CHAPTER 53 - WARDENS

1.1K 120 7
                                    

POV REI


MUKHANG isang ordinary village lang ang itinuro ni Sage sa akin. Maraming mga Nipa Huts dito na kadalasan na makikita sa sa mga villages dito sa Mountain Province.

"Akala ko ba concealed ang mystical village na sinasabi mo? Eh bakit nakikita natin?"

"Hindi ko alam. First time ko din dito. Si Rusty lang ang may sabi na isang mahiwagang village ito. I can't feel much of our Guardian power here so I guess we are in the right place."

Pumasok kami sa loob ng village proper at nakita kami ng isang babaeng nagwawalis sa harapan ng kanyang bahay.

"Hello po? Good morning!" nakangiti na bati ko sa babae.

"Taga Manila po kami. Mga university researchers po kami na nag-aaral ng History and Archeology. Puwede po ba makausap ang inyong village leader para po sana sa aming project interview---"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko pero kumaripas ng takbo ang babae nang kinausap ko.

"Natakot ata sa akin? Mukha ba akong halimaw?" tanong ko kay Sage.

"Ikaw ang pinakamagandang halimaw para sa akin."

"Bolero, gusto mo ba ng score?"

"You know the answer to that. Come on. I think they are hiding something."

Hinawakan ni Sage ang kamay ko at sinundan namin ang babaeng tumakbo palayo sa amin, pero nakaka ilang hakbang pa lang kami ay nakasalubong na namin ang ilang mga tao na may dalang sibat at espada.

Dahan dahan kaming umatras, pero mukhang napapalibutan kami ng mga village people na armado ng kanilang mga balisong at sibat.

"Sage, mukhang hindi magical villlage itong napuntahan natin. Mukhang village ito ng mga cannibals. Gagawin na yata tayong tanghalian. Saklap naman ng ending natin," bulong ko kay Sage.

Itinaas ko ang dalawang kamay ko para malaman nila na hindi masama ang balak namin dito.

"Babe, sasabihin ko na unahin ka iluto. Mas juicy ka."

"Juicy? Sage, hindi ko alam kung wala kang pakialam sa akin o sadyang bastos ka lang talaga."

"Ako? Bastos? Kailan ako naging bastos?"

"Like every fucking time? Itaas mo kamay mo. Baka akala nila ay masamang tao tayo."

Natigil ang usapan namin nang lumapit sa amin ang dalawang lalaki na may dalang sibat. Hinawakan kami ni Sage sa braso at tumango lang si Sage sa akin na parang sinasabi na sumunod lang kami dito.

"Sage, paano kung dadalhin na tayo sa kanilang kitchen at ilalagay sa malaking talyasi?"

"Hindi ko hahayaan na kainin ka nila. Walang makakatikim sa'yo kundi ako."

"Siguraduhin mo lang na makalabas pa tayo ng buhay dahil kapag tayo ay na-deds dito, mumultuhin kita pati ang pet mo."

"My pet is always looking forward to meeting you."

Buong akala ko ay dadalhin nila kami ni Sage sa isang bahay kubo o sa isang kulungan, pero mukhang papasok kami sa isang kuweba sa bundok.

"Mukhang gagawin tayong alay sa kalikasan ah?" bulong ko uli kay Sage.

"Ilang beses ko na ba sinabi sa'yo na masyado kang matakaw para maging alay sa kalikasan? Kadalasan sa alay ay pure, virgin and sophisticated. So babe, hindi ikaw 'yon."

"Baka gusto mo makatikim ng sophisticated na kurot ang pet mo?"

"Babe, joke lang. Hindi ka na mabiro. Ayaw niya ng kurot. Gusto niya mild and gentle stroke."

Gusto ko kurutin si Sage sa braso dahil sa mga sinasabi niya, pero napatigil kami sa paglalakad nang marating namin ang dulo ng kweba. Isang underground village ang tumambad sa amin.

"Welcome to Kalingayan, Wardens of Earth," sabi ng lalaki na nakahawak sa braso ni Sage.

"Wardens of Earth?"

"Sa loob ng ilang siglo ay tahimik kami nabubuhay dito sa Kalingayan Village. Nasusulat sa aming kasaysayan na darating ang dalawang tagapagligtas, ang dalawang Kamgaalag."

"Kamgaa what? Come again po?" tanong ko sa lalaki.

"Kamgaalag. Probably came from Khamgaalagch, a Mongolian word which probably means defender or guardian. I guess it is loosely translated as Wardens of Earth," bulong naman ni Sage sa akin.

"Si Kalingayan ay nagmula sa malayong lupain ng Canaan. Isang misteryo ang kanyang pagparito. Nang makita niya ang ganda ng kabundukan ay napag desisyunan niya na dito na manirahan. Itinayo niya ang lugar na ito kung saan magiging protektado kami sa kung ano man ang dumating na sakuna."

"Teka, Sir. Paano niyo po nalaman na kami ang Kam Kam Kamihama Wave?"

"Ang Kalingayan Village ay nababalutan ng kapangyarihan kung saan nakatago ito sa mata ng tao. Nasusulat sa aklat ni Kalingayan na ang makakakita lamang ng lugar na ito ay ang dalawang Kamgaalag. Sumunod kayo sa akin para maipakilala kayo sa aming pinuno."

Nakahinga ko ng maluwag dahil sa sinabi nito sa amin. At least hindi mga cannibals ang mga taong kumuha sa amin.

Ang Boyfriend Kong Black SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon