CHAPTER 79 - MONS

1.1K 116 2
                                    

POV REI


UMABOT din ng ilang araw ako dito sa panahon ni Prinsipe Isagani at hindi ko inaasahan na maka kaharap ko ang mga witches ng Razenstein Coven. Buti na lang at kasama ko ang Alagad ni Bathala dahil may super powers siya.

Ipinagtapat ko din kay Prinsipe Isagani na nagmula ako sa hinaharap at ako ang kanyang future wife na hindi niya type. Kahit hindi kapani-paniwala ang mga sinabi ko ay nagtiwala pa rin siya sa akin.

Karamihan sa mga dark witches ay natalo ni Prinsipe Isagani, pero marami pa din ang nakatakas. Pagkatapos ng kanilang mainit na labanan ay lumabas ang isang portal sa harapan namin. Sigurado ako na ito na ang magdadala sa akin sa kasalukuyang panahon.

Pagpasok ko sa portal ay lumabas ako sa isang beach shore, pero imbes na fine sand ang tinatapakan ko ay puro mga bato. Napansin ko din ang puting chalk cliff na bumabaybay sa coast line.

"Holdap 'to. Huwag kang kikilos kung ayaw mo masaktan."

Isang boses ng lalaki ang narinig ko. Napa-iling na lang ako nang maramdaman ko ang harapan nito na nakadikit sa likuran ko.

"Seryoso? Anong weapon mo? Ang hard pet mo?"

"I am glad you felt it. I missed you, babe," sabi ni Sage na biglang niyakap ako at hinalikan ang leeg ko habang nakatalikod ako sa kanya.

"Napunta ako sa panahon ni Prinsipe Isagani. Ang hot mo kapag suot mo ang damit mo na kita ang abs."

"Hot naman ako noon hanggang ngayon. Huwag mo sabihin na pinagsamantalahan mo ko bilang si Prinsipe Isagani?"

"Nope, he just kissed me once. Sa gitna pa ng gubat at may waterfalls pa sa background. In fairness, ang sweet mo."

"I guess Prinsipe Isagani will always be attracted to you, babe. We are connected whether we are in the past, in the present or in the future. Can you feel our connection right now?" tanong ni Sage na mas lalong humigpit ang yakap sa akin.

"Ibang connection ata ang sinasabi mo eh. Teka, saan ka nagpunta? Saka nasaan si Mason?"

Humarap ako kay Sage at niyakap din siya. Na-miss ko din ang asawa ko habang ilang araw ako nasa pre-Spanish era.

"Kadarating ko lang din dito. Napunta ko sa panahon na buntis ka pa sa triplets. You were seducing me. You were a horny pregnant wife. Damn, I missed your sexy dance number."

"Sexy dance number? Eh mukha akong butete noong buntis ako ah---"

Biglang may lumitaw na portal at lumabas doon si Mason at si Hailey. Napakunot ang noo ko nang makita ko na walang damit pang itaas si Mason.

"Don't tell me that you were in the middle of something when the portal appeared?" tanong ni Sage kay Mason.

"The timing was great!" inis na sagot nito.

Nakahawak ang kamay niya kay Hailey at namumula ang mukha nito. Siguradong istorbo sa kanila ang pagdating ng mahiwagang portal.

"Teka, bakit kasama mo si Hailey? Hindi ba iniwan natin siya sa Point Nemo?" tanong ko kay Mason.

"Mom, more than six months have already passed here on earth. Graduate na si Hailey."

Nagsimulang magkwento si Mason tungkol sa Mongolian artifact na ibinigay ng Arcane Lord kay Hailey para puntahan siya sa nakaraan.

"Eh nasaan ba tayo ngayon?" tanong ko sa kanila.

"Mons Klint in Denmark. We are facing the Baltic Sea," sagot ni Sage sabay turo sa chalk cliff at sa dagat.

Ang Boyfriend Kong Black SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon