CHAPTER 55 - MONGOLIAN

1.1K 107 11
                                    

POV REI


NANDITO kami ni Sage sa isang hidden village na tinatawag na Kalingayan Village para alamin kung sino ba talaga si Jezebel. Hindi ko lang inaasahan na may prophecy pala na related sa amin dito.

"Mukhang nagkaroon kayo ng pagtatalo ng lalaking Kamgaalag."

Isang lalaki ang hindi ko namalayan na nakasunod na pala sa akin. Sigurado ako na ito sa Habagat, ang descendant ni Kaliyah at ang kapatid ni Amihan.

"Madalas naman talaga kami magtalo na dalawa. It is our thing," nakangiti na sagot ko sa kanya.

"Para gumanda ang iyong pakiramdam, gusto mo ba na ipasyal kita dito sa aming lugar?"

Tumango lang ako kay Habagat. Tingin ko naman ay hindi ako gagawan ng masama ng lalaking ito. Siguro nga ay wala kaming kapangyarihan masyado ni Sage dito, pero hinasa na ako noong ni Uncle Syl at ni Lena na makipaglaban sa paghaharap namin noon ng mga Demon Generals.

Naalala ko tuloy si Abraxas, ang demon general na adik sa ice cream. Ilang beses din kami nagkita sa mundo ng mga tao at hindi pa din siya napapagod sa kakatikim ng ice cream sa kung saang sulok ng mundo.

"May isang bukal dito na napakalinaw, pero hindi ito napupuntahan ng mga tao. Kami lang ni Amihan ang puwedeng pumunta dito," sabi ni Habagat sabay turo sa kakahuyan.

Pagkatapos ng ilang minuto at tumambad sa amin ang isang crystal blue lake. Maliit lang ito na parang circular swimming pool. Ang tubig ay nagmumula sa maliit na talon at bumaba naman sa ilog.

"Ang ganda dito ah? Puwede maligo dito?"

"Walang gumagamit nito dahil sa takot sa unang Kaliyah. Kung ikaw ang Kamgaalag, sa tingin ko ay walang masama kung susubukan mo maligo dito."

"Masyadong malamig at saka wala akong bathing suit."

Umupo kami ni Habagat sa mga batuhan habang nakaharap sa tubig. Sinubukan ko hawakan ang tubig at mabilis kong naramdaman ang pamilyar na sensasyon. Ito ang kapangyarihan ko noong Punong Babaylan pa lang ako. Sigurado ako na ang mahika na nagco-conceal sa village na ito ay nagmumula dito.

"Naniniwala ka ba na ang kabiyak mo ay isang Kam Kam---"

"Kamgaalag?"

"Yep, that Kam Kam thingy. Naniniwala ka ba na ako ang iyong soon to be wife?"

"Kung iyon ang nasusulat, buong puso ko itong susundin," nakangiti na sagot niya sa akin.

"Malabong mangyari 'yon, Habagat. Kasal na ako sa ibang lalaki. Actually mga 12 times ata kami ikinasal. Dalawang beses sa Pilipinas, isang beach wedding at isang church wedding. Iyong sampu ay sa iba't ibang bansa, kung saan maisipan ng kupal kong asawa. Meron na din akong anak, triplets sila. May apo na din ako at apo sa tuhod."

"Kasal ka na? Pero nasusulat na ako ang unang lalaki sa buhay mo?"

"I guess ibang Kam Kam thingy ang tinutukoy sa propesiya niyo dahil isa lang ang impaktong lalaki sa buhay ko at iyon ang kupal kong asawa."

Nagtawanan lang kami ni Habagat. Siguro ay kasing edad ko lang ito. Wala akong nararamdaman sa kanya kundi kabutihang loob. Marahil pinalaki ang mga tao dito sa Kalingayan Village na may respeto sa kapwa at galang sa matatanda.

"Wardens of Earth sa wikang Ingles ang tawag sa inyo dahil kayo ang tagapagbantay ng mundo. Kumukuha daw kayo ng kapangyarihan sa lupa, sa tubig, sa apoy at sa hangin."

"Well, technically, we can harness Elemental Magic, pero ang kapangyarihan namin ngayon ay nagmumula kay Big Boss. Siya ang aming power source. Ibang laban ang aming kinakaharap ngayon. Hindi naman sa nagrereklamo ako ah? Kasi well compensated naman kami dahil nakakasama namin ang anak ko at ang mga apo ko."

