POV HAILEY
NAGSIMULANG umakyat sa rooftop ang mga dark wizards at dark witches ni Ahabaddon. Ang Arcane Lord naman na si Riku Nakamura ay sumugod sa mga ito kahit outnumbered siya.
"Mason, approximately ilang dark wizards ang nakakulong dito sa Citadel of the Sky?"
"Hundreds? Thousands? I have no fucking idea."
Lumapit si Mason sa akin at hinawakan ang ulo ko gamit ang kanyang kamay. Bigla na naman napalibutan kami ng kakaibang liwanag.
Expect ko magta-transform ako tulad ni Sailor Moon, pero walang ganun...
"A third of the Arcane Lord's power is within you, Hailey. I have no time to teach you about battle magic, so we will just synchronize our moves. I will manipulate your magic. Just let the magic flow through you. Do not resist. Once you get the hang of it, you can use it to fight."
"Ha? Teka lang! Anong gagawin ko?"
Biglang lumabas ang isang ice-like sword sa kamay ni Mason. Katulad ito ng hawak ni Riku Nakamura pero gawa sa kumikinang na itim yelo. Kahit sa kamay ko ay lumitaw din ang katulad nito.
"Mason, anong alam ko sa paggamit sa sword---"
Napahinto ako nang biglang inatake ni Mason ang isang dark wizard na palapit sa amin. Para akong nanonood ng isang movie tungkol sa mga samurai dahil sa galing nila ni Arcane Lord. Nagulat na lang din ako nang kusang gumalaw ang kamay ko.
Inatake ko ang isang dark wizard na papalapit sa likod ni Mason gamit ang ice sword. Gusto ko palakpakan ang sarili ko dahil sa instant sword fighting talent ko.
"Mason, paano nangyari ito? Bakit parang mas magaling pa ko kay Samurai X?"
"Riku knows a lot of martial arts and sword fighting techniques. You now have this ability and his immense power. Just swing your sword and focus your will in defeating the enemy. It will be a piece of cake. Riku's power will guide you."
Mukhang tama nga si Mason. Parang nagkaroon ako ng instant knowledge tungkol sa sword fighting. I was able to easily slash two dark wizards speedily and accurately as if I am a sword master.
Hindi na din mga tao ang mga kaharap namin dahil nagiging abo sila kapag ginagamitan namin ng aming ice swords. Mga demon na nga ang mga ito na isinuko ang kaluluwa kay Ahabaddon.
For minutes, I am enjoying fighting these demons using my magical swords. With Arcane Lord's powers, it feels like I am the greatest wizard on earth.
Pero tulad sa mga online games na nilalaro ko, kapag mataas ang gamit ng agility at dexterity, nakaka-apekto din ito ng stamina. Nararamdaman ko ang pagod sa katawan ko.
Hindi ko alam kung dahil sa napaka lakas ng power ng Arcane Lord kaya ako napapagod o dahil kulang ako sa exercise.
"I am planning to defeat these demon spawns so I can face the Provost himself, but it seems that they have no plans in stopping," hinihingal na sabi ni Riku Nakamura.
"They are now transformed into demons. They have unlimited stamina as they already have a supernatural body," sagot ni Mason sa kanya.
"But the prisoners of the Citadel of the Sky are not endless. Sooner or later, their numbers will dwindle. We will be able to defeat all of them!"
Gusto ko pa sana magpahinga pero sumugod na agad si Riku Nakamura. Napansin ko na ginagamit niya ang kanyang magical sword instead sa paggamit ng mga elemental attacks na ginagawa ni Xyder noon.
Marahil ay naco-conserve ang magic kapag sword lang ang gamit.
Pagkatapos lamang ng ilang minuto ay tila naubos ang mga alagad ni Ahabaddon. Napaupo kaming tatlo sa roof top floor dahil na rin sa pagod at sa sakit ng kamay.
"BFF na tayong tatlo simula ngayon, though I can feel like I am the third wheel here," nakangiti na sabi ni Riku.
"Wala pa po ba kayo napupusuan na babae?" tanong ko sa kanya.
"After Marichu, wala pa pero interesado ako sa isang witch sa CRAM. Hindi nga lang niya ko pinapansin masyado."
"Estudyante po? Hala, cradle snatcher!"
"What? No! She is a professor. Offensive magic professor to be exact."
"Si Professor Anya Graham? Siya ba 'yong blonde chick na crush ni Thade? Naku, Sir Arcane Lord. Kahit mukha kang South Korean actor, hindi ka pasado doon. Babae daw type ni Ms. Anya."
"Just watch and learn, my little dark witch. Next year, girlfriend ko na si Anya---"
Isang malakas na dagundong ang nagpatigil sa usapan namin ng Arcane Lord. Mula sa rooftop ng Citadel of the Sky ay kitang kita namin na nagkakaroon ng bitak ang lupa sa likuran na bahagi ng building. Kahit ang mga puno ay parang dahan dahan na natatanggal ang ugat at unti unti bumubuhal.
"Fucking, son of a fucking bitch!" sigaw ni Riku Nakamura.
"Sir Arcane Lord, ano po ang nangyayari? Guguho ba ang buong Sky Island?"
"The extensive forests that you can see? That is not an ordinary forest. It serves as the dark magic cemetery. The remains of the ancient wizards and witches were brought here to ensure that their dark magic cannot be harnessed from the outside."
"And Ahabaddon is trying to resurrect them?" tanong naman ni Mason sa kanya.
"You got it right. We have an undead army of dark witches and wizards in front of us."
Nagkatinginan lang kaming tatlo. Kahit may kapangyarihan kami ng Arcane Lord, hindi namin kakayanin ang delubyo sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Black Smoke
Fantasy[Completed - Book 4] My name is Hailey Shade Diaz. Ang dati kong tahimik at normal na buhay ay biglang nagbago nang maging number one most wanted killer ako sa mundo ng salamangka. Sa isang iglap, isa na akong famous villain ng mga witches and wizar...