CHAPTER 4 - FEVER

2.1K 138 32
                                    

POV HAILEY


LAST day ng classes ko ngayon at nandito lang kami sa school para kunin ang aming mga class cards. Isang school year na lang, graduate na ako ng aking Mechanical Engineering course. Habang naglalakad ako papunta sa school building, napansin ko ang isang lalaki na nasa harap ng malaking water fountain.

The man just stared at me with his dark piercing eyes.

Out of place ang lalaking ito dahil siya lang ang naka formal attire sa university, pero tila walang estudyante ang pumapansin sa kanya. Para siyang invisible sa lahat ng tao at parang ako lang ang nakakakita sa kanya. Nang makalapit ako nang bahagya sa kanya, nakilala ko agad ang lalaking naka black suit.

Teka, eto ba si pogi na bumuhat sa akin sa rooftop noong isang linggo? Ang lalaking may killer smile?

Naalala ko noon na ngumiti lang siya sa akin at tila nawalan na ako ng malay.

Literal na nakakamatay ata ang ngiti ng lalaking ito.

Pagkatapos ng nangyari ay natagpuan ko ang sarili ko sa isang bakanteng classroom. Nang tinanong ko si Catherine at si Coleen kung kilala nila ang lalaking bumuhat sa akin, akala daw nila ay boyfriend ko ito.

Kasabay nang pagdating ng estranghero na ito ay tila kumalma ang buo kong pagkatao. Nawala ang pagka-warfreak ako, natuto akong magpasensya at hindi na ko basagulera.

My whole week became calm and serene.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang nag-wink sa akin ang lalaki, pero mas nagulat ako nang maglaho ito na parang bula.

He quickly turned into a black smoke and vanished in a split second.

Kinusot ko ang mata ko, pero wala na ang lalaki sa harapan ng fountain.

Pagdating ko sa classroom, nagsimula na magbigay ng class cards ang aming professors, pero ang lalaking nakita ko kanina ang nasa isip ko.

His luscious lips. His slightly tousled hair as if he came from a hot love making.

Wala akong choice kundi mag buntong hininga dahil sa pogi na estranghero.

"Hey Shade, okay ka lang ba? May sakit ka ba?" tanong ni Catherine.

"May lagnat ka nga. You're sweating! Bakit ka pa pumasok?" tanong naman ni Coleen na hinawakan ako sa noo.

"I am fine. Nakalimutan ko lang kumain ng breakfast---"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may nakita akong lalaki na naglalakad sa corridor. Ito ang lalaking nakita ko kanina sa harapan ng fountain na biglaang naglaho.

"Uhmmm girls, kilala niyo ba kung sino ang lalaking naglalakad sa corridor na nakasuot ng black suit? Hindi ba siya 'yong lalaking biglang dumating at umawat sa away namin ni Ruth?" tanong ko kay Catherine and Coleen sabay turo sa direction ng lalaki.

"You are scaring us, Shade! Walang tao doon!"

"Yeah, there is no one there! Ano ba ang pinagsasabi mo!"

Mukhang mataas na ata ang lagnat ko at nagde-deliryo na ako. Nakikita ko si poging invisible man, pero nakapagtataka na hindi siya nakikita ni Catherine at Coleen.

"Girls, I am not really feeling well. Mukhang kailangan ko umuwi ng maaga dahil masama ang timpla ng katawan ko. Kunin niyo na lang ang class cards ko sa ating ibang professors," pakiusap ko sa kanila.

"Gusto mo ba samahan ka namin sa clinic?" tanong ni Catherine na halatang nag-aalala sa akin.

"Thanks, but I think I am good. Pupunta lang ako sa clinic para magpahinga."

Tumango lang si Catherine at Coleen. Alam ko na nag-aalala sila para sa akin dahil parang magkakapatid na ang turing namin tatlo sa isa't isa.

Alam ko na wala ako sa panaginip. Alam ko na totoo ang lalaking naka black suit kanina sa fountain at sa corridor. Alam ko din na may kasama siyang isang lalaki na may Scottish accent noong isang linggo na ang pangalan ay Kent.