"Wala sa iyong hitsura na matanda ka na at may apo na."

"Mature na ako sa mga bagay bagay. Alam mo kung saan lang ako nagiging immature? Diyan magaling kong asawa. Araw araw ata ay hahanap siya ng pagkakataon para asarin ako."

"Ang kasama mong Kamgaalag, siya ba ang asawa mo? Kaya ba nagalit ka nang binanggit ni Amihan na ikakasal sila?"

"Hindi naman ako galit---"

"Hindi daw galit?"

Napalingon kami ni Habagat nang biglang magsalita si Sage na nasa likuran na namin. Kasama niya ang kapatid ni Habagat na si Amihan. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Sage kay Amihan, pero niyaya nito ang kapatid para kami maiwan ni Sage.

"Kamusta ang usapan niyo ng iyong soon-to-be other wife?" tanong ko kay Sage nang umupo ito sa tabi ko.

"The prophecy about the Kamgaalag is written in Old Mongolian language."

"Sage, wala akong alam sa Mongolian language. Mongolian Barbeque lang ang alam ko."

"Ang gusto ko sabihin ay hindi ang witch na si Kaliyah ang nagsulat nito. Maaring descendant niya or follower niya na namasyal somewhere in Mongolia. My point is, baka namali lang sila ng translation. They gave me this book. I will ask Thade to translate it for me."

"Paano kung tama ang prophecy nila? Paano kung kailangan mo nga maikasal kay Amihan? She is young, pretty and I don't know, sophisticated? Tulad ng mga type mo?"

"That will not happen as I am already married," sabi ni Sage sabay hawak sa kamay ko.

"Sage, matagal na tayong magkasama. Ilang beses na din tayo ikinasal. Paano kung magsawa ka sa akin? Hindi naman ako maganda at sexy. Hindi naman ako matalino. Masipag lang ako mag-aral. At lalong lalo na hindi ako sophisticated."

"But you are perfect, Reichel Amber Manahan Elizalde. You are perfect for me. When I asked you to be my wife, to be the mother of my children, I am certain that I want to spend my life and my eternity with you. Come here. Give me a hug. Ina-atake ka na naman ng mga insecurities at ka-dramahan mo sa buhay."

Lumapit ako kay Sage at niyakap niya ako. Madalas kami nag-aaway dahil palagi niya akong inaalaska, pero siguro inaaway ko din siya para lambingin niya din ako.

Natatakot pa rin ako na mawala sa akin si Sage. Kahit imortal na kami, may trauma pa din ata ako na maari siyang agawin sa akin ng isa na naman na demonyita tulad ni Lilith.

"I am sorry kung nag walk out ako sa conference room. Hindi naman talaga ako galit. Naramdaman ko lang ang pagod sa hiking natin at idagdag pa na ang ganda ni Amihan."

"Ako nga dapat mag-sorry. Dapat sinundan kita, pero gusto ko na malaman kung anong meron kay Jezebel para makaalis na tayo dito," sabi ni Sage na dahan dahan nilalapit ang labi niya sa leeg ko.

"Ano daw meron kay Jezebel? Kalahi ata 'yan ni Lilith eh!"

"Amihan showed me the original scrolls where Kaliyah narrated what happened between her and Jezebel. Bad news, the scrolls were all tattered. Good news, Kaliyah's successors transferred the contents to a book from time to time to preserve this."

"Sage, kinakagat mo na naman ang leeg ko! Heads up lang, nasa public place tayo ah? Kung ano man ang iniisip mo, cannot be 'yan."

"Kailan mo ba ko napigilan?"

Biglang hinila ni Sage ang kamay ko at pareho kaming bumagsak sa tubig. Buong akala ko ay mababaw ito, pero mukhang malalim pala ito. Tulad ng inaasahan ko, hinagkan niya ang labi ko habang nasa ilalim kami ng tubig. Madalas niya itong ginagawa noong nasa The Gap pa kaming dalawa.

"I love you, Reichel Elizalde. I will love no one but you," bulong niya sa akin nang maka-angat kami sa tubig.

"I love you too, Prinsipe Isagani. You and your pet."

"And I love you more, Rei. Darker than the depths of The Void, deeper than the abyssal pits of hell, brighter than the light of our Big Boss and hornier than my pet right now."

Ngumiti lang ako kay Sage at hinawakan ang kanyang pisngi. Mukhang nanalo na naman ang kanyang pagkaharot sa gitna ng kagubatan.

Ang Boyfriend Kong Black SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon