POV HAILEY
LUMIPAS ang ilang araw, pero walang binabanggit sa akin si Mason tungkol sa kanilang emergency meeting. Kahit ang mga CRAM representatives ay wala din alam. Marahil ay follow-up meeting lang daw ito tungkol sa Death Worm attack sa CRAM.
Pagdating ng weekend ay sinundo ako ni Mason at dinala sa kanyang cabin. Isang araw lang daw sa isang linggo ang pahinga ng mga estudyante at gagamitin daw namin ito para mag-aral ng Dark Magic.
"Akala ko may date tayo tuwing weekend, aral pa din pala ang gagawin natin," sabi ko kay Mason habang naglalakad kami sa gubat papunta sa bahay niya.
"Imagine this as a date with your boyfriend, but a productive date," sagot niya na hinawakan ang kamay ko habang naglalakad.
"Mason, may tanong ako. Nagkaroon ka na ba ng ex-girlfriend?"
"I am not going to answer that."
"So meron ka nga naging ex? Mga ilan?"
"Again, I am not going to answer that."
"I am your girlfriend. I have the right to know if you have an ex girlfriend. What if bumalik siya at agawin ka sa akin? At least alam ko kung sino ang gagamitan ko ng super dark magic ko."
Umiling lang si Mason at hinila ko na pumasok sa cabin niya. Pumasok kami sa kwarto niya at binuksan niya ang isang vault na nakatago sa wall. Kinuha niya at ibinigay niya sa akin ang tatlong libro na laman nito na tungkol sa Dark Magic.
"Dinala mo na ba dito ang mga ex-girlfriends mo?" tanong ko sabay higa sa kama niya.
"You are so obsessed with my ex-girlfriends, Hailey. Wala kang makukuha na sagot sa akin."
"Well, sa iba na lang ako magtatanong. Ano 'yang hawak mo?"
Umupo si Mason sa kama at ibinigay sa akin ang tatlong libro na may leather cover. Mukhang luma na ito at napag-iwanan na ng panahon.
"These books were written by Celina Renard herself. It is everything she knows about Dark Magic. Only the Provost and the current Dark Magic Professors have the copy of these books. The first book is about the side effects of Dark Magic."
"Tulad ng fever ko?"
"Dark Magic is like a drug, an addiction. It has adverse side effects on your body and in your mental health. If you practice it, you will experience mild symptoms like dizziness, headache and irritability."
"What are the not-so-mild symptoms?"
"Killing urge, psychosis and blood thirst are to name some. There are medications written here."
"Paano 'yong case ko? May gamot ba sa akin? Is there a way to disarm a walking bomb like me?"
"None yet, but we are looking for ways to save you."
"Mason, how to kill a Demon Witch?" tanong ko habang binabasa ang table of contents kung saan may nakalagay na Demon Witch.
"The last Demon Witches that we have encountered were killed by powerful Werewolves. Hindi pa ako ipinapanganak nito. But Hailey, you are not a Demon Witch, you are a witch-demon-werewolf, the Ultimate Sorceress."
"Fine, fine! I am the super villain of all time. Wala bang books about How To Kill an Ultimate Sorceress?"
"So far, there is none. You are the only witch of this kind."
"Mason, I can't be killed, but can I be deactivated? Like put some spell on me to reduce my powers? Tapos ihagis niyo ko sa ilalim ng Marianas Trench? Or ipadala niya ko sa Mars or sa Asteroid Belt?"
"We are actually searching for non-evasive treatment. Yong hindi ka masasaktan at hindi mo kailangan mamatay," sabi ni Mason na humiga sa tabi ko.
Mabilis ko naman siyang niyakap at ipinatong ang ulo ko sa dibdib niya. Akala ko ay itutulak niya ako, pero nakapagtataka na yumakap lang din ito sa akin.
"Mason, kailangan ko ng attorney. Kailangan ko ng gumawa ng last will and testament."
"Are you serious?"
"Sa akin naiwan ang lahat pera ni Don Crisostomo. Gusto ko ipamana ang mansyon niya kay Manong Ricardo at Manang Mercy. Hahatiin ko din ang naiwan na pera sa akin para makapagpatayo ng magandang bahay ampunan. Para sa mga bata, para sa mga matanda at kahit para sa mga aso, isama mo na din."
"Yeah, I will handle it for you."
"Mason, kung isang malala na sakit ang kalagayan ko, mga ilang taon ang aabutin ko?"
"Professor Kent is working on his theories. Using the potion that he is trying to concoct, he thinks you have at least three years before the Dark Magic will corrupt you."
Dark Magic. Explosion. Death.
Mukhang ito ang end game ko. Mas okay sana kung walang madadamay, pero mukhang maraming tao ang masasaktan dahil sa akin. Kung meron lang paraan para mawala ang Dark Magic sa akin, gagawin ko.
"Mason, I think I have a brilliant idea on how we can resolve this problem."
"I am listening."
"But it requires you getting naked."
Tinignan lang ako ni Mason at humalakhak. Akala niya siguro ay isa na naman itong biro.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Black Smoke
Fantasy[Completed - Book 4] My name is Hailey Shade Diaz. Ang dati kong tahimik at normal na buhay ay biglang nagbago nang maging number one most wanted killer ako sa mundo ng salamangka. Sa isang iglap, isa na akong famous villain ng mga witches and wizar...