihin na nakipagkilala ka pa sa mga babaeng estudyante dito? Feeling mo bata ka pa?"
"Sila ang lumapit sa akin. Malay ko ba na sikat si Thade dito at akala nila ay kuya ako ni Thade? And for your information, my dear wife. Mukhang bata pa talaga ko!"
"Sage, may apo ka na sa tuhod. Super lolo ka na!"
"Super lolo with masculine arms and six packs! Gusto mo ipakita ko sa'yo ang mga pandesal ko? O baka naman ang pet ko ang gusto mong makita?"
"Mahiya ka nga kay Mason, naririnig ka! Buti hindi nagmana sa'yo ng pagkaharot 'yan!"
"Mason is an Elizalde. The harotness in his blood will soon come to life whether he likes it or not. By the way, nakasalubong ko ang girlfriend niya sa corridor. Mukhang narinig niya ang usapan niyo."
Napatingin lang ako kay Mason. Ilang beses ko na sinabi sa kanya na sabihin kay Hailey ang plano niya pero wala itong lakas ng loob ipagtapat ang plano niyang mamatay kapalit nito.
"Mason, just try to talk to her and explain everything. Buhay niya ang sasagipin mo. I guess she has the right to know that you will risk your life in return."
Tumango lang si Mason sa amin at lumabas ng classroom. Pagkalabas niya ay sinimulan namin kainin ni Sage ang dala niyang mga tinapay.
"Sage, may balak ka ba sabihin sa akin kung bakit ka nagpabili ng hiking equipments kay Clarence?"
Clarence Elizalde is our grandson. He is Thade's father and he is the son of Jared Elizalde.
"Pupunta tayo sa Mountain Province."
"Bawal mag-teleport? Last time I checked, we can transport anywhere on earth."
"Not in this place, babe. There is a concealed place in Mountain Province that is protected by high-grade magic that can nullify even the Guardian's powers."
"So paano tayo pupunta doon?"
"Why don't you give me a kiss so we can find out?"
"Are you sure kiss lang ang hinihingi mo?"
"And more. Come on."
Hinawakan ni Sage ang kamay ko at bigla kaming napunta sa loob ng aming condominium unit sa Taguig City. Dito kami madalas tumambay kapag nandito kami sa mundo ng mga tao.
Pagkatapos namin magbihis ay dinala ako ni Sage sa isang bayan sa Mountain Province. Hanggang paanan lang daw kami ng bundok dahil may kakaibang mahika ang kabundukan dito na hindi pwedeng gamitin ang kahit anong supernatural powers.
"Ano ba talagang gagawin natin dito bukod sa harutan?" tanong ko kay Sage habang naglalakad kami paakyat ng bundok.
Nararamdaman ko pa rin ang kapangyarihan ko bilang isang Guardian, pero hindi namin magamit ang aming Teleportation Skills.
"Mason asked for my help about the three murders."
"Ano bang nangyari doon? Bakit may ganun na ganap? Hindi ba na-detect ng school system na may dark magic anomaly sa loob ng tatlong wizard school? Fishy ha?"
"One of Mason's theories is about the Immundus."
"Sage, hindi ako expert sa mundo ng mahika pero imposible na Cassus or ang mga minions niya ang may gawa niyan. Sealed ang The Void. Walang makakalabas at makakapasok unless may basbas natin dalawa."
"Unlike you who is fond of eating and watching some dramatic flicks, I have been spending my time reading ancient writings."
"Eh 'di ikaw na productive! Ano expect mo sa akin? Dahil Guardian ako perfect na ako? Hoy Sage, ang limang dekada sa mundo ng mga tao ay ilang taon lang sa atin! Saka immortals nga tayo, pero hindi tayo all-knowing. Wala akong alam sa mga historical shits na ganyan."
"Mas matalino pa nga si Thade sa'yo eh! Eh apo mo na 'yon sa tuhod!"
"Ano gusto mo? Magbasa ako ng makalumang libro tulad ng ginagawa mo sa freetime mo? Huy! Mas gusto ko manood ng K-Drama noh? Nabalitaan mo ba na 'yong Arcane Lord ay kamukha ng bida sa Crash Landing On You?"
"Tsk! Ano ba ang nakikita mo diyan sa mga slant-eyed boys na 'yan? Mas gwapo naman ako at mas sexy. Mataas pa IQ ko."
"Kups ka nga lang minsan," mahinang sagot ko sa kanya.
"Ano sabi mo?"
"Wala! Ang sabi ko, bakit ba talaga tayo pupunta dito?"
"There is a village here that was established before the Spanish era. It is believed that they are the only lineage of witches capable of defeating Jezebel. The wizard who killed Jezebel in the ancient times is their ancestor."
"Sabi ni Mason, psycho dark witch lang si Jezebel. Anong meron sa kanya? BFF ba siya ni Lilith?"
"I have read some scrolls in Old Canaanite languages, probably Phoenician or Moabite language. It states there that Jezebel was defeated by a witch named Kaliyah. She travelled east and she was later known as Kalingayan. Naalala ko noon na nabanggit sa akin ni Rusty ang tungkol sa mga babaylan na naninirahan dito sa bundok. Mga descendants sila ni Kalingayan, isang ancient witch from Canaan."
Napatingin lang ako kay Sage habang naglalakad kami pataas ng bundok. Kahit matagal nang namayapa si Sir Rusty ay palagi pa rin namin itong napag-uusapan. Siguro dahil ito ang tumayo na ama namin saka si Uncle Silawin.
"Tingin mo si Kalingayan at si Kaliyah ay iisa?"
"I think so and I am seldom wrong."
"May libro kaya sila ng How To Kill Jezebel?"
"Jezebel is already dead, but I am afraid she was resurrected."
"Like who will benefit if the bitch witch is alive?"
"I do not know. That is the answer that I would like to find out," sabi ni Sage sabay turo sa isang village sa 'di kalayuan.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Black Smoke
Fantastik[Completed - Book 4] My name is Hailey Shade Diaz. Ang dati kong tahimik at normal na buhay ay biglang nagbago nang maging number one most wanted killer ako sa mundo ng salamangka. Sa isang iglap, isa na akong famous villain ng mga witches and wizar...