CHAPTER 3 - WAR

2.1K 162 27
                                    

POV MASON


HAILEY Shade Diaz. She was left in an orphanage when she was just a few days old, but a good Samaritan adopted her the same day.

Don Crisostomo Diaz. Isa sa pinaka kilalang businessman sa Palawan. Walang asawa at walang anak, pero naisipan niya ang maghanap ng tagapagmana sa araw kung kailan ipinanganak si Hailey Shade.

It sounds fishy as if Don Crisostomo was under some kind of a mind magic to adopt Hailey Shade. But I can no longer interrogate the old man himself.

Don Crisostomo died a year later leaving all of his fortune to her adopted daughter.

Lumaki si Hailey na kasama ang mga kasambahay ni Don Crisostomo. Ito ang kanyang naging pamilya. Ang kanyang Manong Ricardo, ang kanilang driver at si Manang Mercy, ang kusinera sa mansyon ang nagsilbi niyang mga magulang.

Hailey has an angelic face, but she also has a daredevil attitude. Whenever there is a school fight, Hailey always sees to it that she will be present. Parang naghahanap ng away palagi ang babaeng ito, isang warfreak.

"Hailey, si Catherine at si Coleen! Nasa rooftop kasama ni Ruth at ng mga Ruth Girls! Binubully na naman ata nila."

Ibinato ni Hailey Shade ang kanyang backpack sa desk at umakyat sa rooftop. Ganito ang buhay ni Hailey. Isang dakilang basagulera. Hindi ko alam kung galit siya sa mundo dahil wala siyang pamilya o epekto ito ng kapangyarihan niya.

"Hoy, Ruth! Ano na naman kahayupan ang ginagawa mo sa mga kaibigan ko?" sigaw ni Hailey na lumapit kay Ruth na isang leader ng mga bully sa school.

"Hailey Shade, ang lakas naman ng loob mo na pumunta dito na nag-iisa---"

Isang malakas na sampal agad ang pinakawalan ni Hailey na tumama sa mukha ni Ruth.

"Ruth, sinabi ko na ba na sumagot ka? I am still talking!"

"How dare you to---"

Another painful slap stopped Ruth from retaliating. I am not even mad with Hailey's physical assault. This is indeed amazing.

"Aba sumasagot ka pang hinayupak ka? Hoy Ruth! Nakikita mo ba ang bagong rubbershoes ko? Mararamdaman mo 'yan sa pisngi mo kapag hindi mo tinantanan ang mga kaibigan ko! Huwag mo ko inisin, puyat ako!"

"You will pay for this, Hailey! Girls, you know what to do!"

Limang babae ang kasama ni Ruth at handa na ang mga itong sumugod kay Hailey. Alam ko na lalaban si Hailey ng patayan sa mga ito.

She has nothing to lose. She loves the taste of pain. It makes her feel alive.

Pero hindi ko na hinayaan na mangyari ito. Bago pa makalapit ang mga babae sa kanya ay lumapit na agad ako sa kanila para pigilan sila. Napatigil si Ruth at ang kanyang limang kasamang babae nang dumating ako.

"Bakit kayo natulala? Nakakita ba kayo ng multo? Or nakita niyo bigla ang future niyo na basag ang mga mukha niyo?" sigaw ni Hailey sa kanila.

She is even cracking her knuckles as if she is warming up for a fight.

"That's enough, Hailey Shade. Come with me."

Tinignan ako ni Hailey mula ulo hanggang paa. I am not a teacher here and I definitely do not look like a student. She looked at me with disgust as I interrupted their impending bloodshed.

"Excuse me? Bakit ako sasama sa'yo? Guidance Counselor ka ba? Kung may kailangan man ng counseling, dapat ay si Ruth ang una sa listahan niyo kasama ng mga kampon niya! Impaktita 'yang babae na 'yan!"

Susugurin na naman ni Hailey si Ruth kaya mabilis ko siyang pinigilan. Tulad ng inaasahan ko ay umalma ito kaya mabilis ko siyang binuhat sa aking balikat at inilayo sa grupo ni Ruth.

"Ibaba mo ko ko, pogi! Saan mo ba ko dadalhin?"

"Kung sasabihin ko sa'yo kung saan tayo pupunta, sasama ka ba?"

"Siyempre naman! I mean, no! Saan ba tayo pupunta? Nahihilo ako! Ibaba mo ko!"

Hindi ko siya sinagot at mabilis ko siyang dinala sa isang vacant na classroom. Doon naghihintay ang kaibigan ko na si Kent Doherty, isang kapwa ko professor.

"Kent, she no longer remembers me or the brutal killings, but she has a fever. A black magic-induced fever. You have to heal her with your potion," sabi ko kay Kent at ibinaba si Hailey sa harapan niya.

"Mason, this will only last a few days. We need her inside CRAM."

"Few days is all I need. I am still preparing her stuff."

"Excuse me lang ha? Anong potion at black magic fever ang sinasabi niyo? Baka may balak kayo isali ako sa usapan niyo?"

Hinila ni Hailey ang braso ko paharap sa kanya para pansinin ko siya.

"At ikaw lalaking pogi na naka black suit, bakit mo ba ko dinala dito? Feeling mo may karapatan ka buhatin ako sa balikat mo as if isa akong bigas na Dinorado?"

Nginitian ko lang si Hailey. Mahigit ilang taon na din kami huling nagkita at hindi niya na ako naalala. Hindi niya alam na ako ang lalaking huli niyang pinaslang.

When I flashed my smile at her, she just stared at me with her slightly opened mouth as if she was starstruck with my alluring smile.

"The princess of darkness looks attracted to the prince of darkness. A perfect couple."

"Shut up, Kent. Use the damn potion now."

Kent waved his hand and Hailey immediately lost her consciousness in my arms. We used a potion to relieve her fever, but sooner or later, we need to take her away.

She is a danger to other students and a danger to herself.

Ang Boyfriend Kong Black SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon