CHAPTER 74 - TAKOYAKI

1K 119 6
                                    

POV HAILEY


HINDI ko inaasahan na hahalikan ako ni Mason sa harapan ng kanyang mga magulang. Gusto ko siyang itulak dahil tila unti unti akong nawawalan ng lakas. Alam ko sa mga oras na 'yon ay kinukuha niya na sa akin ang dark magic ng Ultima Incantatrix.

Sa isang iglap ay naglaho si Mason kasama ng kanyang mga Guardian parents. Kasabay nito ang pagkawala sa akin ng kapangyarihan ng Ultima Incantatrix.

Napaluhod ako sa deck ng barko dahil alam ko na iyon ng huling halik na matatanggap ko kay Mason. Malabo na makabalik pa siya mula sa The Void. Malabo na makaligtas siya sa kanyang pagsabog.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako na umiiyak, pero bigla ko naramdaman ang isang kamay sa balikat ko. Pag-angat ng ulo ko ay nandoon na ang Arcane Lord na si Riku Nakamura.

"Wala na po si Mason. He just disappeared," humihikbi na sabi ko sa kanya.

"I know. He told me his plans," sagot ni Riku na tumutulo din ang luha.

Pagkatapos ng mga pangyayari ay bumalik ako sa Pilipinas. Inubos ko ang oras ko sa pag-aaral dahil ilang buwan na lang ay graduate na ako. Tuwing maaalala ko si Mason ay ibinabaling ko sa ibang bagay ang isip ko. Hindi ko hinahayaan na magkaroon siya ng puwang sa alaala ko.

The moment I remember him, my tears will surely flood my eyes.

Lumipas ang araw, ang linggo at ang buwan, pero wala akong balita kay Mason Elizalde. Dinalaw ako ni Thade at ni Rayah, pero wala din daw silang balita sa kanilang Uncle Mason kahit sa dalawang Guardians na si Sage at si Rei.

Naalala ko tuloy ang kwento ni Sage at ni Rei na nabasa ko sa isang libro. Pagkatapos ng ilang buwan ay bumalik si Sage, pero nawalan ito ng memorya.

In my case, months had already passed but there are no signs of Mason Elizalde.

Pagkatapos ng graduation event ko, nagulat ako nang makita ko dito si Professor Umbra Blair. Napag-alamanan ko na siya pala ang aking tunay na ina. Ipinaliwanag niya na kailangan niyang lumayo sa akin, para maprotektahan ako.

Kaya pala ako may dugong Werewolf ay dahil sa kanya.

Sa totoo lang, hindi naman ako nagalit sa kanya. Nawala man si Mason sa akin, pero nagkaroon naman ako ng instant mommy. Sa kanyang condominium unit ako nakatira na malapit sa review center namin. Ipinadama niya sa akin ang pagmamahal niya na hindi niya naipakita nang mawala siya.

Kung hindi dahil sa kanya, baka nabaliw na ko sa pag-iisa.

Isang araw, habang nag-aabang ako sa bus pagkatapos ko pumasok sa review center ay biglang lumitaw si Riku Nakamura sa isang malapit bench.

"Sir Arcane Lord? Grabe! Aatakihin ako sa puso sa appear disappear mo na technique!"

"You don't look pleased to see me."

"Huwag ka mag-drama. I am happy to see you. Dalhan mo ba naman ako ng pagkain fresh from Japan, sino ba naman ang hindi matutuwa?" sabi ko sa kanya sabay kuha ng hawak niyang Takoyaki.

Simula ng mawala si Mason, palagi ako binibisita ni Riku Nakamura using his teleportation technique. Dinadalhan niya ako ng mga streetfood mula mismo sa Japan. Kahit hindi niya sabihin, bakas sa kanya ang pagkalungkot nang mawala si Mason.

"How is your mother? Balita ko full time mom siya sa'yo?" tanong niya habang kumakain ako ng Takoyaki.

"Next month baka pumunta na kami sa Denmark para sa second year ko sa CRAM. Balak muna namin mamasyal. Alam mo na, mommy and daughter bonding."

"I am glad that you are enjoying your life instead of being miserable. Mason is surely happy, wherever he is."

"Sir Arcane Lord, may balita ka ba sa kay Sage at Rei Elizalde?"

"It is safe to assume that they survived their journey to The Void. They are freaking immortal Guardians after all. As for Mason's whereabouts, I hate to break it to you, but I don't think any human can survive that wicked place."

Mukhang alam na ni Riku na Guardians sila Sage at Rei. Sa pagkakaalam ko ay kapatid ang pakilala ni Mason sa kanilang dalawa.

"Sir Arcane Lord, Mason is not exactly human."

"I know and that is also the reason why I am here."

Ipinakita sa akin ni Riku ang isang bilog na compass na gawa sa ginto. Mukhang makaluma na ito at may mga simbolo na ngayon ko lang nakita.

"This is an ancient compass dated back to the time of Genghis Khan in Mongolia. One of his dark sorcerers owns this compass."

"So powered po 'yan ng dark magic?"

"The Dark Magic in you is mostly gone, but you still possess the Magic Nullification ability. You can use this instrument safely."

"Compass po ito? Ano pong gagawin nito? Ituturo ba niya kung nasaan si Mason?"

"It will point you to the place that you desired most. It is like a sophisticated version of a locator spell. It will transport you to a place and time where you want to be. "

"Sir Arcane Lord, mukhang delikadong shit ang gagawin natin. Alam natin na wala dito sa mundo si Mason. Paano kung ituro ako nitong magical compass sa The Void? Paano kung hindi ako makabalik? Mason sacrificed his life to save me. I don't think he will be happy to see me in The Void."

"Mason is not in The Void. I tried to use this and he was stuck somewhere in the 19th or 20th century during the time of President Manuel L. Quezon. I want you to travel through space and time to save him."

"Baka po nakakalimutan niyo, Magic Nullification lang ang alam ko? Wala nga ako alam sa mga elemental magic."

"Little dark witch, do you know what is the most powerful kind of magic?"

"Light and Dark magic?"

"The magic of love. You also have a dormant Werewolf power. There is no one who can save Mason, but you."

Isang malaking kalokohan ang sinasabi ng Arcane Lord, pero kung may gahibla na pag-asa para makita ko si Mason, gagawin ko.

Ang Boyfriend Kong Black SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon