POV HAILEY
TAMA nga si Arcane Lord Riku Nakamura. Mukhang binuhay ni Ahabaddon ang mga dark witches at wizards dito sa Sky Island. Inaasahan ko na army ng mga skeletons ang makakaharap namin, pero mukhang nagkaroon sila ng mga katawan, pero kapansin pansin na pula ang kanilang mata.
"Ano po gagawin natin? The three of us against the army of the dead?" tanong ko kay Mason at kay Arcane Lord.
"Technically, it will just be me against them. I am just sharing my power to the two of you, love birds," sagot niya sabay kindat sa akin.
"Sa dami po nila, kukuyugin nila tayo."
"But we cannot afford them to get out of here. Once they are in the human world, it will be the end of humanity."
"May plano po ba kayo?"
"No plans, just three balls."
Inilabas ni Riku Nakamura ang tatlong golden balls mula sa kanyang bulsa. Sigurado ako na Chi Balls ang mga ito na may laman na Chimies.
"Ito po ba ang three legendary Chimies? Ang Cassi na ipinangalan kay Casimir III or ang Father ng Chimes. Ang Joaqi na mula sa name ng 13th Werewolf Alpha at ang Kirbi, na nagmula sa name naman ng Provost ng CRAM?"
"I stole this from the Provost offices before going here. According to rumors, there are three powerful dragons inside these Chi Balls. I guess we can ride these dragons, Game of Throne-style."
"Ride a dragon? Teka, Sir Arcane Lord. Hindi nga ako marunong magbike, sumesemplang ako. Ride a dragon pa?"
"You are worried about riding a dragon? I am more worried kung kakainin ba tayo ng mga ito o hinde. Come on, let us release the Kraken, I mean the dragon."
Inilagay namin sa mga palad namin ang Chi Balls at nagsimula na mag chant ng spell si Arcane Lord. Nagliwanag ang mga Chi Balls at nabalot ng napakalaking liwanag ang buong roof deck ng Citadel of the Sky. Nang maglaho ang liwanag ay inikot namin ang paningin namin, pero walang kahit anong bakas ng tatlong dragons.
"Where the fuck are my dragons?" tanong ni Riku.
"I don't see anything. Are you sure Chi Balls ang kinuha mo sa office ng Provost?" tanong naman ni Mason sa kanya.
"I am fucking sure that these are the legendary Chi Balls as this is similar to the one in my office, unless the Provost is using this golden ball to his nasty and kinky stuff."
"Sir Arcane Lord, mukhang hindi po dragons ang laman ng Chi Balls," sabi ko sabay turo sa tatlong bears na nasa paanan namin.
The first one looks like an Ice Bear or Polar bear. The other one is a small Panda Bear and the third one is a brown Grizzly Bear. All of these bears are just cubs about a foot high.
"They look familiar as if I have seen them in cartoons. I just really hope these trio can shoot laser beams."
Kinuha namin ang tatlong maliit na bears at kapansin pansin na lumapit naman ito sa amin. Sa pagkakaalam ko, medyo mailap ang mga ito dahil considered wild animals, pero mukhang sweet ang mga bears na ito.
Sabagay, mga Chimies nga pala ito.
Lumapit kay Riku ang Polar Bear cub at lumapit naman kay Mason ang Panda Bear cub, samantalang ang brown Grizzly bear naman ay sa akin lumapit. Napansin ko agad ang necklace sa leeg nito na may color sky blue na gem na nagbiblink at may kakaibang pulsating na tunog.
Tatanungin ko pa sana si Riku kung ano ito pero narinig namin ang kakaibang dagundong. Pagsilip namin sa gubat na nakapalibot sa Citadel of the Sky, napuno ito ng army of the dead.
Mga undead dark wizard warriors na binuhay ni Ahabaddon.
"Sir Arcane Lord, any plans?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos ang mala-Teddy bear na cub.
"We will fight these spawn of Ahabaddon until our last breath. Take the Chimie's necklaces and wear these around your neck."
Sinunod namin si Riku at sinuot namin ang kwintas na parang may Aquamarine gemstone. Nang maikabit namin ito sa aming mga leeg ay biglang bumaba ang brown bear na hawak ko at nabalot na naman ang buong rooftop ng nakakabulag na liwanag. Nang mawala ang liwanag ay napa-atras kaming tatlo nang makita ang tatlong dambuhalang bears sa harapan namin.
Their size is almost twice as large as the normal bears. Mas matangkad pa sa akin Grizzly bear sa harapan ko.
"Let us ride them to battle!" sigaw ni Riku.
Hinawakan niya ang leather strap na nasa dambuhalang Polar Bear at umakyat dito. Within seconds, the Arcane Lord sparkled and his body was wrapped in a shining battle armor. Para siyang nakasuot ng sparkling chain mail equipment.
"Bakit may transformation na nagaganap?" tanong ko kay Mason dahil biglang nagkaroon ng instant armor si Riku.
"These Chimies were created for battle. It is expected that their master will be protected at all costs."
Binuhat ako ni Mason at inakyat sa malaking Grizzly Bear. Tulad ng nangyari kay Riku, binalot ako ng liwanag at kasabay nito ang pagkakaroon ko ng suot na sparkling bronze armor. Si Mason naman ay umakyat sa Panda Bear at nagkaroon din ng shimmering black armor.
"For the Citadel of the Sky fallen heroes! The citadel guards! This battle is for all you!" sigaw ni Riku sabay taas ng kanyang ice sword.
"For the victims of Ahabaddon and the Razenstein coven, we will avenge you!" dagdag naman ni Mason.
"For... For... For... For Narnia!"
Napatingin sa akin si Mason at si Riku. Mukhang hindi nila nagustuhan ang battle cry ko.
"Hailey, we are not in Narnia," sabi sa akin ni Mason.
"Wala naman ako alam na battle cry aside sa sinasabi ni Sailor Moon na paparusahan niya ang kalaban sa ngalan ng buwan. Gusto mo 'yon?"
"Nevermind. Let us go!"
Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero nakita ko na lang na biglang tumalon mula sa roof deck ang Polar Bear na sinasakyan ni Riku. Sinundan naman ito ng dambuhalang Panda Bear ni Mason. Bago pa ko makapag react ay sumunod din ang Brown Bear na sinasakyan ko.
Akala ko ay lilipad kami pero tumatakbo na pababa ang bears. We are like vertically running on the Citadel walls like we can defy gravity.
"Hey brown bear, dahan dahan ka lang! Baka mahulog ako!" sigaw ko habang nakayakap sa malaking Grizzly Bear.
Biglang may lumabas na liwanag sa necklace na suot ko at nag-anyong silver strap. Umikot ito sa bewang ko na parang isang instant seat belt.
I guess kung mahuhulog ako, ang belt na ito ang sasalo sa akin.
"Nice one, brown bear! Anong name mo?"
Nagkaroon ng glowing light ang ang silver strap na nasa leeg ng brown bear at lumitaw ang pangalan na Joaqui. Gusto ko pa sana kausapin si Joaqui, the enormous brown bear, pero nang makarating kami sa lower ground at entrance ng Citadel of the Sky ay nagsimula nang sumugod papunta sa amin ang army of the dead dark wizards ni Ahabaddon.
I guess this is the battle between the three bears and hundreds of undeads...
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Black Smoke
Fantasy[Completed - Book 4] My name is Hailey Shade Diaz. Ang dati kong tahimik at normal na buhay ay biglang nagbago nang maging number one most wanted killer ako sa mundo ng salamangka. Sa isang iglap, isa na akong famous villain ng mga witches and wizar...