I even remembered Kent saying that I need to go to CRAM, wherever that is.

I need to know the truth or else, baka sa mental hospital na ang bagsak ko kinabukasan.

Mabilis akong lumabas ng classroom para pumunta sa direksyon ng lalaki. Sa dulo ng corridor, nandoon ang lalaking hinahanap ko. Nakasandal siya sa pader na parang hinihintay ako.

"Are you following me?" tanong ko sa kanya nang makalapit ako sa kanya.

"You are the one who clearly followed me here."

"Bakit ka nandito? Hindi ka naman student ng university. Trespassing ang ginagawa mo."

"Trespassing ako? Bakit hindi mo ko isumbong sa prinsipal niyo?"

"Multo ka ba? Bakit hindi ka nakikita ng mga friends ko?"

"Does this handsome man looks like a ghost to you?" sabi niya sabay pitik ng ilong ko.

Shit, hindi nga siya multo dahil naramdaman ko ang sakit ng pitik niya.

"Sino ka ba talaga? Kung hindi ikaw ang future boyfriend ko, baka pwedeng lubayan mo na ako! Umaasa ako na may chance tayo eh!"

"I am your new master and you will be my prisoner."

"Teka, prisoner? Like sex slave na may velvet handcuffs? Ganern?"

Hindi ako sinagot nito pero bigla lang itong humalakhak. Lumapit siya sa akin at biglang hinablot ang bewang ko papalapit sa kanya. Ang mga labi namin ay muntikan na mag dikit dahil sa marahas na paglapit niya sa akin.

"You are now my prisoner because you are such a bad, bad girl. Let me show you your jail house."

Bigla akong napalibutan ng makapal at maitim na usok. Mas maitim pa sa usok na nagmumula sa lumang jeep na pa-Quiapo. Sobrang itim na parang dadalhin ako sa deepest part of hell.

Sa isang iglap, nagbago ang buo kong paligid. Wala na ako sa university dahil napapalibutan ako ng matataas na puno. Para akong nasa kalagitnaan Redwood National Park.

"Nasaan tayo?" tanong ko sa lalaki habang iniikot ang paningin ko.

"We are in Denmark."

"Denmark? Ang European country na malapit sa Norway, Sweden ar Germany?"

Hindi ako sinagot ng lalaki at hinawakan ang kamay ko. Lumalakad kami sa gitna ng nagtataasang mga puno. Para tuloy akong isang langgam kumpara sa taas ng mga puno dito.

Pagdating namin sa dulo, napansin ko na nasa ibabaw pala kami ng bundok. Tanaw ko mula dito ang isang crystal blue na lawa. Sa gitna nito, may isang malawak na isla at nandoon nakatayo ang isang luma na castle.

"Ano 'yon? Disney castle? Hogwarts School of wizardry?"

"That castle will serve as your home and your prison starting today," sagot ng lalaki sa akin.

"Hoy teka lang ah? Bakit ako makukulong diyan? Ano kasalanan ko?"

"You are the most dangerous witch in wizard world history. You will be under my care as you are now my prisoner."

"Hoy pogi, nagkakamali ka! Tao lang ako at hindi ako witch! Wala akong powers! Mistaken identity ito!"

Ngumiti lang ang lalaki at biglang may lumitaw na black velvet choker sa kamay ng lalaki. Mukha itong sophisticated neck cuff na gamit ng mga alagang aso ng mga celebrities. Nilagay niya ito sa leeg ko na parang necklace.

"You need to wear this necklace. It will stop you from hurting anyone. The more you try to remove it, the more it will suffocate you. Stop resisting and just accept your fate as my prisoner."

"Pero wala akong kasalanan! Hindi nga ako witch! Kailangan ko ng lawyer or warrant of arrest! Hindi pwedeng basta basta mo ko ikukulong ng walang due process!"

Hindi ako sinagot ng lalaki at bigla na naman kaming napalibutan ng maitim na usok. Sigurado ako na magte-teleport na naman kami sa kung saan.

Ang Boyfriend Kong Black SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon