CHAPTER 80 - CITADEL

1.1K 117 5
                                    

POV HAILEY


NAGLAKAD palayo sa amin ang daddy at mommy ni Mason. Sa isang kisap mata at bigla silang naglaho na parang bula.

"Mason, nasaan ang Citadel of the Sky dito? Makakapasok ba tayo?"

"I am a Professor of Dark Magic. Why are you doubting my capabilities?"

"Paano ako? Wala na akong powers."

"You no longer have Dark Magic, so sooner or later, your true powers will appear. Don't forget that you are also the descendant of Celina Renard."

Hinawakan ni Mason ang kamay ko at naglakad kami sa tabing dagat. Wala akong makita na kahit anong building dito kaya hindi ko alam kung saan ang sinasabing Citadel of the Sky. Habang naglalakad kami ay napansin ko ang isang maliit na kweba.

"Mason, doon ba tayo papasok?" sabay turo ko sa kweba.

"You were able to see the citadel entrance. It only means you have magic in you. Only magical people can see that entrance."

Pagpasok namin sa loob ay mukha lang itong normal na kweba na kadalasan matatagpuan sa dagat, pero nang lumabas kami sa kabilang dulo nito ay napunta kami sa mataas na bahagi ng bundok.

"That is the Citadel of the Sky. A tall building situated on top of the Sky Island," sabi ni Mason habang tinuturo ang isang dambuhalang floating island.

Napapalibutan ito ng mga ulap at lumulutang kaya siguro tinawag itong Sky Island. Hindi ko akalain na may tatambad sa amin na napaka laking isla. Ang Citadel of the Sky ay nasa gitna ng isla at napapalibutan din ng maraming puno na parang isang malawak na kagubatan.

"Mason, nasa ibang mundo ba tayo tulad ng sa CRAM?"

"Yes, three most powerful wizards created this place. The former Arcane Lords Maverick Lincoln, Shinjiro Nakamura who is the founder of SHINASM and Lark Bohr, the grandfather of the Provost Hagel Bohr."

"Mason, nasa tuktok tayo ng bundok. Paano tayo makakapunta diyan sa isla? Saka grabe, ang laki ng Sky Island!"

Sinilip ko kung gaano kami kataas pero hindi ko makita ang ilalim ng bundok dahil natatakpan ito ng makapal na ulap.

"The citadel guards will soon be here."

Wala pang isang sandali ay napansin ko agad ang isang sasakyan na palapit sa amin. Parang isang Jet Ski pero imbes na sa tubig ay sa hangin ito lumulutang.

"Welcome, Professor Mason Elizalde. What business do you have here?" tanong ng citadel guard.

Bumaba ito sa kanyang Jet Ski at lumapit sa amin. Ibinigay ni Mason ang palad niya dito. May itinapat itong isang glass scanner na mukhang Flippies. Kahit ang mata ni Mason ay ini-scan din nito. Siguro ay palm print at iris scanner ito para recorded lahat ng pumapasok dito.

"I have a former student here, Maiko Razon."

"She is still under trial. How about her?" tanong ng guard sabay senyas sa akin na ibigay ang kamay ko sa kanya.

"My fiancee. She was a good friend of the accused."

Napanganga ako sa sinabi ni Mason habang inii-scan ng citadel guard ang palad ko. Hindi ko na namalayan ang pagdating ng isang black yacht na parang isang motor boat na lumulutang din sa ulap.

"This is your ride, Professor Elizalde. I will lead the way," sabi ni citadel guard na nauna nang umalis sa amin.

Pagsakay namin sa yacht ay tila naglalakbay kami sa dagat, pero walang tubig kundi mga ulap. Ayoko sumilip muli dahil baka may monster dito na natatakpan ng ulap.

Ang Boyfriend Kong Black SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon