POV HAILEY
SA isang iglap, nasa loob na ako isang kwarto na gawa sa tila fiber glass. Para akong nasa loob ng isang aquarium, pero wala akong makita sa labas. Pinagsusuntok ko ang glass wall, pero ang kamao ko lang ang nasasaktan. Ito siguro ang sinasabing prison ni pogi.
Pero bakit ako? Ano bang ginawa ko? Anong kinalaman ko sa world of wizardry?
Umupo ko sa sahig at niyakap ang mga binti ko. Hindi ko alam kung nasaan lupalop ako. Hindi ko rin alam kung paano ko nakarating sa Denmark. Sigurado nag-aalala na si Cat at Coleen.
Kahit si Manong Ricardo at Manang Mercy ay magtataka sa biglaan kong pagkawala. Sila ang nagsilbi kong mga magulang nang mamatay si Don Crisostomo Diaz. Itinuring nila akong sariling anak at mag-aalala sila kung hindi ako makakauwi sa bahay dahil nandito ko sa glass prison ko.
Bwiset na lalaking pogi! Akala ko naman prisoner sa kwarto niya, sa aquarium pala!
Ilang minuto ang lumipas at unti unti akong binalot ng lungkot. Hindi ko na alam kung kailan ako makakalabas dito. Hindi ko din alam kung makikita ko pa ang mga kaibigan ko.
Iiyak na sana ako na parang isang bida na inapi sa pelikula pero biglang lumitaw ang itim na usok sa harapan ko. Ilang saglit pa ay nag-materialize ang lalaki sa harap ko.
"Let us go, my dear prisoner. You look pathetic. Iiyak ka ba?" nakangiti na tanong niya sabay bigay ng kamay sa akin.
"Akala ko kasi forever na ako mag-isa dito. Papakawalan mo na ba ko?"
Binigay ko ang kamay ko sa kanya at hinila niya ko patayo.
"You are my captive. Why should I release you?"
"Hindi nga kasi ko witch! Fake news lang ang sinasabi mo na ako ang most dangerous witch ever! Wala nga akong wand or cauldron sa bahay. Ang witch hat ko, costume ko lang 'yon sa Halloween party last year. Hindi sapat na proof 'yon para akusahan mo ko na witch!"
"Kapag sinabi ko na witch ka, witch ka!"
"Ang kulit mo eh, sinabing hindi nga ko witch! Wala naman akong kahit anong powers! Ang tanging power ko lang ay kili kili powers kapag hindi ako naligo ng two days."
"Let me detail everything to you, my dear witch and my dear prisoner. Or I might as well call you my dear pet."
"Pet sounds good to me. Basta pakainin mo ko at haplusin mo ko ah? Gusto ko hotdog for breakfast, lunch and dinner."
"What?"
"Wala! Sabi ko willing akong maging pet mo! Saka ang slow mo sa green jokes!"
Ngumiti lang ang lalaki sa akin at niyakap na naman ako sa bewang. Kung siya ang kasama ko sa prison ko every day, baka pumayag na din ako maging pet niya.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Black Smoke
Fantasía[Completed - Book 4] My name is Hailey Shade Diaz. Ang dati kong tahimik at normal na buhay ay biglang nagbago nang maging number one most wanted killer ako sa mundo ng salamangka. Sa isang iglap, isa na akong famous villain ng mga witches and wizar...