POV HAILEY
BAKAS sa mukha ng lalaki ang pag-aalala nang mapansin niya na nanginginig ang kamay ko.
Ikaw ba naman ay makakita ng tao na nanginginig ang kamay, hindi ba at mag-aalala ka rin?
"Miss, are you okay?"
"I am fine."
"Sigurado ka, Miss? Namumutla ka," sabi ng lalaki sabay hawak sa balikat ko.
Mabilis kong tinulak ang kamay niya palayo sa akin. Alam ko na ang susunod na mangyayari. The black steam will come out of my hand and kill this man. Ayoko siyang patayin dahil hindi ko siya kilala. Idagdag pa na ang yummy niya.
Tsk! Malaki siyang kawalan sa mga kababaihan kung papatayin ko lang siya!
"Sigurado ako kaya umalis ka na!" sigaw ko sa kanya sabay hakbang palayo sa kanya.
"May problema ba? You are shaking. Gusto mo samahan kita?"
"No! Leave me alone!"
Alam ko na mabuti ang intensyon ng lalaki sa akin. Gusto niya lang akong tulungan dahil nanginginig ang katawan ko at tumatagaktak ang pawis ko na parang may mataas akong lagnat.
Sa totoo lang, dapat matakot siya kasi mukha akong Patient Zero sa isang zombie apocalypse, pero gusto pa rin niya akong tulungan.
"Miss, I am sorry, but I won't leave you. You don't look good. Baka mag-collapse ka dito sa park. Walang tao na tutulong sa'yo."
"Thank you for your concern, but you really need go. Kapag hindi ka pa umalis, papatayin ka ng kamay ko!"
A swirling black smoke suddenly came out of my palm. Umikot ito sa lalaki na parang naghihintay ng best timing kung kailan niya papatayin ang lalaki.
"Not bad," casual na sabi ng lalaki sa harapan ko.
Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging reaction niya. Dapat ay magulat siya or matakot siya dahil sa paglabas ng aking partner in crime na black smoke, pero mukhang inaasahan na niya ito.
Kung kanina ay nag-aalala siya sa akin, ngayon ay nagbago ang facial reaction niya. I am now facing an emotionless man, parang isang coldblooded killer. Bigla kong naramdaman na naman ang kakaibang pwersa sa palad ko.
I can feel the thirst to kill this man.
"Who are you?" tanong ko sa kanya.
"Hailey Shade Diaz, you have ninety nine confirmed kills. I want to know if I will be your one hundredth casualty."
Hindi ko kilala ang lalaking ito. Posible na isa siyang CIA or FBI na matagal na akong hinahanap. He may also be another vigilante killer who saw me as his direct competitor. Hindi coincidence ang pagtatagpo namin dito.
He knows that I am here.
I am always careful when it comes to covering my tracks. Kahit ang ginagamit kong motor ay walang lisensya at nakatago sa isang abandoned factory building. Sinisigurado ko din na walang camera sa mga daan na ginagamit ko.
Umikot ang itim na usok sa lalaki. Normally, the black smoke will materialize as a weapon.
A spear, a long sword, an arrow, depende sa trip niya sa buhay.
Madalas wala na akong control sa mga pangyayari. The black smoke alone will do all the killing on my behalf. But this time, the smoke just swirled around this man na parang friends sila.
"Hindi kita kilala, but if you still value your life, please leave me alone," nakikiusap kong sabi sa kanya.
I don't want to kill anyone especially if I don't know his or her background story, but the urge to take his life is more powerful.
"Hoy pogi, kung sino ka man, you have to run now!"
"Why would I do that?" taas kilay niyang tanong sa akin.
"My hand is capable of killing you in an instant! I can absorb your life force and you will die within seconds! Ayokong gawin sa'yo ang mga bagay na 'yon kaya nakikiusap ako na umalis ka na!"
"Ngayon lang tayo nagkita, may malasakit ka na agad sa akin? Am I really that dashing? Huwag mo sabihin na believer ka na ng love at first sight."
"Mamamatay ka na nga, mahangin ka pa?"
"If I will die in your hands, I will be more than happy to be your gorgeous fatality."
I just rolled my eyes with this remarks. Wala ata na sense of danger ang lalaking ito. Hindi niya alam na seryoso ako sa sinasabi ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit nag-aalala ako sa mangyayari sa kanya. Siguro masyado siyang sexy at nakakahinayang kung magiging dead meat lang siya sa kamay ko. Siguro dahil ayoko din pumatay ng isang government agent kung CIA or FBI man siya.
Naramdaman ko na lang ang mga paa ko na lumalakad papalapit sa kanya. The man remained passive as I walked closer to him. Dahan dahan na gumalaw ang kamay ko at hinawakan siya sa braso.
His body uncontrollably convulsed and within seconds, all I can see is his lifeless body on the ground.
My one hundredth victim...
Buong gabi akong umiyak dahil sa nangyari. Madalas kasi mga masama na tao lang ang pinapatay ng kamay ko, pero this time, isang estranghero ang pinatay ko.
Hindi lumabas sa balita ang nangyari sa likod ng library. Siguro pinagtakpan ng university ang krimen na naganap sa loob ng campus or isang government agent ang napaslang ko.
For weeks, I was haunted by his death. He knows that I am a murderer, and yet I saw no signs of fear in him. He was a puzzle that had no solution. A mystery that is lost forever.
Binalot ako ng takot dahil baka may dumampot sa akin na mga international police, pero nakapagtataka na pagkatapos ng nangyari, nawala din ang kakaibang uhaw ko para pumatay ng tao.
I am happy to announce na sa loob ng ilang taon, tumigil na ang mga bloody nocturnal activities ko.
Pero nanatili akong puno ng galit sa mundo. Kung pwede lang awayin ko lahat ng kakilala ko, gagawin ko.
Naging boring uli ang buhay ko dahil walang remarkable na pangyayari tuwing gabi. Kahit papaano, nagpapasalamat na din ako dahil nawala ang kakaibang elemento sa kamay ko, pero aaminin ko, na-miss ko ang buhay ko bilang isang vigilante sa gabi na feeling hero.
Kasabay ng paglipas ng panahon ay tila nabura ang alaala ko tungkol sa mga ginawa kong pagpatay. Hanggang sa dumating ang isang araw, wala na akong maalala tungkol dito...
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Black Smoke
Fantasy[Completed - Book 4] My name is Hailey Shade Diaz. Ang dati kong tahimik at normal na buhay ay biglang nagbago nang maging number one most wanted killer ako sa mundo ng salamangka. Sa isang iglap, isa na akong famous villain ng mga witches and wizar...