CHAPTER 70 - TONDO

1K 110 14
                                    

POV REI


UNLIKE Sage Elizalde, the Prinsipe Isagani in front of me is courteous. Banayad magsalita at hindi isang bully. Pero sigurado ako na may tinatagong harot pa rin ang lalaking ito.

"Natanggap ko ang sulat mula sa Hari ng Tondo. Nabanggit nga niya na paparito ka gamit ang isang sasakyang pandagat," sabi ni Sage sa akin.

"Hari ng Tondo? Like Asiong Salonga?"

"Si Rajah Kariman na kasulukuyang namumuno sa Tondo? Hindi ba ikaw ang kanyang tagapayo? Nasabi niya na kailangan mo daw ang tulong ko bilang Alagad ni Bathala."

Kariman? Tunog pagkain?

"Si Rajah Kariman? Oo kilala ko 'yon, frenny ko 'yon. Close kami. Mars nga tawag niya sa akin eh. Madalas nga kami sa Mini Stop," sabi ko sabay hampas sa braso ni Sage.

"Kamusta ang mga ibang babaylan sa inyong lugar? Nabalitaan ko na pinapaslang daw ang mga babaylan isa isa? Ikinalulungot ko marinig ang masamang balita na ito."

"Pinapaslang? Like may psychopath killer ng mga babaylan?"

Kanina Aswang, ngayon naman may pumapatay ng babaylan? Bakit ko pa kasi sinabi na babaylan ako? Sana sinabi ko na lang na asawa ko ni Sage sa ibang mundo!

"Uhmmm Prinsipe Isagani, sino ang tingin mo ba pumapaslang sa mga babaylan sa Tondo area?"

"Hindi ko alam, pero bilang Alagad ni Bathala, tungkulin ko na samahan ka sa Tondo. Hindi ka na dapat nag-abala pa na pumunta dito. Ako naman ay kusang loob na pupunta sa'yo."

"Ang sweet mo naman. Pwede bang pa-kiss?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala! Ang sabi ko kamukha mo ang asawa ko," sabi ko kay Sage sabay haplos uli sa braso niya, pero mabilis niya itong pinigilan.

"Paumanhin mahal na babaylan."

"Bakit ayaw mo na hinahaplos ko ang muscles mo?"

"Ikinatutuwa ko ang iyong interest sa akin, pero patawarin mo ako. Hindi ikaw ang aking tipo."

Hindi ako ang iyong tipo? Hindi mo ko type? Wala ka talagang score sa akin, Sage! Kagigil ka!

Nagbuntong hininga lang ako dahil ginagalit ako ni Sage sa katauhan ni Prinsipe Isagani. Nasa past na nga kami, hindi pa rin niya ako type.

"Isang karangalan ang pagpunta mo dito. Pwede ba malaman ang iyong tunay ngalan?"

"Reichel Manahan Elizalde. Asawa ni Sage Elizalde. Tawagin mo akong Babe for short," nakangiti ko na sagot sa kanya.

"Babe. Kakaiba ngunit napaka ganda ang iyong palayaw. Mabuti siguro na maipakilala kita sa aking ina at ama bago tayo pumunta sa Tondo. Sigurado ako na matutuwa sila sa pagdating mo dito."

"Finally! In laws in the flesh! Let us go, Prinsipe Isagani. I want to meet my father in law and mother in law."

Dinala ako ni Sage isang malaking bahay kubo. Marahil ito ang bahay ni Rajah Gatlan at Reyna Araya.

"Ama, ikinagagalak kong ipakilala ang ma-alamat na babaylan na nagmula Tondo. Ang makapangyarihan na taga payo ng Rajah. Si Babe," nakangiti na sabi Sage.

Tila na starstruck ako nang makita ko si Rajah Gatlan. Makisig at magandang lalaki ito tulad ni Sage. Kahit si Reyna Araya ay napakaganda din.

"Hi po. Nice to meet you po, mommy and daddy," nakangiti ko na bati sa kanila.

"Kailan ba kayo maglalakbay papuntang Tondo, Isagani?" tanong ni Rajah Gatlan.

"Maliwanag pa naman. Pwede na kaming maglakbay ngayon."

"Wait lang, mahal na prinsipe ah? Nasa kabundukan tayo 'di ba? Somewhere in Baguio ang kingdom ng daddy mo? Paano tayo makakapunta sa Tondo? Mag-lalakad tayo mula dito papunta sa Manila? Wala pang SCTEX ngayon! Aabutin tayo na next century!"

"May hukbong pandagat ang aking ama. Gagamitin natin ang isa sa kanyang mga bangka para marating ang Tondo."

Hindi ko alam kung paano kami makakapunta sa dagat dahil puro kabundukan ang lugar na ito, pero sumang-ayon na lang ako kay Sage. Wala naman ako magagawa kundi sumunod sa kanya.

"Babe, maglalakad tayo ng ilang oras pababa ng bundok. Bago sumapit ang dilim ay makakarating tayo sa ating hantungan," sabi ni Sage na inaayos ang tila isang leather bag.

"Hantungan? Like final resting place?"

"Ang lugar kung saan makakagamit tayo ng bangka pababa ng ilog. Ang pinuno na si Aquilino ay hinihintay tayo sa pantalan."

"Ah si Master Aqui na kamukha ni Richard Gomez? May kasama ba tayo sa ating adventure trip?"

"Tayong dalawa lang. Gusto mo ba na anyayahan ko si Magawen---"

"No no no! Ayoko kasama natin ang super lola ko! Alam ko na may hidden feelings ka sa kanya. Magseselos lang ako kapag sinama natin siya. Tayo na lang para solo kita."

Hindi ko alam kung naiintindihan ni Sage ang sinasabi ko, pero kadalasan ay nakakunot ang noo niya. Marahil ay hindi pa niya alam ang salitang Ingles.

Ang Boyfriend Kong Black SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon