POV HAILEY
PAGKATAPOS ng introduction ko sa aking mga dorm mates, bumaba kami ni Mason sa school grounds. Hinila niya ko palabas ng malawak na grass lawn at kitang kita ko na nagtransform ang castle mula sa isang mala-modern office building to a medieval castle.
"Saan tayo pupunta? Baka gusto mo ikaw naman ang mag-introduce ng sarili mo?" tanong ko kay Mason.
"I am a former-immortal black smoke. A few years ago, my brother Jared Elizalde passed away. After he died, I obtained a permanent physical body," sabi ni Mason na hinihila ko palayo sa Aquamarine Castle.
"Former immortal? So tao ka na ngayon? Ibig sabihin pwede ka na mamatay?"
"I almost died after my attempt of saving a special girl."
"Inalay mo ang buhay mo sa isang babae? Ang swerte naman ni ate girl. Jowa mo?"
"Not yet," nakangiti na sagot sa akin.
Nang medyo malayo na kami sa Aquamarine Castle, tumigil sa paglalakad si Mason at biglang hinablot na naman ang bewang ko papalapit sa kanya. Sa pagkabigla ko, nailagay ko ang palad ko sa dibdib niya.
First time ko nakahawak ng dibdib ng lalake at hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang alisin ang kamay ko. Siguro dahil ramdam na ramdam ko ang kanyang muscular chest.
"You can touch me, I don't mind," bulong niya using his seductive voice.
"Mas prefer ko kung wala kang suit. Mas ramdam ko ang hard chest mo."
"Is that so?"
"Ha? Ang sabi ko, magte-teleport na naman ba tayo using your black smoke thingy?"
"I can't do it inside the Aquamarine Castle. We have to do it here."
Pagkatapos magsalita ni Mason, biglang napalibutan na naman kami ng pitch black smoke. Nang maglaho ang usok, napunta kami sa mataas na parte ng bundok. Tanaw ko ang Aquamarine Castle mula dito. Kung hindi ako nagkakamali, this is the same place kung saan kami una dumating kanina.
"Mason, saan part ng Denmark ang Aquamarine Castle?"
"We are in an entirely different world created by Celina Renard. You can't find it on the map. The entrance to this world is in Copenhagen, Denmark."
"Parang ibang dimension?"
Hindi ako sinagot ni Mason at hinila niya lang ang kamay ko papasok sa gubat. Napansin ko agad na papunta kami sa isang bahay na gawa sa kahoy na may grass roof. Parang isang camouflaged na bahay sa gitna ng gubat.
"Kaninong bahay kubo 'yan?" tanong ko kay Mason pagbukas niya ng pinto.
"This will be our house during weekends. Dark Magic is dangerous. I need to teach you the basics for you to control it. You will be in a difficult position if your dark magic takes over your being."
Pagpasok namin sa loob ng bahay kubo, parang pumasok ako sa isang studio-type condominium unit. Tulad ng Aquamarine Castle, may ilusyon din ang bahay na ito.
"What do you mean by Dark Magic will take over my being? Parang magiging super mangkukulam ako? Ganun ba?" tanong ko sabay upo sa malawak na kama.
"Sa prophecy or sa vision ni Celina, your Dark Magic is capable of destroying this world. I am hoping we can stop it," sabi ni Mason sabay labas ng strawberry shortcake mula sa fridge at ipinatong sa ibabaw ng table.
"Wow, merienda ko ba 'yan? Grabe, dream guy talaga kita. Pogi na sweet pa!"
"This is your first practice. If you are successful, this cake is all yours."
"Anong practice?"
"There are different kinds of magic. One is Telekinesis or to manipulate objects using your mind. Telekinesis can only be done by powerful wizards. Try to carefully look at this cake. Focus your mind on it," utos ni Mason na umupo sa tabi ko.
"Ganun lang gagawin ko?"
"Imagine the cake moving. Try to move it using your mind. As simple as that."
Tulad nga ng sabi niya, nag-focus ako sa strawberry cake na nasa lamesa. It looks yummy dahil all-white ang frosting at may mga fresh strawberry toppings. Nagulat na lang ako ng biglang gumalaw ng bahagya ang cake.
"Oh shit shit! I moved it, nakita mo ba?" excited kong tanong kay Mason.
"Go on, you are almost there."
Nag-concentrate akong mabuti sa strawberry shortcake. Medyo gutom na din ako at gusto ko na itong matikman. Dahan dahan na nag-shake ang cake at nagulat na lang ako nang bigla itong lumutang ng bahagya.
I am so amazed dahil hindi ko kahit kailan naisip na capable ako ng ganitong bagay. Kung alam ko lang na may lahing witch ako, eh 'di sana ginamit ko na ang powers ko.
Feeling ko, ako na ang susunod na Hairy Powtah!
Nag-focus ako ng husto ng cake at mas lumakas ang pag galaw nito. I flashed my triumphant smile when the cake slowly moved towards me.
Ang hindi ko inaasahan ang mabilis na pag galaw ng cake. It flew right into my face. Ramdam ko ang malagkit na frosting sa mukha ko. Kahit ang mga strawberries ay nahulog isa isa sa damit ko.
Bigla ko na lang narinig ang halakhak ni Mason na umaalingawngaw sa buong bahay. Sigurado ako na siya ang may kagagawan nito.
"Anong nakakatawa? Ang lagkit ko!" sigaw ko sa kanya habang tinatanggal ang cake sa mukha ko.
"You look delicious. Can I taste you?" tanong ni Mason na biglang lumapit sa akin.
My eyes widened when he tasted the thick frosting on my cheeks. I can almost feel his lips on my skin. Kung wala ang makapal na icing, it is like he is kissing my cheeks.
"You are a hopeless case, my dear pet. I can feel a small essence of your Dark Magic, but you are not talented," sabi ni Mason na sabay kain ng strawberry na nasa damit ko.
"Hopeless case? Eh 'di ba improvement na nga ang ginawa ko? I was able to move the cake in my first attempt? Anong tawag sa ganung magic? Levitation keme?"
"You think so?"
"What do you mean? Huwag mo sabihin na ikaw ang nag-move ng cake derecho sa mukha ko?"
"Like what I have said, hopeless case."
Akala ko pa naman marunong na ko ng Telekinesis, ayun pala, sinadya ng lalaking ito na ilagay ang cake sa mukha ko.
Dahil sa inis ko, bigla kong nilagay sa mukha ni Mason ang natitira na cake na hawak ko. Biglang tumigil si Mason sa kanyang paghalakhak dahil sa ginawa ko. Ang kanyang all-black suit ay napuno din ng white icing.
"What the fuck? Why did you do that?"
"Malagkit ako eh! Well, malagkit ka na din ngayon! Sabi ko nga sa'yo, bagay tayo!"
Kahit hindi niya sabihin, alam ko na napopoot siya sa ginawa ko. I can see a black smoke aura coming out of him. Para siyang sasabog siya anytime.
Shit, napikon ata si Black Smoke.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Black Smoke
Fantasy[Completed - Book 4] My name is Hailey Shade Diaz. Ang dati kong tahimik at normal na buhay ay biglang nagbago nang maging number one most wanted killer ako sa mundo ng salamangka. Sa isang iglap, isa na akong famous villain ng mga witches and wizar...