POV HAILEY
MASON ELIZALDE, Professor of Dark Arts and my boyfriend. Kung ganito talaga ang magiging kapalaran ko, tatanggapin ko basta kasama ko ang instant boyfriend ko na si Mason.
Habang naglalakad kami sa gubat pabalik sa bahay niya ay ipinaliwanag ni Mason sa akin kung sino si Celina Renard, ang founder ng CRAM.
Isa daw itong prinsesa noong medieval period. Her queen mother faked her death to protect her and to send her to Copenhagen, to a hidden school of witches. Ang isang maliit na paaralan ay unti unting lumaki hanggang naisipan ni Celina na magtayo ng CRAM.
"Celina Renard is known as the most powerful White White in the history of witches and wizardry. Well, technically, it was my sister Julia Maddison Elizalde," sabi ni Mason habang nakahawak pa rin ako sa kanyang braso.
"How about your mother? White Witch din ba siya?"
"Yes, just like Rayah, she was the Punong Babaylan, but then she used all of her power to save my father, so she became a mere mortal."
"Ang sabi mo immortals din ang parents mo. Nasaan sila?"
"I am not sure where exactly they are, but they are travelling to different worlds. They are the example of people who can use Light Magic. They are no longer humans. They are now called Guardians."
Nang makabalik kami ni Mason sa bahay niya at inilabas niya ang isang baby blue na luggage bag. Binuksan niya ito at may laman itong mga colorful metallic pouch na parang mga lagayan ng mga make-up.
"Nandito lahat ng gamit mo. Simula mamaya, sa CRAM ka na matutulog. I will only pick you up during weekends," sabi ni Mason at inilabas ang isang kulay metallic pink na pouch.
Nang binuksan niya ito ay bigla itong lumaki na parang isang pink gym bag. Sinilip ko ang bag at may laman itong mga damit. Sigurado ako na hindi ko ito damit dahil brand new lahat ito."
"Wow magic! Amazing ah? Ikaw ba bumili nito?"
Tumango lang ito at binuksan naman ang isang metallic blue na pouch. Tulad ng nangyari kanina, lumaki ang pouch at naging isang bag. May laman itong mga gray na skirt at dark blue na coat.
"May uniform sa CRAM? Bakit skirt? Ang ikli nito ah?" tanong ko habang hinahalungkat ang three-piece uniform.
"The uniform is paired with knee-high socks."
"Uniform na parang sa anime at sa mga Korean novela? Ay astig!"
"Just close the bag and it will revert back to its compact size. The other pouches contain almost everything you need. Girly stuff that I found in your room."
"In my room? Nakapasok ka na sa kwarto ko?"
"Part of my mission is to learn everything about you. Sneaking inside your room is included. Rayah is the one who helped me with this stuff."
Pagbukas ko ng isang bag, may laman itong mga sexy underwears at sleepwear na mula sa isang kilalang lingerie and clothing store. Inangat ko ang isang pink lacey panty at ipinakita kay Mason.
"I don't think kaya ko itong isuot. Hindi ata matatakpan ang pisngi ng pwetmalu ko dito."
"You have to deal with it for the next two months."
"Saka masyadong mahal ito ah? Mayaman naman kami, pero hindi ako bibili ng ganitong mamahalin ng undergarments."
"Your boyfriend is rich. Again, you have to deal with it."
Hindi ko maipaliwanag ang excitement na nararamdaman ko sa ngayon. Buong buhay ko, gusto ko na maging special, maging isang extra ordinary. At ngayon nandito na ko sa CRAM, mukhang matutupad na ang mga pangarap ko.
Bilang isang super villain witch nga lang...
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Black Smoke
Fantasy[Completed - Book 4] My name is Hailey Shade Diaz. Ang dati kong tahimik at normal na buhay ay biglang nagbago nang maging number one most wanted killer ako sa mundo ng salamangka. Sa isang iglap, isa na akong famous villain ng mga witches and wizar...