POV REI
NAGULAT kami ni Sage nang biglang lumapit si Mason kay Hailey at hinablot ang batok nito. The next thing we know, hinahalikan na nito ang girlfriend niya sa harapan namin.
"That's my boy!" proud na sabi ni Sage sa biglaan na ginawa ni Mason.
"Sage, Mason is trying to---"
"I know. He is sucking up all her black magic. Mason has a higher chance of surviving that vicious world instead of Hailey. But we don't have much time. We have to leave now."
Nang matapos higupin ni Mason ang lahat ng dark magic ng Ultima Incantatrix ay lumapit kami ni Sage sa kanya. Sa isang iglap ay dinala namin siya sa The Void at naiwan si Hailey na tulala sa ibabaw ng shipdeck.
Sigurado ako na magagalit at malulungkot siya kapag napagtanto niya na wala na si Mason.
Dahil considered na mundo ng wicked creatures ang The Void, mabilis na sumabog dito ang napakalaking amount ng dark magic. Mabilis din namin nailikas si Mason bago pa kami maabutan ng pagsabog.
Nang makalabas kami ng The Void ay buong akala ko babalik kami muli sa Point Nemo, pero nakapagtataka na napunta ako sa isang damuhan na napapalibutan ng maraming puno.
"Sage! Mason!" sigaw ko habang tinatanggal ang mga dahon sa dami ko.
"Nasaan ba ko? Oh no! Baka nasa Jurassic Era ako! Baka may dinosaurs dito!"
Mabilis kong sinubukan ang aking kapangyarihan, pero tila wala akong Guardian powers dito. Kahit ang kapangyarihan ko ng Punong Babaylan noon ay hindi ko maramdam.
"Paking shit! Wala akong superpowers! Sana walang dinosaur please!"
Napalingon ako sa likod ko nang mapansin ko na may kumakaluskos sa may damuhan. Kung wala akong kapangyarihan, pwede ako mamatay dito.
Lumabas ang isang lalaki na nakasuot na color red na hanging blouse. Walang butones ang damit niya at kitang kita ang kanyang sexy abs.
"Mukhang naliligaw ka ata, binibini," sabi ng lalaki sa akin.
"Oo nga eh. Mukhang napadpad ako sa time ng mga dinosaur. Anong year na ba tayo?"
Hindi ako sinagot ng lalaki at nakakunot noo lang sa akin na parang hindi naiintindihan ang sinasabi ko. Lumapit ito sa akin at napasinghap ako nang makilala ko ang lalaki sa harapan ko.
"Matt? Matthias Wolf? What the fuck are you doing here? At bakit long hair ka?"
"Paano mo nalaman na Mateo ang ngalan ko?"
"OMG! Napunta ko sa time ni Prinsipe Isagani? This is so cool. Nasaan ang mahal kong prinsipe?"
"Paano mo nakilala si Prinsipe Isagani?"
"Jowa ko siya. Dalhin mo ko sa kanya."
"Mateo! Hinahanap ka ng mahal na Rajah Gatlan---"
Boses ng isang lalaki ang pumutol sa usapan namin ni Mateo. Napatigil ang lalaki nang makita niya ako. Kahit ako ay nagulat nang makita ko siya.
"Uncle Syl?" gulat ko na tanong sa kanya.
Tulad ni Matthias, makulay at makaluma ang damit ni Uncle Syl. May hawak pa siyang isang silver na sibat. Sabagay, leader nga pala siya ng army ni Rajah Gatlan.
"Ikaw ba ang babaylan na mula sa Tondo?" tanong ni Uncle Syl sa akin.
"Tondo? Teka, taga Taguig kami ni Sage."
"Ang iyong kwintas ay katulad ng suot ng ma-alamat na Babaylan ng Tondo."
Pagtingin ko sa dibdib ko ay suot ko pink diamond necklace na bigay sa akin ni Sage. Binili niya ito sa akin pagkatapos namin pumunta sa Kalingayan Village.
"Ako nga ang super power babaylan ng Tondo. Nasaan ang mahal na prinsipe? Gusto ko siyang makausap."
Masunurin naman si Uncle Syl at dinala ako kung nasaan si Sage. Mukhang naniniwala naman siya na isa akong babaylan.
"Pinunong Silawin, nagsasalita siya ng kakaibang lenggwahe," bulong ni Matthias kay Uncle Syl.
"Marahil mga salitang babaylan lang ang nakakaalam."
"Ilang ulit niyang binanggit ang salitang daynosor. Pakiramdam ko ay takot siya dito na parang isang halimaw. Baka ito ang napapabalita na mga halimaw sa kabundukan na kumakain ng mga tao."
"Wait lang! I am sorry to interrupt. May halimaw dito na kumakain ng tao?" tanong ko sabay lunok dahil wala akong nabasa na ganitong kuwento sa makalumang libro ng mga babaylan noon.
"Ang haka haka ng iba ay kumakain ito ng laman loob ng tao tuwing gabi. Wala pa naman silang napapaslang, pero pare pareho ang patunay ng mga saksi."
"Mukhang isang Aswang ang tinutukoy mo, Matt. Shit, bakit may Aswang dito?"
Kung nandito si Sage, maaring napunta siya sa katawan ni Prinsipe Isagani. Siya ang kasalukuyang Alagad ni Bathala. Ang pinaka safest place sa lugar dito ay sa tabi niya.
Dinala ako ni Matthias at ni Uncle Syl sa isang lugar na overlooking. Nakita ko agad si Sage na naka-akbay sa isang babae. Base sa kanyang voluptous na katawan at magandang pananamit, ito siguro ang fiancee ni Sage noon na si Daliah.
"Si Daliah ba ang kasama ng mahal na prinsipe?" gigil na tanong ko kay Uncle Syl.
"Paano mo nakilala si Daliah?"
"Hindi ko siya kilala. Ang alam ko lang, voluptuous at sophisticated siya na anak ni isang Datu Puti Soy Sauce!"
Mabilis akong naglakad palapit kay Sage para istorbohin ang sweetness ni Sage at ni Daliah. Kahit nasa nakaraan kami ay mukhang pinapainit ng asawa ko ang ulo.
"Sage? Seriously? Nawala lang ako saglit, lampungan mode agad with your ex fiancee? Hindi ba iniwan ka niya noong maging vampire ka?"
Nakatingin lang sa akin si Sage na parang naguguluhan. Tumingin siya kay Silawin para humingi ng paliwanag. Mukhang si Prinsipe Isagani ang kaharap ko ngayon at hindi si Sage.
"Mahal na prinsipe, siya ang Babaylan ng Tondo," pakilala sa akin ni Uncle Syl.
"Ang ma-alamat na babaylan? Ikinagagalak kitang makilala. Salamat Silawin. Maari niyo muna kaming iwan ng babaylan."
Umalis si Matthias at si Uncle Syl kasama si Daliah. Naiwan kami ni Sage sa isang tila isang pahingahan na overlooking sa bundok.
"May maitutulong ba ko sa'yo, mahal na babaylan?" tanong ni Sage nang mapansin niya na nakatitig lang ako sa kanya.
"Ha? Ah eh, may naalala lang ako na kamukha mo."
"Siyang tunay? Sigurado ako na makisig din siya tulad ko."
"Makisig, magandang lalaki, matalino at kups."
"Kups?"
"Nevermind," sabi ko sabay haplos sa braso ni Sage dahil naka sleeveless ang kanyang damit.
Ngayon ko lang nakita ng harapan si Prinsipe Isagani at tulad ng unang kita ko kay Sage, nakaka humaling talaga ang lalaking ito.
Magagalit kaya si Sage kapag sinabi ko na type ko ang Prinsipe Isagani version siya?
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Black Smoke
Fantasy[Completed - Book 4] My name is Hailey Shade Diaz. Ang dati kong tahimik at normal na buhay ay biglang nagbago nang maging number one most wanted killer ako sa mundo ng salamangka. Sa isang iglap, isa na akong famous villain ng mga witches and wizar...