CHAPTER 35 - YULIA

1.1K 115 11
                                    

POV HAILEY


DALAWANG beses sa isang linggo ang subject ko na Dark Magic under kay Mason. Kadalasan ay sa Aquamarine Dungeon ginaganap ang klase namin. Binibigyan din niya ako ng mga advance lessons dahil mas kailangan ko daw ito sa lahat ng mga estudyante dito.

"OMG! Yulia Kushnir is here?" tanong ni Rayah kay Xyder habang kumakain kami sa Twister Hall.

"Where is Madam Yulia?"

"As expected, kasama ni Uncle Mason. I thought they were over? Why are they still together?"

"Over? Together? Who is Yulia Kushnir?" bulong ko kay Rayah.

"Well, baby. Siya lang naman ang older sister ni Mykyta Kushnir at siya din ang current Provost ng wizard school sa Japan. Sa pagkakaalam ko, ex siya ni Uncle Mason. Never naman akong naging boto diyan. I think she is a biatch just like Mykyta."

Hinanap ko agad ang babaeng kasama ni Mason sa table. She looks older, probably nasa late thirties na. She has a straight black hair na hanggang balikat. An angled bob haircut that makes her look like an intimidating fashion model.

"Ex ni Mason?"

"They have been together for months. Casual dating and I guess some fucking. I don't know and I don't want to know. I don't like her and her sister, period," inis na sabi ni Rayah.

Hindi ko alam kung bakit nandito si Yulia Kushnir at hindi ko din alam kung bakit mas nakakainis malaman kung sino ang ex ni Mason sa ibang tao pa.

Ilang linggo na din ako dito sa CRAM at madalas ang bonding namin ni Mason. Though alam ko na hindi naman niya sineseryoso ang pagiging boyfriend ko dahil bata pa ang turing niya sa akin, palagi kaming magkasama kapag weekends sa cabin niya.

Pagtapos din ng klase ko ay nagkikita kami sa likuran ng CRAM building para sa one on one lessons tungkol sa Dark Magic na parang isang after-class date by the lake.

"But why is she here? May Muling Ibalik moment ba sila ni Professor Mason?" tanong ni Xyder kay Rayah.

"Not gonna happen. I will not allow it to happen," sabi ni Rayah sabay kindat sa akin.

Pagkatapos ng hapunan namin ay nagmadali ako pumunta ko CRAM library. Habang naghihintay ng elevator ay nakasabay ko si Thade Elizalde. Madalas palagi ito sa library. Mukhang may balak siya basahin ang lahat ng libro dito.

"Bakit ka nagmamadali? Saan ka pupunta?" tanong ni Thade sa akin dahil mabilis akong lumabas ng Twister Hall pagkatapos kumain.

"Thade, naalala mo 'yong fiction book na tungkol sa grandparents mo? The Mummy Vampire book?"

"Yeah, nabasa mo na ba pati 'yong book two The Supernatural Hunter na ibinigay ko sa'yo?"

"Nabasa ko na 'yong dalawa, pero hinahanap ko 'yong pangatlo, The Demon King. Hindi ko mahanap kaya magbabakasakali ako na makita ko uli sa library."

"You can't find it. I used my CRAM Rep key to borrow that. Special books 'yon na hindi available sa ibang students."

"I think I need to read the third book. Hindi ko lang naasikaso dahil marami akong assignments."

"Why? Because of Uncle Mason?"

Tumango lang ako kay Thade. Nasabi na niya sa akin na ang Book 3 ng fantasy book ay tungkol sa kanyang grandfather na si Jared Elizalde, pero nandoon din daw ang bahagyang story ng kanyang Uncle Mason.

"You like him, don't you?" tanong ni Thade pagpasok namin sa mismong library.

"H-ha?"

"Madalas mo kasama si Uncle Mason sa likod ng CRAM school, malapit sa lake port. You are both holding each other's hands. Of course he tried some cloaking spell to hide your date by the lake, but I was able to see right through it. The power of Elizalde's blood," sabi niya sabay kindat sa akin habang nagta-type sa isang library terminal.

"Uhmmm. He's just being nice to me---"

"It is okay, Hailey. I don't judge you. Matanda na ang Uncle Mason at hindi ka na din naman minor. I am rooting for your love team. At maganda at pogi ang lahi namin, hindi ka magsisisi."

"Thade, we are not really together. I just asked Mason to be my boyfriend in exchange of studying here. Hindi ko din naman inaasahan na papayag siya. Parang isang biro lang sa amin 'yon. At saka, mukhang nagkabalikan na ata sila ng ex niya, si Yulia Kushnir."

"I don't think so. Tingin ko ay may problema sa wizard school sa Japan kaya siya nandito. She is possibly asking Uncle Mason's help. Huwag mo isipin 'yon," sabi niya sabay bigay sa akin ng libro.

"Ito na ba ang book 3? Si Mason ba ay naging Demon King?"

"My great grandfather Sage Elizalde is the original demon king. My grandfather Jared Elizalde inherited some of his attributes as the demon king. You will love this story, Uncle Mason is cool here."

Sabay kami na lumabas ni Thade ng library. Madalas daw siya sa library dahil mabilis siyang magbasa ng libro at natatandaan daw niya lahat ng nakasulat dito.

"Hey Thade. About doon sa nakita mo sa likod ng CRAM building? Yong kasama ko si Mason---"

"Again, Hailey. I don't see any problem with that. Kung boyfriend mo si Uncle Mason whether biro or hindi, I will support both of you. And I don't think papayag si Uncle Mason sa offer mo kung biro lang ito sa kanya. Just be careful."

"B-bakit?"

"We are known for being gorgeous and sexy perverts."

Sabay kaming tumawa ni Thade dahil sa sinabi niya. Mukhang bagay nga ako sa pamilya nila dahil nasasaniban na ako ng perverted spirit nila.

It is nice to have support from Rayah Elizalde and Thade Elizalde, but I don't think I can face Mason after her reconciliation with Yulia.

Ang Boyfriend Kong Black SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon