CHAPTER 72 - STATION

1K 114 0
                                    

POV REI


BINUHAT ako ni Prinsipe Isagani at mabilis siyang tumakbo pababa ng bundok gamit ang kanyang superhuman speed courtesy of his Lakan powers. Dumating kami sa isang tabing ilog na may malaking kubo. Ito na siguro ang sinasabi niyang lugar kung saan kami sasakay ng bangka.

"Dito muna tayo magpalipas ng gabi. Delikado ang paggamit ng ilog kapag madilim na," sabi ni Prinsipe Isagani habang nagsisindi ng apoy sa tapat ng kubo.

"Mukhang hindi ito bahay ah? Boat station?"

"Ang kubo na ito ay nagsisilbing tahanan ng mga bangka na ginagamit pababa sa ilog. Walang nakatira dito. Ibigay mo ang iyong braso sa akin para mapagaling ko."

"Carry mo?"

"Babe, minamaliit mo ba ang isang Alagad ni Bathala na isang tulad ko?"

You are always underestimating me. Iyan ang paboritong linya ni Sage kapag gusto niyang magyabang.

"Hindi kita minamaliit. Alam ko na big ang pet mo na parang dinosaur. Go on. Do your magic. Ayokong maging Agta," sabi ko sabay bigay ng braso ko sa kanya.

Napansin ko na inilapit niya ito sa kanyang bibig at hinipan. Alam ko na capable ang mga Lakan ng healing technique, pero hindi ko alam na may kakayahan din pala silang magpagaling ng ibang tao.

May ibinulong si Prinsipe Isagani sa sugat ko na parang ginagawa ng mga albularyo. Ilang saglit pa ay naglaho na ang sugat na gawa ng Agta.

"Siguro naman, napabilib ka na sa akin, mahal na babaylan."

"Bilib naman talaga ako sa'yo, hindi lang halata."

"Maiba ako, abe. Sa sulat na pinadala ni Rajah Kariman, ang mga babaylan ay isa isang dinudukot at nang lumilitaw silang muli ay tila nagiging isa silang babaylan ng kadiliman."

"Dark witch?"

"Pero ang nakapagtataka, may pumapaslang pa rin sa kanila. Sabi ni Rajah Kariman ay may teorya ka daw na baka gawa ito ng mga nilalang ng kadiliman na pumapatay ng kapwa nila para makuha ang kanilang kapangyarihan na tinatawag na itim na mahika."

Sounds familiar. This is definitely the Razenstein Coven.

"Razenstein Coven ang pangalan na kanilang grupo, Prinsipe Isagani. Nagmula sila sa malayong bansa somewhere in the Middle East. Mga babaylan din sila noong unang panahon, pero naging sakim sa kapangyarihan. Gagamitin nila ang itim na mahika para buhayin ang kanilang big bitch boss."

"Big bitch boss?"

"Si Jezebel, isang reyna na nagtatag ng Razenstein Coven. Asawa siya ng hari na si Ahab. Gusto niyang mabuhay sa pagdating ng Ultima Incantatrix."

"Ultima Incantatrix? Nabasa ko na ito noon sa mga libro na dala ni Aquilino mula sa ibang bansa. Tatlong dugo ang dumadaloy sa kanyang katawan at ang pagdating niya ang hudyat ng pagkasira ng mundo."

The blood of a demon, a witch and a werewolf.

"Prinsipe Isagani, gusto ni Jezebel na mabuhay sa hinaharap para kunin ang kapangyarihan ng Ultima Incantatrix. Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yo na nakapaglakbay na ako sa hinaharap?"

"Mahirap atang paniwalaan 'yan, Babe. Ang kapangyarihan na maglakbay sa ibang panahon ay nagagawa lamang ng mga nilalang na ka-alyasa ng lumikha."

"Guardians. Tawag sa kanila ay Guardians. May kakayahan silang pumunta sa iba't ibang mundo, pero meron din pala silang kakayahan na pumunta sa ibang panahon."

"Kung maniniwala ako na nakapunta ka na sa hinaharap, maari mo bang sabihin sa akin kung sino ang aking naka-isang dibdib? Ang aking naging kabiyak?"

"Hulaan mo?"

