POV HAILEY
LUMIPAD ang mga winged bears papunta sa entrance ng cave kung saan kami pumasok ni Mason kanina. Kahit malayo kami sa Sky Island ay tanaw mula dito ang paglabas ng dambuhalang itim na kamay na lumalabas sa mula sa Citadel of the Sky.
"Sir Arcane Lord, pwede ba natin i-seal na lang dito sa loob ng Sky Island si Ahabaddon at si Jezebel? Mukhang ubos na rin naman ang kanyang mga dark wizards dahil sa ginawa nilang black magic cannibalism."
"The power of the Sky Island is not enough to contain them. Ahabaddon is a Guardian-level demon while Jezebel already have an enormous dark magic in her."
"Nakakalungkot lang po na si Maiko ang naging vessel ni Jezebel. Napakabait pa naman niya."
"When we first summon Ahabaddon in the Aquamarine Castle in preparation for the sacrificial magic, something is off with Marichu as if she is a different person. Sigurado na nasa katawan na niya Jezebel noong mga panahon na 'yon."
"Pero bakit po hindi na-detect ng system si Jezebel sa katawan ni Marichu?"
"They are not using dark magic to avoid detection for years. Or maybe the Provost himself was creating a loophole or bypass in the system. Jezebel finally took over Marichu's body a few years ago when they detected your dark magic. When Marichu was caught by the Magic Bureau, Jezebel forced herself on young Maiko's body. A compatible vessel as they are both sisters."
"Naroon pa kaya si Maiko sa katawan niya? I mean, her subconsciousness?"
"I am sorry, my dear dark witch. Maiko and Marichu were already dead when Jezebel took their bodies."
Natigil lang ang usapan namin nang may makita kami na parang kumikinang sa Citadel of the Sky. Para itong alitaptap na lumilipad malapit sa dambuhalang kamay. Inilabas ni Riku ang kanyang palad at lumitaw dito ang isang ball crystal na gawa sa yelo.
"This is called Globus Gaudium similar to Globus Gloom. Instead of dark magic, it will use Light Magic. I apologize, love birds. I will be taking back my powers now," sabi ni Riku at bigla kong naramdaman ang tila pagkawala ng lakas sa akin.
Mukhang tapos na ang Triad Magic...
Sa loob ng Globus Gaudium, lumitaw ang isang babae na may mahabang buhok. May puti itong pakpak at may hawak na kumikinang na espada tulad ng nasa drawing sa libro na hawak ni Thade. Lumulutang ito sa ere habang kaharap si Ahabaddon na may itim na pakpak.
"Sir Arcane Lord, siya po ba ang back-up po natin?"
"I think so. This is exactly what I have seen in my vision. It will be an endless fight between Ahabaddon and that winged creature."
Tulad nga ng sabi ni Riku, nagsimulang maglaban ang dalawang nilalang na may pakpak. Sobrang bilis nila tulad ng mga labanan na napapanood ko gamit ang mga flying Gundam. Ang tangi namin nakikita ay ang mga pagsabog na gawa ng atake nila sa isa't isa.
Gumagawa si Riku ng isang dome-like shield na katulad ng ginawa ni Rayah noong kinalaban ni Xyder ang mga Library Defenders para protektahan kami. Hindi kami makakalabas dito hanggang hindi natatalo ng babaeng winged creature si Ahabaddon.
"Sir Arcane Lord, sino kaya siya? Guardian din?"
"I guess so. A Guardian who was specifically tasked to imprison Ahabaddon."
Kahit double team si Jezebel at Ahabaddon, mukhang wala silang laban sa napakalakas na winged creature sa harapan nila. Kapansin pansin din na nanghihina na si Ahabaddon.
Mukhang effective din ang ginawang spell ni Thade.
"Jezebel may have amassed a huge dark magic courtesy of the dark wizards here in the Sky Island, but they are nothing compared to this creature. She is like a battle-type Guardian designed to kill Ahabaddon. Let us thank the future Arcane Lord."
"Future Arcane Lord?"
"Thade Levine Cloud Elizalde. Without his spell to reverse the sacrificial magic, this battle will not come to an end."
Napatakip ako ng bibig nang hinati ng winged creature si Jezebel sa gitna at nanging abo. Huminto naman si Ahabaddon at tila nakaluhod sa harapan nila.
"Riku, it seems like they are talking to each other. Ahabaddon looks like he is crying while kneeling. Is he asking for forgiveness? What kind of language is that?" tanong ni Mason.
"A language we have never heard before. Angel lingo is my best guess."
Inilapit ng winged creature ang kanyang espada sa leeg ni Ahabaddon tulad nang nakita namin sa drawing sa libro na hawak ni Thade. Buong akala ko ay hihiwain niya ang leeg nito, pero binitawan ng babae ang hawak niyang espada at niyakap si Ahabaddon.
"Bakit may yakapan portion? May past sila?" tanong ko kay Mason.
"I guess this is something we will never know."
Biglang lumipad mag-isa ang espada ng winged creature at mabilis itong sumaksak sa likod ni Ahabaddon. Dahil magkayakap sila, tumagos ang espada papunta sa babaeng winged creature.
Inaasahan ko ay magiging abo sila pareho pero napalibutan lang sila ng itim na kadena na gawa sa usok. Kahit ang dambuhalang itim na kamay ay napalibutan ng itim na kadena na parang hinihila pabalik sa abyss.
Mukhang babalik na si Ahabadoon sa kanyang kulungan kasama ang winged creature.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Black Smoke
Fantasia[Completed - Book 4] My name is Hailey Shade Diaz. Ang dati kong tahimik at normal na buhay ay biglang nagbago nang maging number one most wanted killer ako sa mundo ng salamangka. Sa isang iglap, isa na akong famous villain ng mga witches and wizar...