POV HAILEY
ITINAAS ni Ahabaddon ang kamay niya at biglang nagkaroon ng reddish ball of light sa kanyang kamay.
"Talaga ba? Red version ng Rasengan ni Naruto? Wala na nga kaming powers tapos magpapa-impress pa siya?" bulong ko kay Mason.
"What are you saying?"
"Papatayin din naman tayo ni Ahabaddon, overkill pa. Anong laban natin diyan sa Red Rasengan niya?"
Akala ko ay ibabato sa amin ni Ahabaddon ang red ball of light, pero tumama ito sa isang dark wizard sa aming likuran. Within seconds, the wizard was disintegrated into nothing. It seems that Ahabaddon is killing them one by one to absorb their dark powers.
Ahabaddon tried to hurl another powerful ball to the wizards behind us, pero hinarang ni Mason ang katawan niya para pigilan ito. Surprisingly, the red ball of light suddenly disappeared.
"Mason, bakit ka humaharang diyan? Paano kung maging toasted Mason ka? Wala na akong aasawahin."
"Hailey, I don't think Ahabaddon will kill us. They are looking for a more suitable vessel."
"Gagamitin nila ang katawan natin?"
"I am not sure yet, but it makes sense. My body is capable of handling immense dark magic without any side effects, while yours is also designed to contain evil magic. I think Ahabaddon and Jezebel will use us."
"Use us? As in ipo-possess nila ang katawan natin? Parang sa mga Exorcist movies? Shit katakot!"
"We can be their permanent vessels. Jezebel initially used Marichu's body and then transferred to Maiko. And now, I think she will use your body as a replacement vessel."
Kinuha ni Mason ang kamay ko at mabilis akong hinila paakyat ng hagdan. Buong akala ko ay mag gegenerate na naman si Ahabaddon ng kanyang reddish ball of light, pero ngumiti lang ito sa amin habang tumatakbo kami ni Mason palayo sa kanya.
"You can run, but you cannot definitely hide from me!"
Hinila ako ni Mason at hindi ko alam kung ilang steps ng hagdan na ang aming naakyat. Tumakbo kami papunta sa iba't ibang corridor at umakyat na naman sa panibagong mga hagdanan. Palagi akong nakatingin sa likuran para malaman kung may nakasunod sa amin, pero ang tangi kong naririnig ay ang kabog ng dibdib ko at ang echo ng halakhak ni Ahabaddon.
Huminto lang kami nang marating namin ang roof top ng Citadel of the Sky. Tanaw mula dito ang napalawak na gubat na nakapalibot sa buong tower. Ang kweba na pinasukan namin ay hindi ko na makita mula dito.
"Gaano kaya kalawak ang Sky Island? Kasing lawak ng Boracay Island?"
"I will personally measure every corner of this island for you if we can survive these dark wizards," sagot ni Mason sabay turo ng limang dark wizards na naka-akyat din sa rooftop.
"Five dark wizards versus two humans with no magical power? Ang unfair ng life!"
"I don't think they will kill us, but they will definitely bring us to their master. Wait, did you say two humans?"
"Oo, tayong dalawa. Huwag mo sabihin hindi tayo tao? Bagay tayo?" biro ko sa kanya.
"Hailey, you are not an ordinary human. We only purged your dark magic, but you have the blood of a demon, a witch and a werewolf."
"Eh wala nga tayong power dito."
"This place nullifies all forms of magic, even the dark magic of demons, but Werewolves do not use magic, Hailey. Their powers are called blessings. An ability provided by Guardian Raviael."
"Mason, are you expecting me to use my Werewolf ability? Kung meron man akong Werewolf power, sigurado ko na dormant 'yon. Ang alam ko lang na Werewolf skill ay sit, play dead and roll over."
Dahan dahan kaming umatras ni Mason dahil palapit sa amin ang mga dark wizards. Naramdaman namin ni Mason ang dulo ng pader ng rooftop. Kung tatalon kami ay siguradong patay din kami.
Dapat ay nullified ang powers ng mga dark wizards sa lugar na ito, pero marahil ay nakakagamit sila ng dark magic dahil sa glowing mark sa kanilang noo.
