CHAPTER 12 - GAP

1.4K 132 7
                                    

POV HAILEY


HINILA ni Mason ang bewang ko papalapit sa kanya at bigla akong napakapit muli sa dibdib niya. Alam ko na ang sunod na mangyayari. Darating ang kanyang black smoke at eto na ang sign na magteteleport kami, pero lumipas ang ilang segundo at nanatili kaming nakatayo sa gitna ng kagubatan. Nakatitig lang siya sa akin na parang pinag-aaralan lahat ng features ng mukha ko.

"May pupuntahan ba tayo or maghaharutan lang tayo dito sa gitna ng gubat?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Kung maghaharutan tayo, bakit sa gubat? My house is more comfy."

"So saan nga tayo pupunta? Kanina ka pa nakatingin sa akin eh. Feeling ko tuloy ang ganda ko."

"Feeling mo ang ganda mo? Why, Hailey? Do you see yourself as someone who is ugly?"

"Wala naman nanliligaw sa akin. Alam ko din na hindi ako pang-beauty queen. Hindi naman ako panget, pero pakiramdam ko hindi ako maganda."

"You're beautiful, don't ever forget that," mahinang sabi ni Mason sabay hawak sa chin ko.

Biglang lumitaw ang kakaibang itim na usok paikot sa amin. Kung kanina ay nakapikit ako, ngayon ay nakatingin lang ako sa maamong mata ni Mason, my official boyfriend.

Nang mawala ang usok, wala na kami sa gubat ni Mason, pero nasa isang mataas na parte kami ng bundok kung saan tanaw ang Aquamarine Castle sa gitna ng lawa. Tanaw din mula dito ang mga ice-covered mountains na nagsisilbing background ng castle.

"Hailey, there is something that you need to know," sabi ni Mason na habang nakatangin sa malayong Aquamarine Castle.

"Tungkol saan?"

"About you, the real you."

"Akala ko ba evil witch ako na pwedeng mag-cause ng commotion sa mundo ng mga tao at mundo ng magic. Meron pa ba ko dapat malaman---"

Hindi ko na natapos ang tanong ko dahil biglang napalibutan na naman ako ng maitim na usok. Kasabay nito ang pagbuhos ng sari saring alaala.

Mga alaala na tila nabaon sa limot at ngayon lang lumilitaw.

Bigla ko naalala na isa sa nga pala akong mamamatay tao courtesy of my evil hand. Bigla kong naalala lahat ng mga pinaslang ko. Bigla akong napatingin kay Mason.

Si Mason at ang lalaki na huling pinatay ko sa university ay iisa.

Pakiramdam ko ay nanghihina ako dahil sa mga alaala ko. Ang daming dugo na dumanak dahil sa akin. Kahit alam ko na masamang tao ang aking pinatay, hindi ko pa rin maiwasan ang manghina. Napaupo ako sa damuhan dahil sa aking malagim na nakaraan.

"Mason, bakit ngayon ko lang naalala ang lahat? May memory gap na ba ako?"

"Ako ang nagtanggal ng memorya mo. I want to somehow protect you as I am not sure if your power is caused by your connection to Gresilda or by something else."

"Something else?"

"I tried to absorb your power and I felt there is something wrong about it."

"Mason, pumapatay ako ng tao noon. I can vividly remember their blood spilling in front of me. Of course, everything feels wrong about it!"

"I was a wicked creature before, Hailey. I know a thing or two about pure evil. And I know your power is not only caused by Dark Magic, there is something else I cannot explain about it."

"Mason, natatakot ako. Paano kung maging super villain nga ako? Paano kung magkaroon ako ng sungay at black wings tulad ni Maleficent? Paano kung mawalan ako ng ilong tulad ni Voldemort!"

"I can easily kill you. Just let me know if you are ready to die."

"I am serious! Anong gagawin ko? Ayoko pumatay ng tao. Ayoko din na may masaktan dahil sa akin."

"You are safe for now. As long as you are under my protection, you are safe. Provost Hagel Bohr assured me that he will also take good care of you. Sa ngayon, learn how to control magic in your mind and in your body. CRAM school will teach you everything," sabi ni Mason na bigla ako hinila patayo sa damuhan.

"Ilang buwan ako dito?"

"Just two months. Babalik tayo sa university niyo pagkatapos ng dalawang buwan."

"Pero boyfriend pa rin kita ah? Ayoko ng break-up agad. Gusto maranasan ang makipag date sa boyfriend bago ko mamatay na isang kontra-bida witch."

Tumango lang si Mason. Wala naman ako super powers sa ngayon, pero kung totoo ang sinasabi niya na ako ang Ultima Incantatrix, sigurado na maraming magbabanta sa buhay ko.

Sigurado na kung mangyayari 'yon, may mga taong masasaktan dahil sa akin.

Ang Boyfriend Kong Black SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon