POV HAILEY
PAGMULAT ng mata ko ay nasa loob pa rin ako ng opisina ng Arcane Lord, pero wala akong kasama. Wala dito si Mason at kahit ang Arcane Lord. Pagtingin ko sa isang lumang salamin ay nandoon si Mason. Nakaupo siya sa isang upuan ng isang outdoor cafe at kasama niya ang Arcane Lord na si Riku Nakamura.
"What the fuck? Is that the Arcane Lord?"
Nilapit ko ang mukha ko sa salamin para kilalanin kung ang Arcane Lord talaga ang kasama niya. Naka-akbay kasi ito sa isang babae na ngayon ko lang nakita. Kulay blonde ang buhok nito ngayon. Hindi ko alam kung naka-wig siya o nagpakulay ng buhok.
Lakas ng trip ng Arcane Lord! In fairness, bagay!
Kahit si Mason ay may katabi din isang babae na isang foreigner. Nang bahagyang dumikit ang noo ko sa salamin ay bigla akong hinigop nito papasok. Sa isang iglap ay nasa isang kalsada na ako na may cafe restaurant sa kaliwa at kanan.
Nakita ko agad si Mason at ang Arcane Lord na mukhang nag-eenjoy kasama ng kanilang mga foreigners na friends. Nagmadali akong lumapit sa kanila dahil hindi ko alam kung nasa loob pa ba ako ng magical school sa Japan o nasa ibang lugar na ako.
"Hey pet. You are awake. How is your sleep?" nakangiti na tanong ni Mason.
"Nasaan tayo?"
"Bordeaux, France, my dark witch. Let me get some food for you. You are probably famished," sabi naman ng Arcane Lord sabay tawag sa isang waiter.
Ilan sandali pa ay lumapit ang waiter na may dalang iba't ibang pagkain. Hindi ko alam kung anong klase ito, pero dahil gutom na gutom na ako kaya nagsimula na akong kumain.
"Mason, nasa France tayo? As in Voulez-vous coucher avec moi ce soir?" bulong ko kay Mason habang hinihigop ang isang tila French lobster soup.
"I don't think you know what it means, Hailey."
"Iyon lang ang alam kong French sa kanta ng Lady Marmalade. At sino 'yang chicks na katabi mo?" tanong ko sa kanya sabay ngiti sa foreigner.
"Just another tourist here."
"At bakit nakahawak sa braso mo?"
"I don't know. I guess she is sweet," sagot niya sabay kindat sa akin.
"Well, tanggalin mo na ang kamay niya sa braso mo dahil pagkatapos ko kumain ay magiging sweet and sour siya kung hindi pa siya bibitaw sa'yo," nakangiti ko na sabi kay Mason na may kasamang gigil.
Ilang plato pa ng masarap na pagkain ang dumating sa table namin at lahat ng ito ay sinimulan ko kainin dahil sa sobrang gutom. Ang Arcane Lord naman na si Riku Nakamura ay mukhang intimate na sa katabi niyang foreigner dahil ilang beses ko na silang nakitang nagtutukaan.
"Enjoy your meal, my dark witch. I will be right back. Let us have our chit chat later," nakangiti na sabi ni Riku na biglang nagpaalam sa amin.
Nakayakap sa kanya ang babaeng foreigner na mukhang tipsy na sa kalasingan.
"My dark witch? Kailan pa niya ako naging dark witch?" tanong ko kay Mason.
"I guess we are seeing the other side of the Arcane Lord."
"Saan naman siya pupunta? Nevermind! Mukhang alam ko na! At ikaw, may balak ka ba paalisin sa tabi mo ang foreigner na kulay bangus na 'yan?"
"Puso mo, baka sumabog ka. Literally and figuratively."
May ibinulong si Mason sa babaeng foreigner at ngumiti lang ito sa amin at umalis.
"Anong sabi mo sa kanya? Bakit abot tenga ngiti ni Ate Foreigner?"
"I told her we will keep in touch. I will call her later tonight."
Kinuha ko ang isang kutsilyo at itinusok sa isang slice ng chocolate mousse cake sa harapan ko.
"Keep in touch? Later tonight?" gigil na tanong ko kay Mason.
"I am just kidding, Hailey. I told her that you are my wife and I don't want any trouble. Jeez, you are back to your warfreak mode. Your horny side is far better."
"Horny---"
Napatakip ako ng bibig nang maalala ko lahat ng ginawa ko kay Mason kanina. Sa pagkakaalala ko ay naghubad pa ako ng damit sa harapan niya. Buti na lang at hindi ko natanggal ang huling damit na tumatakip sa dibdib ko.
And damn! I even touched his tralala...
"No need to apologize. No offense taken. Come on, finish your food. May pag-uusapan kayo ng Arcane Lord."
"May energy pa ba siya makipag-usap sa akin pagkatapos niyang kumain ng foreign delight?"
Pagkatapos ko kumain ay niyaya ako ni Mason na maglakad sa tabing ilog para daw bumaba ang kinain ko. Ito daw ang tinatawag na Garonne River dito sa Bordeaux, France.
"Bakit mukhang close kayo ng Arcane Lord? Anong trip niyo at pumunta pa kayo dito sa France?"
"Hindi kami close."
"Hindi kayo close? Eh nadatnan ko nga kayo na may kasamang chicks pareho. Hoy Mason, baka nakakalimutan mo boyfriend kita. Kahit hindi totoo sa'yo ang relasyon natin, seryoso ako ha?"
Biglang napahinto sa paglalakad si Mason at napatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong nasabi ko, pero parang galit ang nasa mata niya.
Humakbang siya palapit sa akin, at dahan dahan naman ako lumayo sa kanya. Hindi ko na namalayan na tumama na ang likod ko sa railings na nagsisilbing harang papunta sa ilog at ikinulong ako sa pagitan ng kanyang dalawang braso.
"M-mason? Galit ba you?"
"Anong ibig mong sabihin na hindi totoo sa akin ang relasyon natin?" tanong ni Mason at tila lumalabas sa kanya ang itim na aura.
Shit! Nasapian yata si Mason ng evil black smoke! Baka itulak niya ako sa ilog! Hindi pa naman ako marunong lumangoy!
"Ano kasi, eh 'di ba pinilit lang naman kita?"
"Ako ba ang tipo ng tao na napipilit sa hindi ko gusto?"
"Malay ko ba kung napilitan ka lang dahil responsibilidad mo ko?"
"Why don't you brace yourself and find out?"
Dahan dahan na nilapit ni Mason ang mukha niya sa akin. Hindi ko alam kung lasing siya pero unti unti kong nararamdaman ang paglapit ng labi niya sa akin. Nagulat na lang ako nang biglang dumampi ang labi niya sa leeg ko.
"Are you feeling what I am feeling?" bulong ni Mason habang nakadikit ang labi niya sa tenga ko.
"Mason, anong ibig mong sabihin?"
"Nararamdaman mo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon?"
"Ano ba ang nararamdaman mo sa mga oras na ito? Hornyness?"
"Well, that is one, but I am referring to the small amount of dark magic that has been following us ever since we got here in the riverside. It is definitely not your black magic."
"Sigurado ka ba na sinusundan tayo?"
"I am not yet sure. It is possibly a witch or wizard who knows a thing or two about black magic. I don't know if he or she is following us, but we can try to find out."
"Find out by means of lampungan sa tabi ng ilog? Para tayong nag mamake out dito ah?"
"It is dark in here. No one can see us. Hug me to make it more convincing. I just need to know if someone is following us."
"Pwede ba ako mag moans?"
"Baliw! Anong moans sinasabi mo?"
"Sabi mo para mas convincing. Nagsu-suggest lang naman."
Sinunod ko naman si Mason at mabilis ko siyang niyakap. Sa totoo lang, wala naman ako maramdaman na sumusunod sa amin. Tulad nga ng sabi ko sa kanya noon, wala ata akong power.
Kung may black magic man ako, parang dormant ang power ko. Parang ang power lang nito ay sumabog.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Black Smoke
Fantasy[Completed - Book 4] My name is Hailey Shade Diaz. Ang dati kong tahimik at normal na buhay ay biglang nagbago nang maging number one most wanted killer ako sa mundo ng salamangka. Sa isang iglap, isa na akong famous villain ng mga witches and wizar...