Ang marka ni Ahabaddon.
Naglakad palapit sa amin ang mga dark wizards, pero bago sila tuluyang nakalapit sa amin ay biglang humangin ng malakas. Pagtingin ko sa mga dark wizards ay nahati ang katawan nila sa gitna at tuluyan na naging abo.
"I am sorry, I am late. I need to prepare for my grand arrival."
Isang nakangiti na Riku Nakamura ang bumungad sa amin. Kulang na lang lumaki ang mata ko nang makita ko ang hawak niyang bluish sword na tila gawa sa yelo.
"Sir Arcane Lord? Magical ice sword ba ang hawak mo?"
"I created this ages ago and I have no idea that I will be able to use this in my lifetime."
"Teka po, paano po kayo nakabalik agad? Saka bakit po kayo may magical powers?"
"My little dark witch, you are in front of the Arcane Lord. I have used the blood of the founders to activate the emergency use of magic in the Citadel of the Sky. Ginaya ko lang din si Hagel."
Ipinaliwanag ng Arcane Lord kung paano siya nag-teleport papunta sa United States para makakuha ng dugo ng descendant ni Maverick Lincoln, ang isa sa mga founders ng Citadel of the Sky. Kahit ang nakababata na kapatid ni Provost Hagel Bohr ay pinuntahan din niya dahil descendant ito ng founder na si Lark Bohr.
"Thank you po for saving us, Sir Arcane Lord," nakangiti na sabi ko sa kanya.
"I am not here to save your asses. I am here to ask for your help."
"Help? Sir Arcane Lord, wala po kaming powers ni Mason dito sa Sky Island. Ang mga alagad lang ni Ahabaddon ang may access sa dark magic."
"We need to kill these dark wizards before they can get out of this place."
"Pero, Sir Arcane Lord. Kaya nga po sila nakakulong dito kasi ayaw niyo sila patayin. Tao pa din po sila."
"Not anymore," sagot niya sa akin sabay turo sa ilang dark witches at wizards na naka sunod sa amin sa rooftop.
Lahat sila ay may marka ni Ahabaddon sa noon at pula ang kanilang mga mata.
"Ahabaddon marked them. It means they made a pact with him and surrendered their souls. They are no longer human. They just transformed into demons. The Ords outside this plane will be in grave danger if these demons get out."
"Pero Sir Arcane Lord, paano po namin kayo matutulungan kung wala po kaming powers?"
"I will share my ability with the two of you. We will all share the same power for a short period of time. Mas mabuti na ito kaysa maging pabigat kayo sa akin."
"The Triad Magic?" tanong ni Mason sa kanya.
"That is right. There are two instances in history that the Triad Magic happened. The first one is when three powerful wizards joined their magic together to create the most powerful Chimies. The second one is when the founders created this place. The Triad Magic will evenly distribute the power among the three magicians for a limited time."
"Sir Arcane Lord, what is the catch po?"
"No catch, my little dark witch, but I guess the three of us will be beshies for life."
Hinawakan ni Riku ang kamay namin pareho ni Mason at binalot kami ng kakaibang liwanag na tatlo. Kahit ang kamay ko ay may sparkling glow. Ganito ang naramdaman ko noong una ako magkaroon ng dark magic, pero magaan sa pakiramdam ito hindi tulad noon na parang puno ako ng galit.
"Mason, my little dark witch is not yet trained for battle magic, but you are a professor, you are in charge with her. I have several dark minions to kill," sabi ng Arcane Lord na sumugod sa mga dark wizard na nag-aabang sa amin.
Gamit ang kanyang glowing ice sword ay mabilis na pinuntahan ng Arcane Lord ang mga dark wizards na nasa rooftop.
Mukhang mapapalaban kami ni Mason ng walang sa oras.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Black Smoke
Fantasy[Completed - Book 4] My name is Hailey Shade Diaz. Ang dati kong tahimik at normal na buhay ay biglang nagbago nang maging number one most wanted killer ako sa mundo ng salamangka. Sa isang iglap, isa na akong famous villain ng mga witches and wizar...