"Si Daliah? Siya ang nakatakda na ikasal sa akin."

"Nope, iiwan ka din ng babaeng 'yan."

"Huwag mong sabihin na si Magawen?"

"Nope, si Silawin ang mahal niya. Get over it."

"Pero sino? Sino ang makakatuluyan ko?"

"Maniniwala ka ba kapag sinabi ko na ako? Na ako ang iyong asawa sa hinaharap? Na ikaw si Sage Elizalde?"

Nabigla si Prinsipe Isagani sa sinabi ko. Nakatingin lang siya sa akin at pinag-aaralan kung nagbibiro ba ako. Pero ilang sandali ba ay bigla itong tumawa ng nakakaloko.

"Ikaw ang naging asawa ko? Palabiro ka pala, Babe."

"Bakit hindi ka naniniwala? Dahil hindi mo ko tipo? Hindi mo ko papakasalan ng twelve times?"

"Dahil alam ko na may mahal kang iba. Kanina pa kita pinagmamasdan at para kang may malalim na iniisip. Alam ko na nag-aalala ka sa kung sino man na may-ari ng puso mo. Bihira ako magkamali sa mga ganitong hinala."

Yeah right, you are seldom wrong when it comes to hunches.

Ngumiti lang ako kay Prinsipe Isagani. Mahirap ipaliwanag na ang katauhan niya more than 500 years from now ang lalaking mamahalin ko.

Magseselos kaya si Sage kung gawin kong jowa si Prinsipe Isagani?

"Bakit ka nakangiti? Naaalala mo ba siya?"

Tumango lang ako sa kanya. Ayoko sabihin na naaalala ko si Sage dahil siya at si Sage ay iisa. Binigyan ako ng kumot ni Prinsipe Isagani para magpahinga. Pagsikat daw ng araw saka kami aalis na dalawa.

Dahil sa pagod ko sa paglalakad ay nakatulog ako ng mahimbing. Kinaumagahan ay ginising ako ni Prinsipe Isagani. Handa na daw ang sasakyan namin pababa ng ilog.

"Teka lang ah? Diyan tayo sasakay? Hindi naman bangka 'yan ah? Hindi ba balsa ang tawag diyan?" tanong ko sabay turo sa flat na balsa na gawa sa mga bamboo trees.

"Hindi pwede ang normal na bangka sa ilog dahil may parte ng ilog ang malakas ang pwersa ng tubig. Maaring mabutas ang bangka. Kung balsa ang gagamitin natin, hindi kailangan manghinayang kung ito ay masira sa ating paglalakbay."

"Masira? White water rafting adventure ata ang gagawin natin eh."

"Ako ang bahala sa'yo, Babe. Basta kumapit ka lang sa lubid. Kung tataob man ang balsa, kailangan lang natin sumakay muli," nakangiti na sabi niya sabay kuha ng kamay ko.

"White water rafting nga."

Sumakay kami sa balsa at kahit payapa ang ilog ay mabilis itong umaandar. One way trip lang siguro ang mga balsa dito dahil pababa ng direction ng water current.

May mga nadaanan din kami mababaw at makipot na parte at kailangan pa namin hatakin ang balsa para makatawid kami.

"Kakaiba ang iyong kasuotan. Ngayon lang ako nakakita ng babaylan na hindi naka-bestida na puti," sabi ni Prinsipe Isagani habang itinataas ko hanggang tuhod ko ang pantalon ko.

"Pants ang tawag dito. Masarap isuot kaso hassle lang pagbasa."

"Pwede mo hubarin ang iyong pants para matuyo. Mula dito ay mga isang oras na banayad ang ilog. Pwede ka magpahinga. Tatalikod ako sa'yo kung gusto mo."

"Kahit huwag ka na tumalikod. Nakita mo na naman 'yan at natikman."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala, sabi ko okay na ako. Matutuyo din ito sa lakas ng hangin. Salamat sa pag-aalala, Prinsipe Isagani."

Hindi ko alam kung bakit ako napadpad sa panahon na ito, pero sigurado ako na gawa ito ni Boss Optimus Prime. Kung laganap ang Razenstein Coven sa panahon na ito, marahil ay may misyon ako na dapat ko tapusin.

Ang Boyfriend Kong Black SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon